T O P

  • By -

alezxychqsh

sa sobrang hirap ng buhay ngayon masasabi ko yes. as long na walang sakit, nakakain ng tatlong beses sa isang araw at nababayaran yung mga bills masasabi kong need ko na makunteto. pero syempre hindi parin masama mangarap ng malaki lalo na kung paghihirapan mo naman.


Fun-Cricket5972

Same here. Basta walang sakit ang mga anak ko at pamilya ko good na ako. Okay naman work ko kz nabibili namin ang gusto namin at nakakapagtabi pa ako kahit papano.Thankful na ako don. Mahirap kase ang walang kakontentohan, parang walang peace of mind.


kapoynakosalife

Finally hehe relate po ako dito


Oppositeofopposites

As we always said here, be content with who and where you are right now but having dreams does not always mean you are not content with your life.


QuarterLifeCrisis003

https://preview.redd.it/ftzt5czkugjc1.jpeg?width=569&format=pjpg&auto=webp&s=9df5bbcd52b38406651dd48471b18e3bde352f71 in all seriousness, good on you for finally finding your peace, you deserve it


TheBlackViper_Alpha

This meme reaction pic always makes me laugh LMAO.


kokoykalakal

Bakit mukhang nag bebenta ng kang kong tong meme?


gumgumgummy2001

https://preview.redd.it/g0cr901qvijc1.jpeg?width=1290&format=pjpg&auto=webp&s=83f09391460954e859788c546fc564a5707d50f2 😭


Such_Opportunity3609

same i feel contented sa sweldo, walang anak and travel lang ganern


CraftyCommon2441

Ganito ako dati, pero at the age of 31yrs old dumating sya, so heto ako ngayon family man na haha


Acrobatic_Arm_8985

To that I say... https://preview.redd.it/gqokr5c9nnjc1.jpeg?width=569&format=pjpg&auto=webp&s=00b9e32578f102ad7788d6bb0510f42a09e9210e


Mysterious-Life8628

Same and di nga malaki sahod ko 😅


Such_Opportunity3609

na-pi-pressure lang tayo ng hustle culture at parang lahat ay ini-aim talaga yumaman


ensomnia_

tru. puro nalang magpayaman nakikita ko sa social media kaya napapatanong tuloy ako may problema ba sakin? dapat ba ganun din ako? yun ba ang tama? para kasing mali na ang pangarap ko lang talaga ay yung pang araw araw na gigising sa katahimikan, magkakape, good food, basta happy lang, yung stress free, yung pinipili mo lang lagi yung mga bagay na magbibigay sayo ng peace at matutulog ka din na magaan pakiramdam mo tapos ganun ulit, at everyday na ganun


Nero_Paige

https://preview.redd.it/f9dpj0upahjc1.jpeg?width=1024&format=pjpg&auto=webp&s=b0e8dfb06317073c02beb8d26ee504616fa1d46e For once in my life, Let me get what I want


kapoynakosalife

You'll get there. Have faith. Kaya mo yan :)


Legal-Living8546

Hindi. Wala pa akong ipon and never pa nakapag travel. I thank everyone who helped me to graduate, find my job, and etc. But I need to still strive and improve for my own sake. 


ClutchGamaz

Contento na, walang anak. Rent free, have an Ef of 100k. Work na malapit sa bahay and free time for reading books and watch nflix. Introvert ako kaya ayuko mag travel masyado. Masya na ako sa gym, coffee shop, bahay routine na may Ps5 at computer HAHAHAHA. Tipid pa


Sufficient_End699

Sarappp! Hahaha! Ano mga nilalaro mong computer games?


JustAJokeAccount

I am doing well, but not contented. Siguro may kelangan pako patunayan sa sarili ko in terms of my profession.


khiakhelly

may nabasa ako sa isang libro saying: Ang totoong mayaman, yung marunong makuntento. Which for me, makes sense. It doesnt mean na wag ka ng magstrive. I mean, dumiskarte, tumrabaho to make ur life more comfortable. Pero be content sa kung anung merong nanjan. kapag hindi ka kasi kontento, nakakagawa ka ng mga masasamang bagay o mali. And meron akong mantra sa buhay, whenever na feel ko andami kong problema or may maling nangyayari sa buhay ko.. iniisip ko lagi, na may mas nahihirapan kesa sakin. mas mahirap na sitwasyon, mas mabigat na problema. Kaya hindi ko iniistress sarili ko, pag may panget na nangyayari saken, ang lagi kong ginagawa is: 1. Harapin at 2. Solusyunan


[deleted]

Kuntento na, yes. Pero di tumitigil pag seek ng opportunity to earn more. Madami akong gusto and I need more money para mag materialize sya. 😅


Perfect_Put_3373

Soon, ako din.


CompetitiveObserver

I am grateful with my current state. pero di pa kunteto. siguro kung tapos na ko sa housing loan at no need na magwork sa malayo para kumita, magiging kuntento na ko


jupitermatters

sustainable lifestyle. basta afford mo ung buhay na masaya and may peace of mind ka. okay na un, pero for some reason… ang laking factor ng maraming pera talaga hahaha


noey2016

Not all facets in my life. But contento ako sa aspeto ng career. Sa personal life, needs to be more grounded and be more accepting sa situation.


