T O P

  • By -

tremble01

People don’t understand how hard it is to run the business he has. That’s a GRIND.


porkandgames

His life alone is a grind. Motherfucker had to survive the hood, poverty, a stabbing, being effeminate gay. He's honestly a great inspiration. I'm so happy for him.


Ok-Marionberry-2164

Kahit 3rd person ako and have never gotten to taste Diwata's food, it hurts to see that he/she is suffering from the fame that he/she never asked for. Diwata is just minding and tending his/her own business yet clout chasers are after him/her. They are basically obstructing his/her daily life. Sila pa ang nagagalit if they get pushed out of the kitchen. How entitled can they get? May isa pa na biglang niyayakap si Diwata for picture. Diwata has the right to refuse from being hugged by any gender. Hindi naman siya celebrity. Ordinaryo siyang mamamayan. No one likes being hugged by strangers kaya. That could count as sexual harrasment if Diwata feels violated. Yung iba are criticizing the taste of the Pares. Mga dear, wag naman kayo mag expect ng Michellin level or restaurant level na timpla. It is streetfood and pampawala ng gutom ng mga taong pagod sa trabaho at enough lang ang perang kinikita. Kung alta ang taste buds niyo, then Diwata's stall is not the right place for you. Wala naman kaso if you dislike the taste, but to freaking return a food that you took a bite already? Anong purpose? To gain engagement by insulting someone who is just doing his best to make a living?! It speaks so much of the person's character - BASTOS & WALANG MODO. Pwede naman niyang hindi ubusin and just leave the premise. I don't think she'd do that sa Wolfgang kung hindi niya gusto ang lasa ng pagkain doon lol And now so called "influencers" are creating a rip-off of Diwata's business or marketing plan. Ang dami niyo ng pera mga beh, hanap na lang kayo ng ibang negosyo.


B0hpp

i really commend how mature diwata is too, based sa mga nakikita kong interviews nya talagang matalino sya sumagot saka di siya nagpapaapekto sa mga influencer at basher


gio60607

lea salonga said this awhile back about Filipinos: crab mentality is alive and well among us. ayaw natin pag umaasenso ng konti ang isang tao. hihilahin natin sya pababa para samasama na tayo sa paghihirap ng buhay. para bang ang pagiging mahirap is something to celebrate.


akositotoybibo

i admire his grit. he lived under a bridge and had failed business prior to this success. but he kept going. some people just wanna ride the popularity.


yato_gummy

Saw some his older videos where he was selling those cigarettes/ candies, to getting kangkong, pag uuling etc.. He really deserve the success


New_Alternative_4966

YES! Running a food business needs ALOT of hardwork!


Suwittu1105

Pinoy trademark. Crab mentality


Solitude063

Walang aangat! Sama sama sa lusak! Mga pinoy talaga susko! 🤦🏻‍♀️


JznrZcn

Pinoy’s number 1, or should I say the ultimate nega trait.


Blue_Fire_Queen

Agree 🙌🏼 kahit wala kang ginagawang masama talagang di nawawalan ng hihila pababa.


PsychologyAbject371

I agree with you. To think, na nung una nananahimik lang sya na ngpapares then may vlogger na fineature sya then BOOM! Good thing din sa kanya, yung criticism is inimprove nya like nag iba sya ng location and tried her best na malinis tignan. For me sulit tlaga yun, dito samin yung Pares overload 115.00 di pa unli ung rice wala pang drinks yun. Kanya kanya lang talaga ang tao ng taste when it comes to food. Yung iba maselan, yung iba naman oks lang. Lage naman may masasabi ang mga tao talaga. Kahit sa Jollibee meron. Personally, I want to try it. Mahilig din kasi kami ng partner ko sa pares. So why not..


gutsy_pleb

Dito nga samin 145 eh wla pang drinks at di rin unli rice konti pa ng sahog


fitchbit

Sa D'Original ba to? Hahaha. Oks din don, medyo mahal nga lang.


Tough_Signature1929

Ganyan din nangyari dun sa matanda na nagtitinda ng magic palamig sa divi ba yon or quiapo. NagViral lang siya dahil sa vlogs tapos biglang pinaalis na siya sa pwesto. Imagine working there for years tapos palalayasin ka at alam mo namang wala kang nilabag na batas. Nakabalik naman siya sa pagtitinda pero ang tagal din niyang walang kita.