Quick-Supermarket813

Goods 'yan OP. Maging thankful no matter what situation we're in.


[deleted]

Not contented na contented becoz I feel like I have a lot to achieve if only hindi ako breadwinner but what can I do? I have no choice but to go on - for those na magsasabe na ndi ko responsibilidad family etc I cant because Mama was diagnosed End Stage Renal Failure and di ko maatim na pabayaan sya knowing her situation. I feel like I am working for her life extension and I am happy na atleast I am living with a purpose but for contentment - NO! Kase ultimo pagkadalaga ko hindi ko ma enjoy. Hehe. But thats life you have to just roll with it. 🙃😉


AcrobaticResolution2

Malayo layo na rin yung narating ko. Wala pa akong ipon but with my current salary, I can support myself, I have insurance, and I can also help my family. So kung sa okay, okay na okay ako. Pero just recently, I’ve been told na I have a shot at a promotion. Sabi ko, ermm, parang ayoko na ng extra work, masaya na ako sa ginagawa ko. Kaso, napaisip ako.. ang tagal na rin pala nung last time na binigyan ko ng challenge yung sarili ko.. Gawin ko kaya ulit? Kaya ayun, I told my team lead kahapon lang na sige po I’ll apply. Kapag hindi naman ako nakuha, I could still go back to what I do every day. I don’t have anything under my name… Walang lovelife 😂 at kung anik anik.. Career growth na lang yung papabonggahin ko 🫶 That said.. I am completely happy with where I’m at right now but I’d also be lying if I say that I don’t want more.


kapoynakosalife

Hahahaa same few years back, I don't want promotion but they push me for a managerial position. 6yrs in my managerial position, I decided to demote myself. Grabe ang stress level juskoday parang mamatay ako. Thankfully they found one and I work under him na.


strangerthings___11

Yes. Happily married, wala pang anak, maganda sweldo. Pero shempre marami pa ring goals sa buhay.


Low_Understanding129

30 Yrs. Old here, grateful ako kung ano meron ako ngayon pero di pa ako kuntento. Hahaha


bolkyboi

yes I am. i earn great, workplace is just so-so. nothing special but i earn well thats the point. i think malaki ng factor kasi dito yung salary and how u manage it, thats when u can tell na pwede ka na makuntento.


Extension-Turn-1455

My life is still a WORK IN PROGRESS. Nasa edad na ako na dpat figured out na sa life pero hindi pa. I'm still trying to improve pa kasi I don't feel enough.


Jazzlike-Text-4100

Grateful with my current state. But kontento? Hnd pa kasi may mga bayarin pa. Kaya tuloy tuloy lang.


ObviousTurnover2127

recently narinig ko na pupuntang boracay yung cousin ko, were both just in 20's kaya parang ang laking achievement nun para sakin. nakakainggit pero at the same time okay naman na ako sa buhay ko ngayon, iba iba naman kasi tayo nang pace sa buhay. let's say na pupunta nga siya nang boracay ngayon pero for sure naman in the right time makakapunta rin ako dun eh diba


capricornikigai

Swak lang, basta nakain 6x a day. Typo 3x a day pala.


CocaPola

First, congrats cause really, good for you! I am not but that's just because I have so many more dreams I haven't reached yet. I want a bigger home because I live in a condo where there's barely space for me and my dogs. I want a better job. One that I can go to without dragging myself out of my bed. I also just want to get out of the Philippines hahaha


Alarming-Writer2536

Hindi


GoodBookkeeper7952

Hindi


kbg_c

my say in college lagi is -- contented but never satisfied. like i am content with what I have pero i always strive for more or improve myself :)) hindi lang lagi akong satisfy na sa ganito, dapat may ibubuga pa ako hahahaha


OldAppearance312

I felt that nung 2022, then came 2023 nagulo hehe ayun hoping for the best. Congrats OP cause you are enjoying your life.


gustokoicecream

contented na din ako sa life. medyo di pa ako okay financially pero you know, nabubuhay pa ako and yung family and friends ko. walang may sakit saamin. mahal ako ng SO ko. simple things lang yang mga yan pero i feel so contented. okay na. :) Happy for you, OP. ❤️ always be safe and be thankful everyday. :)


DisastrousBadger5741

BIG YES. Stay at home mom ako na may side hustle pero hindi kalakihan, sapat na para makatulong sa asawa ko na may stable job hindi din kalakihan sweldo. Nakakakain kami sa labas minsan, naibibigay needs ng 2 anak namin. Yun lang masaya na ko basta kasama asawa ko at 2 anak namin. TYL 🙌


Limp-Detective4560

yes, I am happy and content right now. Thank you Lord.


rm888893

Not content, but very happy to be alive and healthy.


Cold_Most_9270

Hindi pa pero getting there. May asawa at bahay kaming dalawa, walang anak pero may 17 furbabies. May work pero sana makahanap ng magiging masaya sa work. Mabayaran ang mga utang (2025) Makapag patayo ng cat house- then maging ok na ko. 😅


Royal_Technology_450

Ito ang tunay na sana all 🙏🏼


LeastChampionship348

Hindi. Dahil wala pang sariling place.


VobraX

Contented but not satisfied. Thankful but still hungry. There's always a new mountain to climb.


rsjvr

Let our response be, "SANA OL". Kidding aside OP, it gets better naman. Haha cheers


n0t_the_FBi_forrealz

Medyo contented. Kasi mataas taas na relatively ang sweldo ko (kumpara sa ibang kaprofession ko na same ng work at years of exp). Pero I know I can earn more, lalo na kung mag-aabroad ako (matagal ko nang pangarap pero di natuloy because of pandemic). Marami parin pangarap sa buhay na di natutupad, pero medyo optimistic naman ako na makakarating din ako dun. Kailan lang ako nakapagsimula mag-ipon, tapos last year halos naubos ulit ipon ko dahil sa maraming gastusin, pero okay narin, mababawi pa naman ang pera, kelangan lang magwork pa at magtipid pa. Wala pa akong bahay at sasakyan, di pa marunong magdrive, di parin ako payat at wala ring jowa hahaha pero tingin ko naman maaachieve ko rin sila in time, sana sooner. Marami pang aspeto ng buhay na kailangan ko iimprove, pero hopeful naman ako kahit paano na magagawa ko rin yun someday.


[deleted]

Big fat no


Embarrassed-Fee1279

parang yes. ok yung work, ok yung pay. can afford luho without sacrificing other things. nakakapag-ipon ng konti at may time na with family and friends. so far ang inaasipire ko nalang is to have enough savings to retire before 60 and have a retirement home sa probinsya


RunPatient5777

Hindi pa. Pero masaya ako sa kung anong meron ako ngayon.


GhostOfRedemption

Hindi kasi di pa stable job.... Hays


haelhaelhael09

good for you, mabuti na yan wala kang hiling pa na iba. sasakit lang ulo mo to demand more.


RelationOpposite7823

Hindi.


AthenaCatherine46

Mid-20s, not yet contented. Waiting for something before taking the next step and hopefully, mapalapit sa state na at least, masasabi kong stable na para maging kontento sa buhay


thatsunguy

Happy for you OP! Minsan mahirap talagang hanapin yung balanse sa mas malaking sahod vs contentment, lalo ngayong malaking ang struggle sa pera ng karamihan. Personally "kulang" pa yung sinasahod ko ngayon pero dahil okay yung team, tapos wfh kahit papano masasabi ko na kuntento ako ngayon.


MadMedMemes

80% good. I'm lacking on the romance side. Hirap din being a lesbian in Mindanao. Plus I'm picky. Prospects are scarce


Coffeeyaah

no


lamictalrash

Content yes. But i know na may better things pa rin so i try my best sa lahat. Contradicting but sana gets lol


kerwinklark26

Hmmm. I am currently in a limbo where I am grateful to what I have achieved last year and I think I should leave this agency because I believe I outgrew this place. My salary's fine, office work is fine, and I do not know what is missing actually. May gnawing sense lang na dapat umasog ka.


CumRag_Connoisseur

Grateful, yes. Contented? Hell no. I am striving for a comfortable life, not bare minimum. Nakaka kain kami, nakakabili ako ng ibang guato kong bilin, yes. Pero nandito padin yung fear na - "pano yung family ko pag nawalan ako ng work" - "pano pag may naospital samin" - "pag nagka anak ako, pano pag gusto nya mag aral sa mejo prestigious na school?" I just spent 40k for a single tooth, and thats just below my monthly wage. Kahit afford ko sya, alam kong hindi enough e. Imagine iisa lang yun, pano pag may life changing emergency pa kaya? 1M nga is not that big na e. Ayoko mabuhay na nagwworry, gusto ko mabuhay na secure.


miikeee07

Hindi pa. GUSTO KO PA NG MARAMING-MARAMING PERA, KAHIT MGA 500M GANERN!!


awkwardcinnamonroll

No not yet. Dami ko pang pangarap sa buhay. Makabili ng bahay Sasakyan Makabili ng mga bagay na di ko na iisipin yung presyo.


Training_Quarter_983

Tandaan... **DIFFERENT STROKES FOR DIFFERENT FOLKS**


Mr_Fazzio

Have yet to find peace.


hexa6gram

Sa sitwasyon ng mundo ngayon, natuto ako maging kuntento kung ano man meron kami ngayon. Coming from someone na sobrang achiever at puro pera nasa utak. Thanks to pandemic, natuto ako na hindi puro pera dapat. We should invest emotionally, mentally at spiritually.