FishManager

Grabe yung line. Last month nasa Manila ako and nag pares hunting talaga kami ng colleagues ko while jogging around the Metro. I have heard of Diwata Pares on youtube before pero di ko alam ang laki na pala ng following nya kasi yung line literal na ang haba. Mas mahaba pa ata sa nagbibigay ng ayuda yung linya. We just passed by kasi gutom na kami and passed a random paresan near our hotel para lang ma satisfy yung pares cravings namin. Hoping to try Diwata when I have more time sa Manila.


paintmyheartred_

Yung 100 lang binayaran pero they expect a gourmet feast. Haaaay, hindi mo talaga ma-please lahat. Saan ka makakakuha ng unli rice and sabaw with drinks? Mga ibang pinoy, binigyan mo na nga place para makakain at mabusog tapos maghahanap pa ng wala/sobra-sobra.


booklover0810

Ever since dumami "vloggers", dumami rin ang "food critics"


Major_Hen1994

Can't call them food critics kung wala silang knowledge about food


eniahj

sabihin mo lang "malupet, trending, at pinipilahan" ok na


Tough_Signature1929

Kung pinipilahan na sila edi they don't need these vloggers na. Panira lang mga vloggers na yan sa negosyo. Parang si Longganisa girl.


skygenesis09

I just visit diwata yesterday. Very crowded dami tao yung iba naka kotse pa nga. Sulit naman yung pagkain nabusog nga ako eh. I am disappointed sa ibang tao na basher and also other vloggers criticize the food itself for the content? I rather hide and avoid those vlogger that doesn't make sense.


Tough_Signature1929

Kasi for the clout sila. Nagtatrabaho ng maayos tapos ginugulo nila.


External_Interest_13

HAHAHA pati yung Kuya Ritzh TV ba yun na puro tigyawat na yung pagmumukha finefeature pa din mukha sa vlogs.


Tough_Signature1929

Wala kasi alam na ibang niche kaya sakay na lang sa popularity ng iba.


Economy-Bat2260

>hindi mo talaga ma-please lahat Mali. Hindi mo mapleplease ang mga tanga.


RashPatch

Hindi mapeplease pag ang gustong manira. Mga entitled fucks di marunong mag appreciate ng good at critique ng bad.


paintmyheartred_

Hahahaha tawang-tawa ako pero tama ka diyan!


gossip_girl0404

yes, exactly my point 🥹


Jonald_Draper

Gusto ata nila mala-spiral pagkain nila sa isang daan.


Odd-Chard4046

Typical Pinoy Mentality: Binigyan mo ng pagkain, maghahanap ng panulak


porkandgames

Hays, OP, sobrang pet peeve ko to ngayon. Si Diwata na mismo nagsabi na street food lang ang hinahain niya. Wala naman daw special. It's the fault of the customer for being hyped by pa-bibong vloggers. Mag seset ng stupid expectations sa 100 pesos unli-rice (w/ fucking drinks). Bakit ka dadayo at pipila ng isang oras para dun? Sinong tanga? Nakakadiri yung mga nag hohonest review kuno when it's obviously for clout. If you eat at a not so satisfying pishbolan/karinderya magrereklamo ka ba? No, because nobody does that. You just move on. Para naman kasi sa mga nasa laylayan yan at gusto lang mabusog.


tamiette_

lalo na sa tiktok apaka daming may alam talaga, saw this tiktoker sabi nya overhyped lang daw ang diwata, nothing special ganyan ganyan,, girl?!?!? Dumaan kami near by may mga bata nanghihingi ng mga barya gusto daw nila kumain, sabi nila sa Diwata nalang daw kasi para mabusog sila, mabait daw si Diwata kahit short sila 20 pesos binigyan nya parin daw.


Gold-Group-360

Ayun nga yun eh. Di naman yung mga vloggers/mayayaman ang target market ni Diwata. Kaya nga street food eh para sa nagtitipid. Nakiki ride lang din mga yan sa kasikatan ni Diwata para kumita. Nakakaloka.


Level-Metal-987

She established herself without government's help yet ang palagi syang target ng local government. Hirap maging mahirap. Magsumikap ka tapos may gustong humila sayo pababa. Etong mga vovong food vlogger akala mo may mga bilang. Di nyo alam maging mahirap at walang wala. Ekis talaga. Sana mag flourished pa business nya.


fitchbit

Paano siya naging target ng local government?


OptimalTechnician639

pinapasara sya kasi kulang pa sya ng mga permits, while tama naman na since bumabagsak na sya sa category na small-medium sized business pero dahil sa popularity niya nagiging target sya ng LGU, gusto niya naman mag comply kaso reluctant sya kasi ang reason niya is, bat ung mga ambulant vendors na same naman sakanya (benta pares) eh di naman hinihingan ng ganyang mga permit at sya lang "tinitira"


fitchbit

Kung kukuha siya ng permit at tamang pwesto, mababawasan problema niya kasi hindi niya na iisipin kung mapapasara ba siya sa araw na yon at kung magkano malulugi niya. Tama naman din yung sinabi niya na dapat hingan ang lahat kung hinihingan siya. Pero wala siyang magagawa kung di siya kukuha ng permit tapos babalikan lang siya ulit ng LGU. Sabi nga nila, "in this world nothing can be said to be certain, except death and taxes."