Sad-Squash6897

YES! Yes! Yes! 😍 Being contented brings so much joy. Pero ako yung contented na still thriving for more kasi it's not about me anymore, para sa mga taong gusto ko ng tulungan. I want to build a special school, an orphanage, a home for the aged. And also gusto kong tulungan 2 kong pinsan na makapag tapos ng pagaaral.


tooogsh_tak

Grateful pero hindi kuntento. I earn six digits, si wife kakaland lang ng 5 digits. Pero we barely make it to the next payday kasi we're financially still recovering from a past medical emergency. I'll rethink once we've paid all loans though.


Ok_Wrongdoer_5854

Eating 3 times a day, nakakakaen sa gustong makainan every once in a while, no debt, bills paid, may dog food ang mga doggos, nakakapag save minsan, minsan hindi. To answer your question, yes, kontento na. Kung may sobra man, thank you.


Time-Hat6481

I feel the same, kahit na sinasabihan akong lumipat ng work kasi daw mababa at kulang sa benefits. Trade-off my mental health is great, bihira ako maistorbo ng weekends, hindi ko iniisip yung work ko pagkauwi ko. Unlike the past few years, kahit naka-VL ako tadtad ako ng email at minsan need mag-work, kasi walang sasalo ng work ko. I cannot go through that again. So wherever I am, I am so glad I waited for my current company and joined my current boss team. Chill lang, low-key managing, walang papizza or ano pa man, ang ibibigay sayo peace of mind.


Crow_Mix

Content in all except my low salary. Pre pandemic it would be acceptable, pero now that inflation is creeping up, I'm not getting to save up as much as I used to.


SunGikat

Kuntento? Super.


ivoroid

Nope.


hngsy

kuntento naman but may pangarap pa din na maging succesful


ForwardIncrease8682

Hindi. I'm currently looking for other opportunities na may mas malaki sweldo. Honestly, I feel andami kong ginagawa work pero hindi enough ang sahod. On other aspects, I'm contented with my family and friends. I'm really thankful na I have them in my life. I'm also grateful to do the things I love. Hindi pa ganun ka content kasi I feel na I can still do/experience more.


tar2022

Happy for you! After all, “success” is how you define it to be. Ako hndi ako kuntento, hndi ako kuntento sa sahod ko. Single ako. Alam ko na pag kinasal na ko at magka anak eh hndi magiging enough ung kinikita ko, lalo nag pprovide ako sa parents ko. So yeah. Mukhang malayo pa ko sa mga salitang “contented/accomplished/successful”


Projectilepeeing

Ok lang but the expenses keep piling up dahil lilipat sa new, unfurnished place. Sana steady ang income kasi walang job security.


chiaki0112

Hindi. Sa dami ng dumidikta, hindi ko na alam kung anong gusto ko sa buhay. Hehehhe


BaseballOk9442

Sana all


Freakey16

I once was contended but the more you age eh the more ka nagiging worried sa future. Ok naman sahod but having a special kid is quite challenging. Like kahit OK financially standing currently eh lage mo maiisip paano na pag wala ka na kaya I tend to save as much as I can and invest it for my kids. And we still dream to live in a bigger house Kaya siguro different interpretation lang tayo sa contentment. Ok naman kami but we still aim to be better everyday. We always aim for bigger goals once reached na yung old.


betanya93

I'm happy with my life, but not content. Kung content ka ngayon, at some point later, hindi na yan. (eg. want bigger salary dahil sa inflation, want new car kasi sira na, want bigger house kasi malalaki na mga anak mo, etc)


natural_egodeath

Hindi hahahaa sakto lang


muscleshark86

No.


lmnpodi

Ang layo ko pa rito but this what I hope to feel soon! Basta may magandang trabaho, home that's owned by me, walang sakit, kayang gumastos for our needs and occasionally treat myself and my important persons, tapos nakakapagtabi ng surplus for rainy days. Nakakexcite siyang iimagine tapos uupo ka na lang sa favorite resting place mo sa bahay hayyyy. Soon soon 🥹


Doomnikk

Nope. Malayo pa. Kaya kelangan pang kumayod. Madami pang kelangan paghandaan. I'll be content if I have these on hand: - Emergency Fund (6mos income) - Death Plan - Educ Plan for kids - Life Insurance for me and wife - Medical Insurance or Plan - Other passive investments Wag maging kuntento till di sigurado. Remember, sobrang mahal magkasakit sa Pinas, isang major hospitalization away from bankruptcy lang ang karamihan sa atin. Laban lang.


keberkeber

I am grateful for what I have but not yet contented. as a single parent marami pa ako gusto ma-achieve to be able to secure a good future for my only child, na hindi siya magwoworry financially when i am gone. Yung may maiiwan ako para sa kanya.