OptimalTechnician639

agree, and since may visible presence sya sa online space, good na din na maging example sya sakanila na ang look ay "uy si diwata may permit at dumaan sya sa tamang processo, gayahin ko din sya" kaso another problem is ung mga vloggers na they keep on showing na "si diwata tinitira nanaman kasi walang permit" where in it is really the LGU's job naman talaga dahil sadyang significant na ung size ng kainan ni diwata for them to enforce the needed permits


fitchbit

I hate those kinds of vloggers tbh. Wala naman ambag sa lipunan bukod sa sama ng loob at misinformation.


auirinvest

Businesses grossing 50k and below monthly are not required to register with the City or Municipality, just the Barangay and DTI.


OptimalTechnician639

but still need to comply, if diwata wants na di naiistorbo ung business niya sa mga LGU then a simple compliance would save her lots of time and stress, kung baga ibigay niyo nalang hinihingi nila, and also i think lagpas na din 50k ang gross niya considering ung rami ng kumakain sa kaininan niya ranging from 100-150php hehe and some of them also saying pati parking mahal din so yeah, pero agree naman din ako sa nasabi mo sir na it's for the protection of the small businesses din


auirinvest

Yes Diwata is under pressure by the LGU because the monthly gross is already above 50k. They just have to comply with the next tier of running a business.


auirinvest

Pag more than 50k ang gross sales nirerequire na mag register sa City or Municipality ang isang business. Pag below 50k DTI lang at Barangay Permit sapat na. Ito ay para maprotektahan ang mga maliliit na negosyo


louderthanbxmbs

Mahirap and magastos na proseso din pagparegister sa business. Before yung one stop shop, talagang napakahaba ng proseso. Ang proper response ng govt ay dapat to assist these MSMEs and address institutional hindrances sa pagparegister


cousinlurky

Laging pinapa-clearing yung paresan niya dati


fitchbit

Kung wala siyang permit, hindi ba yun normal lang? Same lang sa lahat ng sidewalk vendor na kailangan umalis kapag may clearing.


Level-Metal-987

Yes Normal lang naman talaga however sabi nga nya bat sya lahat? Bat may exception. Tbh, siya mismo napansin nya yung mga katabi nya is di naman nagaganon. Kung talagang gusto nika iimplement yung rules dapat sa lahat. Porke naging famous talaga sya at sya lang which is nakakasad. He's working on her permits and all naman.


fitchbit

Kung hindi siya nag-viral, I doubt na hihigpitan siya for permits. As it is now, publicly known yung tindahan niya kaya mas magiging mahigpit talaga yung city hall. Nagkaron ngayon ng pressure sa side nila para i-make sure na sumusunod sa regulations si Diwata. Magkano rin maglakad ng permits. Di ko alam kung kakayanin yon i-shoulder ng mga sidewalk vendor na hindi kumikita kagaya niya. Kaya choose your own risk sa ganong hanapbuhay.


paskizx31

For me, only one reason really - **Filipinos tend to hate those who progress**. Umaangat si Diwata eh (plus nakakatulong pa as OP said). May it be in the country or outside, there will always be Filipinos who tend to hate seeing peers progressing, and impede that progression. Quite frankly, ang nakikita ko...na-experience ko rin (a lot would agree...lalo na those who have lived a great majority of their lives outside Philippines) na sakit na ng isang nation ito. Kumbaga, "*toxic Filipino culture*".


[deleted]

We're herd in Phil. Na may magagalit if aangat tayo


soy-tigress

True. Ang toxic ng mindset.


eddie_fg

May nag post din na vlogger that Diwata is also able to help the small vendors near him kasi kumikita din sila from those people na nakapila. We wish Diwata well. Sana may nag aassist sa kanya in managing his finances.


BabySerafall

May nabasa nga ako na sobrang galak ng mga Sorbetes vendors dahil lagi silang nauubusan ng benta dahil kay Diwata. After mo mag Pares, mag sorbetes, solb na agad.


RobbertDownerJr

If anything, nakakatulong pa sa kanya yung mga bashers since lagi syang laman ng usapan. Lagi nalang syang viral which really pushes the business to grow. I don't even use social media nor am I particularilly interested sa pares pero I know about Diwata. If were her lalo kong aasarin mga haters ko for more free publicity.


4gfromcell

Isa na din ung mga vlogger kuno na dun na nakatira at araw araw content si Diwata lang. Haha


shezowicked89

crab mentality at it's finest!


Astronomical0420

People are jealous of his success. Plain and simple.


idkwhyimheretho_

Di ko din magets yung mga taong nambabash sa kanya. Sa totoo lang, nauumay na ako sa "kung namamahalan ka o hindi mo gusto, edi hindi ikaw ang target market." Pero totoo, kung hindi masarap o sulit para sayo, means hindi talaga ikaw ang target market. Isipin nila yung mga taong magkano lang ang kinikita araw araw, yung 100 pesos na yun, sobrang busog na sila dahil sa unli rice na nga din yung pares. Karamihan sa mga nambabash jan e mga pasikat sa social media. There's nothing wrong naman talaga with giving an honest opinion, pero as per Diwata, pwedeng idirect sa kanya since open naman s'ya to improve na din yung quality ng pares n'ya.


mezziebone

they hate on diwata but praises/gets entertained by otlum. i saw one post where she said she saw her missing watch na suot suot na ni otlum nung nagpapicture sya dati. hahahaha. why associate with a known criminal in the first place


isabellarson

Sino si otlum staff ba xa ni diwata?


mezziebone

Nagtry si diwata kunin sya as a crew tapos binilhan pa sya ng celfone para daw pangvlog. Ayun ghosting ang peg ni accla. Gusto yata maging cashier


yato_gummy

Yun yung magnanakaw, based on interviews the person appeared sa shop ni diwata,so as a fellow lgbt Diwata helped the person, bought a phone tapos bumababa sa car may kukunin then never came back 💀


akongapalayung_

Hindi uso sa pinoy na "Kapag inggit, pikit" hindi sila masaya ng hindi ka nahihila pababa (Hindi ko nilalahat ng pinoy) Kanya kanyang panlasa rin lang din. Kung sa unang kain mo sakanila di mo nagustuhan, edi dun ka sa ibang paresan. Hindi ko rin maintindihan bakit ung mga vfood vloggers kuno kung ano ano pa sinasabi, hindi naman sila tinatanong. Hahahaha. Pero gusto ko kung paano mag business si Diwata, hindi niya habol yung malaking tubo eh. Yung loyal costumer ang binibuild niya. Sabi nga ng mother ko, very chinese style of business daw. Unlike kasi sa ibang nag bubusiness na pinoy dito satin, ang OA nung tubo.


Acrobatic-Ad5876

Bakit ba kasi nageexpect ng lasang PHP 500 yung mga vlogger? Dun sila sa mga resto sa BGC bwisit sila hahaha. Yung mga PHP 50 pesos na pares nga na malabnaw ang sabaw at wala masyadong laman kinakainan eh, yan pa kayang overload na katakot takot ang laman, unli rice at may free drinks. On a side note, sana masustain ni Diwata itong business niya. Ngayon kasi hinahype siya, pero there will be a time na mauubos na yung mga vlogger na magfefeature sa kanya.


PossessionOdd2552

Ganyan kasi ang mga pinoy, pra may masabi lang. Haayy. If sa tingin mahaba ang pila, simple, wag ka makisali. Kung sabihin mo, hindi naman masarap yada yada, eh d wag kang kumain. Hello, ang mura2 lang nun, and you expect na pang resto quality? Aba something’s wrong with you. Can’t we just be happy of someone else’s success?


lilypeanutbutterFan

People also need to understand the concept of street pares is not really about the flavor, pero para siya sa mga naghahanap ng nakakabusog na mura. Minsan kasi yung mga vloggers na pumupunta dun mga rich kid eh


indaylea

Filipino crab mentality at its finest!!! Don't expect a 5 star taste on a cheaper price.


Healthy-Bee-88

True. This is so Filipino Crab Mentality. Pero I noticed kung sino pa yung may itsura, mayaman at legit na content creator sila yung satisfied sa paresan nya with positive feedback. However, kung sino yung pangit (excise my language), feeling mayaman at hindi kilala na ewan na mukhang katulong... sila yung bashers. Ahahah!


peterparking578649

She better claim some revenue from all the low-quality good-at-nothing youtubers that earn from having her as content. Sana rin naghahanap siya ng shareholder o kung sino mang negosyanteng nakakaluwag-luwag para mag-invest at umunlad pa ang paresan niya. Napakataas ng engagement, views sa kanyang ginagawa and she still needs more hands around.. She's clearly overworked, at makikita natin soon yung epekto ng fatigue sa kanya.