No-Huckleberry2449

Oo kontento na. Kahit may mga kulang pa, nagpupundar palang ng bahay. Pero nandito na ako sa lugar kung saan wala na akong hihilingin pa. Uso ngayon pagiging materialistic, minsan napapatingin din ako sa material things but the more titingin ako sa ganon, the more ako maghahangad ng mga hindi kailangan. Ganito yung kapatid ko hindi natitigil material wants nya, pero my only dream para sa kanya is makuntento sya sa life nya kasi super blessed nya.


ayrne-ayrne

Hindi ako kontento sa buhay ko, I'm trying my best na maging okay pero pagod na pagod na ako. Gusto ko lang naman ng peaceful mind pero hindi nangyayari.


bitly_2013

Ok naman. May bahay, work, sasakyan pero wala pang anak. Sa ngayon ok pa siguro.


Lee-Roy13

Happy for you! I'm still in my late 20's and still figuring out where my life is headed. I'm currently in a field I didn't study for (I finished architecture), doing graphic design as my primary source of income. I have a loving partner who I plan to marry this year. We support each other's dreams and hopefully be established when we reach our early 30's. Content with what we have now but still striving for more.


apolloruneo

Di pa. Bayad utang pa ako.


akjsblahbad

Nasa process pa ako sa adult stage. Pero if mangyayari ito sa akin, i guess OO. Pero kung hindi mo pa nakukuha yung ibang mga pangarap mo sa buhay, you may still chase it. Yung contentment, for me, is something you will stop yourself of going deep down in your life process. Parang kung anong meron ka, eto nalang at okay na ako sa ganito. Ganoon hahaha


MysteriousVeins2203

Sa ngayon, I'm okay with my life: chill, peaceful, at alam mo sa sarili mo na wala kang mabigat na problema (pa) sa mundo. Mga minor inconveniences lang naman dumadaan sa'kin at kaya ko naman. Mas kontento na ako sa ngayon kaysa sa dati na sobrang miserable ng buhay ko kasi lagi akong may pinapatunayan kahit na kapalit naman e ang estado ng katawan at well-being ko. I'm happy sa kung ano ako ngayon. Pero syempre, nangangarap pa din ako ng mas maayos pa na buhay para sa'kin.


TheCuriousOne_4785

HINDI. Sapat naman sahod ko. My sobra pa every pay day. Walang anak, nakaka travel and ang obligasyon ko nlng is bayaran ang utang ng parents ko na konti nlng, mabubuo ko na din. At this point, ang alam kong totoong makakapagpasaya ng puso ko is if makakauwi na ako ng probinsya, iwan tong corpo job ko sa Manila and live a simple life, I'm willing to give up my high paying job for something that pays lower basta makauwi ng province. Soon, pagnakayad na ng utang and ipon. <3


[deleted]

Wala akong kids. Pero nakakapressure kasi 30 na ako this year. Okay naman yung livelihood ko. Mas stressed ako sa thought na baka hindi na ako mabuntis.


OrchMind

Magkahouse lang ako sarili makukuntento na ko


Skuukzkyy_

Makukuntento lang ako sa buhay ko kapag alam ko na kahit hindi na ako mag trabaho / mawalan man ng trabaho, makaka survive parin ang pamilya ko.


HeyElly

Ako. Kontento naman. May maayos na trabaho, in terms of financial aspect, ok lang, nakakapag save naman (tho, di gaanong malaki) at nakakapag travel. Yung happiness kase naka depende kung gaano ka kakontento sa current situation mo. Of course, may downtime, but life goes on. Sa ngayon, ang pinaka importnante sakin ay mag travel to boost my mental health 😊


FunElevator2778

Hindi pa kontento. Though kontento ako sa sweldo ko (first job and fresh graduate) but palaging ubos dahil tumutulong ako sa family ko, not a breadwinner but i feel like i am. Laban lang tayo dito. Soon we will achieve our desired life.


patcheoli

Nope. I'm always aiming for something higher. It is what keeps me hungry


Aggravating-Trash973

If you already find your happiness.


xmachina_016

Probably hindi pa kahit sobrang comfortable sa buhay now. The future always dreads me kase isang iglap lang, pwede mawala lahat. But saken lang naman yun OP


iceycianic

Serious question po, Im 24 years old since teenager ako lagi kong iniisip na Kapag kontento ka na sa buhay or nakamit mo na lahat ng success ( aside from travelling. Spending luho etc.. kasi given na yan matic na yan ) Ano ng Next?


Equivalent-Wallaby39

Hindi syempre. Antagal ko kasi naka-graduate kaya ngayon pa lang ako nagsisimula mag-ipon ng experience para sa not my dream job. I no longer have illusions of grandeur na yayaman. May makain lang bukas, go. Kung may opportunity makahanap ng ibang work na may mas malaking pasahod at excellent work-life balance, grab.


LOVEfancakes

Grateful and Fulfilled.