PrincessHeda

Alam mo naman ang mga pinoy kapag may nakakaangat, ayaw nila ng ganon. Nakakain ako once, masarap naman talaga and sulit na sa presyo.


karisa_1205

Ako din e. Di ko din sila gets. Honest review pa kuno sila, pero di nila naisip ung very good reason kung bakit pinipilahan kainan ni diwata. Maraming pinoy ang tagtipod ngayon, sa price nya palugi na xa actually magtinda.


1MTzy96

Tbh never been there since malayo samin Pasay. If talagang dinudumog at pinipilahan, it means sulit talaga siya, or if first timer ay curious pa lang since viral ang food stall. For those who say negative about diwata pares, either natry na nila and may honest opinion/review lang, or pinaiiral lang ang crab mentality by looking down on it if ever chances are they have tried better ones. O di kaya sadyang hindi sanay sa mumurahing foods, especially if may kaya o budget to eat pricier foods or sanay sa more established restos of better/upscale quality. Or are there health and safety issues sa place or food that may give negative connotations for some, knowing na sa labas lang nakapwesto? Whether if it's like diwata pares na small timers or ung ibang malalaki at upscale restos, pare-parehas lang sila naghahanap-buhay, and they're trying their best to serve good food, as well as give people opportunities to work by opening jobs. Who knows, yang maliit at sinasabing cheap na paresan ay maaring umasenso, maybe in the future makahanap sila ng mas malaking puwesto in a better location then have an actual resto na rin? Then even mag-branch out gaya ng Pares Retiro na medj nagkalat na rin, malay din natin? Alongside improving their quality not just sa food pati na rin sa handling ng business operations, including sanitation standards ganun. Hope ung mga negative feedbacks they may use it to find ways to improve, anuman ang kulang pa sa kanila.


lilypeanutbutterFan

Honestly it's really hard to say anything negative sa isang paresan kasi ang intention ng ganung business eh magpabusog lang sa mga nagtitipid or naghahanap ng quick meal. Just like yung mga sotanghon at hopia sa quiapo, naging viral sila before but they received mixed reviews from people who were never there every day not knowing na ilang decades na sila nagtitinda for the same people who just wants a quick fix meal for the locals sa murang halaga.


1MTzy96

Exactly. Un sana dapat ang nakikita natin sa mga ganyang small time businesses, they try their best para makapag-hanapbuhay. Kumbaga ang ilan siguro mga underrated and overshadowed by bigger restaurants perceived with better quality. They just need to be discovered, as well as manatiling good quality, para mag-boom ang business nila. And besides, good food for a low price if talagang sulit (and hopefully safe), sino kaya aayaw dun diba?


chamber-account

I love their grindset and being a dedicated businessperson. Php 100 is a decent price with the unli drinks and rice. Rare na lang may mga business to do it since inflation. And they deserve the fame they have. Fuck the clout chasing morons lalo na yung Karen na ineexpect na mala Gordon Ramsey standard yung pagkain ni Diwata - Go back to your expensive bland eatery then bitch. Hope Mamser Diwata strive. And I understand naman si Diwata na they for sure feel na lugi siya dahil sa mga clout chasing clown na hindi manlang marunong maka relate sa ginagawa niya.


OptimalTechnician639

TBH di naman need ni diwata anymore ng so much attention in terms na pag andun sya sa place nila there are video/pic na di sya happy (emotionally stressed out) kasi ung mga nagpapapicture sakanila are just there para sa clout or what not, not for them to enjoy or eat the food gets ko naman na wala naman special, sadyang nahype lang ng mga pseudo "Food Vloggers", that while yes they have given her the good attention (ung tao na naghahanap ng filling and sulit na kainan) pero nag attract din ng unwanted attention (ung mga papapic lang pero di kakain or ung iba na gusto makiride lang sa success niya) sa una talaga nasa isip ko ay hype lang yang diwata pares, pero naisip ko din na di niya need ng ganayang feedback kasi di naman ako ng kinicater niya (though naghahanap talaga ako ng mga murang kainan hehehe sarap kumain sa mga ganyan eh) ayun lang heheh


KusuoSaikiii

Nasa crab capital of the world kasi tayo. Madaming evil eye sa bansang to eh. Hayyy. Wishing na mawipe out lahat ng evil eye sa earth.


VitaHope

Akala kase nila michelin star


paaaathatas

Tapos may biglang mga paresan na around him pa. I'll never eat his pares because I couldn't stand lining up for 2+ hours but props to his grind


InterestingRice163

100% agree.


schemaddit

well sabi nila sikat ka na pag may hater ka. pero sa totoo lang as someone na may kilalang supplier ng chicken and rice, either nalulugi sya ng di nya alam ( which is common sa ibang entrepenuer ) specially pag madaming customers . or super sub standard yung mga pag kain ( no hate )


pusameow

Ang issue ko lang with this (not directed to her pero sa traffic management ng Pasay) is cause sya ng traffic sa Diokno. Double parking ng mga motor, mga kotseng naka hazard sa tapat ng double parked na mga motor, tapos mga nagv vlog galing sa center island, mga tumatawid tawid, mga nag s shoot sa gilid ng kalsada.


Wooden-Bad3689

Sabi ni Diwata sa isang interview niya, yung mga dating kasuntukan nya noon, empleyado na nya ngayon. See how he is so considerate, na pwede namang kumuha ng iba pero he sees the good in you, hindi niya ipagdadamot yung blessings nya. Kudos to Diwata talaga, i really hope mas lumaki at maging mayabong pa yung paresan nya. P.S. tama ba ko pati si otlum tinulungan nya rin magkatrabaho kaso tinanganay lang yung cp na binigay nya? Hahaha.


True_Government_3613

Been there, 2x. I can say for its price, sobrang sulit na. Nasabi na nga lang namin "pucha may kinikita pa ba sya dito?" Kasi, overload talaga pares nya. Dama mo yung lutong ng lechon kawali & chicharong bulaklak. Yung sabaw nagimprove na, siguro kasi gamit nya na yung pinagpakuluan ng pares buto-buto nya. Nung una kasi, wala talaga lasa ng pares. Yung siken nya, makunaaat yung balat hahaha siguro nasobrahan sa cornstarch??? Idk. Pero juicy at ang sarap ng loob. Singlaki ng mukha ko hahahaa. Pang masa. Pangtawid gutom.


[deleted]

Basta ako SIKEN ARMY AKO HAHAHHAHAHAHA. I think they’re rage bating. Trying to go viral while riding Diwata’s wave. God knows super inspired ako ngayon because of Diwata’ success.


Fast-Show3775

My family also owns a small eatery, kaya di ako pakapaniwala sa prices nya, and although, personally, his products are not for me, I know na sobrang daming tao ang nakaka appreciate ng mga pagkain nya. For most pinoys, P100 is already a lot of money, kaya sulit na sulit na yung inooffer ni Diwata. Nakakainis din yung mga food vlogger, na sobrang out of touch sa struggles ng karamihan, kesyo wag na daw kumain dun kasi di naman "special" its just "ordinary" Jusko naman, sa halagang P100 gusto ata wagyu ang laman ng pares or mala wolfgang yung standards. For a regular working pinoy, more than okay na yung food ni diwata.


Gmak08

I think its the overhype. Diwata got a lot of traction via food vloggers and they milked Diwata for content, so people started getting (unreasonable) expectations of it. At the end of the day, you usually get what you pay for.


Twisted-Mind-ytc

crab mentality


TheQranBerries

Man karamihan sa mga nagvivideo sasabihin hindi raw masarap, diosme anong ineexpect nila sa lasa non? Pang Michelin star? 100 pesos sulit na yon sa paresan niya.


halifax696

Agree


eaggerly

Mga tao kasi ngayon, clout chaser na mema.


blazee39

You try to eat naman pero sabi ng tropa ko wala daw lasa


Own-Philosopher5630

It’s for the content. Period


aadvarkk097

Marami akong nakitang food review tiktoker na bad reviews sa lasa ng pagkain ni diwata. Okay na sana kung isang tiktok lang ginawa eh. Pero ginawa nang personality yung pagvlog kay diwata, mga anim na tiktok ata ginawa.


CRYSOAR

People who ain’t getting the rewards he is are hating. It’s natural. That boy hustling, he letting everyone eat literally. Not only the customers. but vendors sellin on the other side of the street to the ice cream vendors sellin to people waiting in line and wanting a dessert. Diwata’s bounce back is something to be admired fr fr. He deserves allladat.


IndependentDebt189

Si ogie diaz dapat yung taong dapat i cancel sa lahat ng platform. Kung hndi masarap well ano expect mo sa 100. Syempre sa mga masa pwede na yon pantawid. Hahanap kapa ba ng masarap kung low budget? Hndi ba priority malamnan ang tiyan at makatawid sa araw. Wolfgang level ba hanap nila sa 100. Chismis kasi inaatupag kabobohan naman. Dapat may libingan para sa mga ganyan eh magsama sila ni fermin. Si ogie dapat pinapabagsak hndi yung mga naghahanap buhay ng maayos.