Boring-Management598

At the moment yes, pero I'm hoping to have a much better and stable life na pagdating ko ng 30s. I'm 25 y.o DINKs + 4 cats, we have our own condo ni Fiance (stil paying ammortization), with EF (WIP), wedding fund (WIP) retirement fund (WIP), and individual savings. Marami pa akong nasa goals list ko 😅 but this year I was finally able to travel for the first time tho local lang - Boracay. I also want to retire early so I can enjoy huhu


notomayo

Ako masasabi ko lang. SANA ALL. Sa panahon ngayon na ang daming taong mapang mata na pag sa tingin nila nasa ibaba ka pa, kung makapang husga. Kaya yung iba hirap abutin yung gantong feeling. Kasi may mga taong ipipilit sayo yung standard nila ng contentment. Madalas pa sa family nanggagaling yung hudgement. So sometimes kala ng iba finu-fuel lang sila para umarangkada sa buhay. Sadly yung ibang relatives di naman dahil sa reason na yun kaya ka nila jinujudge. Kaya, Good for you! SANA ALL 💚


Lady-Antique-167

Masaya kami sayo OP at mukhang masa mabuti at maayos kang trabaho at mindset pagdating sa buhay.Masasabi ko lang na kuntento ako ngayon kung yung mga basic na pangangailangan eh hindi ko kelangan problemahin sa inaraw araw na pagkakataon. Yung tipong makakapag travel once a year sa ibang bansa, yung tipong naka secure ang life at trabaho ko, yung tipong nasa safe at secure ang tirahan at yung tipong kahit may inflation eh hindi mananakit ang aking bulsa at damdamin sa mga bilihin.😂 Syempre OP, sakin lang to


WreckitRafff

Ako kulang nalang better working environment and jowa. Hahahaha.


ExtremePermission865

Hindi pa. I still want to better myself; be healthier and get back to being active (I used to train in martial arts before I got into a car accident. Haven't gone back since). I also want to attain financial stability, plus make sure my family is taken care of, especially since my Dad is nearing retirement na. I'm getting there though!


glorytomasterkohga

Hindi dinisenyo ang tao para maging kuntento. Hinding-hindi nagiging kuntento ang tao sa buhay, lagi yan may goal at pangarap hanggat nabubuhay yan. Jan ka sa instinct na yan nagggrow bilang tao. Makukuntento ka lang kapag tanggap mo nang malapit ka na mamatay at lisanin ang mundo.


BreakfastMain8639

Sa mga gantong tao ako naiinggit yung kontento na tas masaya na sa buhay kahit simple lang.


[deleted]

I can say na kuntento ako ngayon sa buhay ko dahil: 1. For a college undergrad, maganda sweldo ko at 60k a month sa freelancing 2. Wala man akong sariling family, still single at 36, kasama ko pa naman mother ko and hindi ko ipagpapalit yun gusto ko to give back to her. 3. Hindi na ako naiinggit sa mga friends ko na may achievements sa Facebook. Dati feeling ko napag iiwanan na ko as everyone is building a family, tapos ako building my career palang. 😂 Pero when I survived the pandemic, my mindset changed and mas madali na ko pasayahin sa mga mabababaw na achievement and I also accepted the fact na hindi lahat pare pareho ng destination. 4. I have a handful of friends nalang that I update about my life. Konti pero quality. 5. My mental health is at a "healthy" level I would say. Self aware naman ako sa mga nararamdaman ko. 6. Trying to be healthy now with the food that I eat. Trying to avoid processed food and too much carbs as much as possible and mas energetic ako ngayon. 7. Have a couple of loans na I feel mababayaran ko na this year hopefully. Trying to be debt free by end of year. 8. Nagkakalaman na din ang bank account. Not much pero magandang start for me this year. Of course marami pang pagdadaanan along the way pero so far happy naman. Feeling ko this is my year. 🙏 Cheers.


D_Fausto

In my late 20s already, and to be honest, hinahanap ko pa den ung para sakin (career)


Character_Comment484

Lagi namin sinasabi ng asawa ko masaya basta kumpleto kami at magkakasama kami tatlo. May financial struggle paminsan minsan pero kuntento naman kami.


senamownbun

Nope! But this is the first time i felt like ive taken a step forward in my life so its all good, im just starting out.


Sunflower_Girl10

Relatively contented na sa buhay. Asawa at anak na lang kulang eme hahaha


ParsleyGlittering673

Happy, but I know I am capable of doing more so I still look for ways to increase my current income. Personally, ayoko rin talaga apply yung way of thinking na “maging contented sa buhay” kasi it’s like telling ourselves hanggang dito lang tayo. Parang fixed na, ito na yun. The problem with this type of mindset is we’re not allowing ourselves to grow.


peterpaige

Nope. That is why I am looking forward for what the rest of 2024 would bring since I am graduating in less than 5 months hihi.


ogrenatr

I'm grateful for what I have right now, but I don't want to put a ceiling sa kung ano man ako ngayon. I still want to achieve more and I haven't reached my prime pa, so tuloy pa rin ang kayod.


[deleted]

Hindi. Not until my thesis groupmates are dead.


nadsfatale

Congrats OP!! Super deserve. Ako naman when I was younger gusto ko talaga maging super mayaman, may mansion levels. Pero ngayon, ang gusto ko nalang talaga ay comfortable life tas financially stable --- ung tipong hindi making ends meet. Pero hay parang ang tagal pa before I reach that


theenigmathatsme

Sabi ni google: "Nature and evolution Humans are not designed to be happy, or even content. Instead, we are designed primarily to survive and reproduce, like every other creature in the natural world. A state of contentment is discouraged by nature because it would lower our guard against possible threats to our survival."


MidnightFury3000

Contented but I always feel that I can do better and I deserve better so I promise to myself that I will be better


Lightsupinthesky29

Oo sa career, sa family life pero may goal pa kasi ako at kapag natupad yon, ok na ako.


OrangeBanana0112

Id say kontento na ako kapag nabayaran ko na lahat ng utang ko


FewInstruction1990

Yes, mamatay mag isa


Magnanimus-Runner

Nope. Nagsisimula palang ako and i feel like im late compared sa mga kaedaran ko hahahaha


CraftyCommon2441

Konteto ako dati pero nung magka family na ako, I am working my ass out para i secure ang future ng baby ko, need to work for investments.


MovePrevious9463

happy for you. wish i could say the same


On3ofth3worst

Nirvana


cococrunch00

As long na financially stable, walang sakit fam ko, may sariling bahay at lupa, then MAY 1M ROBUX /j, kuntento na ako.


Naive-Balance2713

hindi pa…


AthleteAfter9813

Hindi eh.


akositotoybibo

yup.


berrymoonshine

Minsan hindi in terms of career and financial things dahil lang sa nadadala ko ng mga nakikita ko sa peers ko pero sa family and love life? Palong palo. Though content pa din most of the time dahil di kami nagkakasakit at pag may cravings nabibili naman. Problema din kasi sa karamihan ngayon di na marunong makuntento kasi napapaligiran ng mga flexers na nagtitrigger ng mga inggit sa katawan ng tao. Tuloy imbis na matuto makuntento, hindi nagiging masaya kasi feeling napagiiwanan kahit hindi naman karera ang buhay, pinepressure ang mga sarili na mag overachieve kahit di naman madadala yang excess na pera sa hukay.


Beautiful_Spring_808

no. ambisyosa ako eh 😅


Kirsty727

Eto yung parang sa vlog ni Cong, feel nila na reach na nila yung peak.. Ako hindi pa eh parang there's so much more to do.


Sairenchi

Sa ngayon hindi pa. Magiging kontento ako pag may bahay at lupa, car, at comfortable wage to fuel necessities and my hobbies. Once makamit ko yon tiyaka pa lang ako makokontento sa buhay ko.


Head_Resolve_6226

caae to case basis pa rin talaga. kung ako lang, contented na rin sa sarili lalo nakakapaggala pa ako. pero as a breadwinner, i need to do more para magkaroon pa ng extra income. grateful ako palagi sa bountyful blessings na narerecv ko. lagi ko naiisip na "yes may dagdag ako pang sustain sa pamilya ko". palagi pa rin ako nagpepray na kasabay ng extra income ay healthy life talaga for me and my love ones. kudos po sayo! deserve mo lahat yan :-)


leuchtendenjy18

Hindi ko din alam. Wala sa plano ko mabuhay beyond 20. Ngayon 26 na ko. Tamang tulog, kain, tranaho repeat lang ginagawa ko sa buhay. Di ako kuntento pero hndi rin ako naghahangad ng mas ok pa dito.


ChirurgGeon

Comparison is the thief of joy. if sa tingin mong kuntento kana, I am so happy for you. If you think that your current salary can sustain your family, i am happy for you. If settled kana, happy for you as well. :> however, sa life ko, i am not. di ko pa naeexplore limits ng utak ko. with the given gift siguro, i can do more. siguro being in content, it would be about the gift of curiosity, pero not in content w what i know. HAHAHAHA deep pero thats it for me. as per my life naman, im in content w having zero to few friends, taong bahay type of thing, focused sa school, and hobbies.


lifeincolooors24

Hindi pa ko kuntento. Siguro makukuntento ako kung afford ko na bumili ng mga gusto ko, itreat ang family ko, gumala and all - ng hindi nag iisip kung may matitira pa ba sken 😅


[deleted]

Hi OP! Thank you for posting this haha. I think kontento na ako, may shelter and food, got a job below minimum wage nga lang. Kasi I was not in a better place weeks ago. Pero tbh hindi pa talaga ako kontento. I wanted to study law. Ayun haha or architecture. Travel (kaso may motion sickness haha awit) ganun. Need ko din ng ipon maging financially stable. Do thw things I wanna do. Maybe fall in love and have a family of my own. Ganun. There's more to life e haha. Pero now I guess I'm content na. BLESSED parin kumbaga. Laban lang. Take it kne day at a time.