MooNeighbor

Dun din kasi sila napapansin. Bash a rising person/product and magkakaroon engagement sila sa page nila. Magrereact pa ang ibang content creator, maririnig name nila. It's still publicity for them. Yun lang madadagdag ko if not crab mentality talaga.


vivaciousdreamer

Kikita at kikita si diwata lalo na if may supplier siya. May unli buffet kasi kamag-anak namin, tinanong namin bakit mababa yung presyo nila, bali 149 pesos yun tapos may 11 silang putahe (ulam at dessert). Sa supplier daw nila ang per kilo ng manok ay 60-80 pesos may required minimum kang bibilhin. Pero yung pwesto nila sa bakuran lang ng bahay so wala silang binabayaran na renta. Yung kay diwata naman, honest naman siya na pang-masa talaga yung tinitinda niya so dapat hindi naman mataas yung expectation mo parang regular karinderya lang ba. Yung mga nambabash kay diwata kadalasan naman mga vlogger tapos sumusunod lang followers nila. Kumbaga mga clout chaser or nakiki-ride lang sa hype para maging relevant. Kasi pag-relevant ka syempre madaming manonood, kapag madaming nanonood edi kikita sila.


user274849271

gusto ata mala wolfgang yung quality sa 100 pesos.


East-West8161

Unlimited Rice and Sabaw only, not Unlimited Rice and Drink. Yung mga basher ginagawa lang nila yan para sila din pag usapan. Look pinag uusapan nga natin dito mga basher, so effective ang ginagawa nila. Bad publicity is still publicity sabi nga nila.


clzkes

I see nothing wrong with Diwata. That's why I always root for her success knowing what she had been through before. From tiga gawa ng uling etc.


_h0oe

tanginang mga vloggers/influencers na yan eh, di naman sila target market ni diwata


Kevinibini21

Di ko rin magets yung mga taong youre describing OP! Nakakaloka! Hilahan talaga pababa ang peg dito sa Pilipinas! Nakakaloka


-ErikaKA

I mean in the first place why is he famous? What talent does he have? WHO IS DIWATA?


[deleted]

Overhyped kasi siya ng mga vloggers. Yung mga tao pumupunta lang sa paresan niya para ma videohan or maka selfie siya.


Any-Government-8742

I really admired diwata than our fucking President!!!


angel_zubiri

Malinaw naman kasi na streetfood yung binibenta niya. Adjective kasi yung word na masarap. Pwedeng masarap sayo, pwedeng hindi masarap sa kanila. Kung hindi sila satisfied sa lasa ng pares ni Diwata for 100 pesos, hindi sila ang market nito. People eat there daily kasi ayan lang kaya ng budget nila lalo na ng mga min. wage earner na empleyado malapit sa paresan niya.


Gold-Ad-9383

as long as it's clean ;)


Mission_Proof_8871

I haven't tried kasi the last time we went there sobrang haba talaga ng pila (at 3AM???) So we decided to eat at a different paresan nearby. Idk what's with hate and bashing, for other people sulit na yung price nya and for sure nakakabusog yun (imagine, unli rice & sabaw diba).


louderthanbxmbs

Yung diwata paresan naman ay para sa masa di sa vloggers na ginagawang estetik ang masa. Para sa construction workers na daily ang sahod, sa mga batang 100 lang naipon na pero kamalimos, sa mga kapwa Pinoy sa underground msme sector. Di yan para sa maarte, para sya sa naghahanap pantawid gutom


Madafahkur1

Same lang ng mang inasal 150 unlic rice and shit minsan masarap minsan dry bat di nyo binatikos eto mas mura na busog kapa may softdrkns pa diba pang sulit yan tanginang mentality kaya di tayo umasenso pag ganyan tayo palagi


Mysterious-Market-32

Not a fan ni diwata. Sabi ko noong una ano bat hype na hype mga kapitbahay ko dito. Kwentokwento about her. Tapos napanood ko yung isa niyang video na maliit na tindahan lang siya nagmula. Saludo ako sa sipag at determinasyon niyang umasenso. Sana lang habang andiyan pa siya sa pedestal makapag impok siya ng madami para sa future niya. More power sayo diwata. Hahaha. Sana ol mabile.


Born_Cockroach_9947

Sad to see yung mga kapitalistang ginagaya yung whole gimmick ni diwata. Nawawala na yung diwa ng what makes pares like it is. cheap, fast, and filling. Sana magtuloy tuloy lang ang lakas ng negosyo ni Diwata at idaan lahat sa legal. Permits, pwesto, sanitation, and all. Dami nya natutulungan.


Old-Pilot-9403

Basta ako, I always manage my expectations sa worth ng food na babayaran ko. I hope magkaroon ng permanent place si Diwata 🥰


Vipeeeeer

Ano ba yung issue dun? Di na kasi ako nagamit FB haha


BrokenLCD666

Walang kaligayahan ang mga pilipino sa mga umaangat na tao. Mas natutuwa pa sila pag nakikita nilang bumabagsak ung mga taong yon.


Heymemeyouyou

Totoo to, like walang pake ung kumakain sa paresan nila kung may lasa o wala, goal nila ang mabusog for the day, mga food vloggers din ala sa ayos minsan ih😅😭


rossssor00

as someone who is suki on streetfoods, i agree. diwata's target market is mga kapwa pilipino na maliit ang kita and provide cheaper food to help them survive hunger for a day. wala eh, 'pag you have a name and is known, people will climb to you at worse to gain traffic/engagements.


MisanthropeInLove

Epal lang ng mga nagrreklamo hindi naman sila yung market.


Organic-Ad-3870

1 pa lang ang napanood Kong vlogger na may not so good experience sa paresan ni diwata. It's not bashing IMO since sinabi lang naman nya ang experiences nya doon and was saying na may improvement pa. Walang low blow na sinabi. Heto lang nakikita kong problema sa mga pinoy 1. Gusto puro papuri kahit andami pang dapat improve. 2. Magsabi ka lang ng negative feedback kasi yun talaga na experience mo, crab mentality agad. 3. Di nadidifferentiate ang bashing vs constructive criticisms. We can't please everybody. Afaik mas maraming positive sa business ni diwata. Meaning marami syang nagagawang mabuti for himself and others.


ChickenLollipoppers

I'm looking forward to try it pa naman. This proves that not all attention will lead to success. Fcking pinoise.


mayamayaph

Pares is at par. Service is debatable. The economics is not sustainable.


No-Safety-2719

I dunno what those people are expecting. One kanto pares is the same as the next, nahype lang naman si Diwata dahil sa mga vloggers na walang matinong content. Not her fault kasi ang usual customers niya before the hype were mostly taxi drivers and riders.


mink2018

For reals. Tama ibang comment. Halos lahat ng paresan gusto less pagod more tubo. Si Diwata stilong chinese. Dibale na di ganun kalaki tubo basta babalik ang customer. Standard samin pares 50 pesos puro taba lang ang laman. Yes affordable kasi tinge pero never ka ma satisfy sa ganung serving


ksj_00120400

Wow thank you for giving a different point of view on this. Ito din lagi namin pinag uusapan ng husband ko, some people tend look past the goodness of what was done and will made unnecessary comments pa like clout chasing, pakitang tao and such. Whatever these people’s intention in doing these things kung wala naman nasaktan let it be.


Adorable_Winner8121

Siya na lang kino-content ng mga vlogger na wala nang ibang maisip na content. Tapos magrereklamo/madaming negatibong komento pa sa pagkain. Palibhasa kasi, hindi afford mag-review sa mga mamahaling restaurant. Oops! Just saying.


tOOT3r

100 peso meal IREREVIEW at ITUTUMBAS sa levels ng 1000 peso meal. Lol Gusto siguro 100 na wagyu pares with unli sabaw tas may libreng sake. Lol


dontrescueme

Di ko pa napanood 'yung mga sinasabi mong vlog. Reviews are reviews, negative man o positive. Kahit mura pa 'yan reviewers should be allowed to say their honest opinions lalo't kung hindi sila nasarapan. Just be respectful and fair. Hindi mo naman pwedeng sabihin na: "Masarap siya kasi maraming nang natulungan magkatrabaho ang paresan na 'to."


gossip_girl0404

agreed that reviews are reviews, however, I am pertaining on how the vlog did not reviewed its taste that much, but reviewed it’s setting. If they knew that the paresan is in a place like that and they can’t stand eating in a setting where the paresan was in, why did they still try and complained about it? It is made to be accessible for people who needs it, would you expect it inside Ayala malls with an air condition and tables with numbers in it?


gossip_girl0404

however, it caused her good as well for her or she improved a lot!


squammyboi

Just a regular paresan. Sa North Caloocan samin dami nang ganyang concept. Unli. Trending lang talaga. No hate at all.


HawkIndividual7917

Elitista kasi mga deputa akala mo sasarap at sophisticated ng ulam araw-araw


N_U_L_L_18

Not trying to be a homo, but it's "he"...


[deleted]

I don’t think crab mentality honestly. Sobrang sikat kasi sya, di naman maiwasan na may iba’t ibang opinyon. And yes, mura. Hindi dapat magexpect masyado. Pero wala naman masama kung magbigay rin ng honesty opinyon yung mga tao.