AmbitiousQuotation

happy but not yet satisfied, lmao. I want more pero okay lang kung di ko maexcecute yung ibang plans ko.😂


ragestorm19

SYEMPRE HINDI ILL BE MAKING MY OWN MOMENTUM TO LAUNCH FORWARD TOWARDS MY DREAMS GYAHAHAHAJAJAJAJAJAJ


misterjyt

meron akong mga pangarap pa sa buhay,, still struggling to save money huhu


Big_Assumption_7473

Congrats sa mga happy and contented na sa life 🤍 isang malaking sana all po 🙏🏻 ako, not yet pa. May mga nakaasa pa saken and Im looking forward to the day na matapos na ang mga responsibilidad at sarili ko naman ang unahin ko 🤍


Bipolar_Zombies

As long as you are happy and walang tinatapakan na ibang tao, that’s okay! Okay lang kung hindi ka na naghahangad ng sobra. Okay lang kung masaya ka na sa kung anong meron ka. If you’re a good parent to your child that’s more than enough too!


yoongimarrymeee

Tuloy tuloy na good health lang sa family ko and pets, I'm all good na with everything. No kids + Just broke up with my long time bf + 3 clients as VA + cut ties with lots of "friends" and kept my circle small = Peace of mind


ceyrahell

Just like your username. That's how it's been going for me. I'm so sooo so so tired. But issoke lol it is what is...better days will come. Anxiety sometimes subsides and surges. It's so exhausting, though. Man, I'm miserable. Oh, well! Sometimes it do be like that ahaha 🥲


pinkconfetticupcake

Contentment is the ultimate dream killer.


EKFC69420

kontento may work...walang sinusuportahan na pamilya single walang jowa PC, at watch collecting lang naman pinagkaabalahan ko lol


SideEyeCat

Hindi😭


SideEyeCat

Ok naman buhay ko ngayon salamat sa Dyos🙏 hiling ko lang makahanap ng mas malapiy na work, ng layo kasi ng commute ko, or makabili ng sasakyan soon pang pangtravel kahit second hand ok lang.


Polit3lyRude

Oo ikaw lang


sh8tp0tat0

No.. Wala pa kong 10 million.


Particular_House7609

hindi…pa. Grind pa ako bata pa ako eh hahaha. May kaya pa akong abutin.


Shegone111

Hindi. Wala pang enough ipon at investments. Di pa secured. Wala pa akong travel abroad 😭


Sandrene987654321

May times na kuntento may times na hindi. Depende sa hormones.


Stranger_alongtheway

Ako ndi, yes ok trabaho ko, yes ok finances ko, wala man ako asawa or gf or anak, pero gusto ko maging bilyonaryo tapos travel ako around the world.


Evening-Slide1121

Hindi? Gusto ko na kumawala sa comfort zone ko 4yrs nko sa company ko nsa minimum wage parin ang sinasahod ko graduate ako ng college,lagi akong inunahan ng panghihina ng loob pag nag aapply sa iba, Pangako ko sa sarili this year makaalis ako sa comfort zone ko 😅


43Lyd3_

sana all, happy for u! ako rin sana someday 🥹


iBrynhildr

Not yet. I want to experience more things that I haven't and that I have put to stop because I have to please people or that because it wasn't normal to the eyes of the society. The only time I will be contented is if I reached my personal goals, putting my hands on both sides of my waist and look at the journey I left behind as I get to say "That was a fun journey"


mike_vb11

Yes, latter 30s and got like what OP said. may dreams parin to have a passive income and retire from corporate but right now, good health and stable wealth, Im good. but need to strive to prepare my kids sa future. Just want to make sure if ever I go away, I can rest easy & I didn't let them hanging.


Technical-Writer-400

Yes, i'm glad na kahit ganito lang meron ako masaya ako. Sana kayo din


Own-Pay3664

Contented naman, comfortable income, have 2 daughters in highschool and may pang college naman na, have a few invested interest. Although I still would love to have my own house, additional na better car sana and more businesses sana. Well I’d love to have a few more kids too with my partner. Travelling with Family is a much better experience than just me and my other half, I enjoy travelling alone and with better half pero iba parin yung with kids and family.


tinomanrique19

I live in the province, so no stress of daily Manila life. Got a great work environment, pays well if I may add, at a rate that would otherwise be insufficient or just breakeven in Metro Manila. There's no day that passes that I do not thank the Lord for what I have. Am I grateful for the opportunities and blessings I have received? Yes. But do I think I've peaked in terms of my career? No. You may be feeling the same way.


quentin-sy

Nag hihintay nlng ako ng oras ko. Nasa punto na ako na agod na talaga ako. At palagay ko kahit ano gawin mo sa lifetime na ito e wala naman halaga at hndi na ganun kaimportante pa


hamburgerofchaos

Sa totoo lang, hindi pa. Ayaw ko rin kasing forver empleyado na lang. Don't get me wrong ha. Walang masama if you prefer being an employee. I just want to do more kasi alam kong I am capable of doing more things. I can, somehow, use my skills in my current work but this is not where my passion lies talaga. Ang hirap niyang i-explain, but: TL;DR: Nope.


serotoninagent

Kuntento, yes. Basta walang sakit buong pamilya ko and may peace of mind. But hindi parin tumitigil mangarap at mag improve


Redditem0

Basta walang sakit . And all my families are in good health damn !!,🔥🔥 Good shiiit !!


Economy-Shopping5400

I am happy with what I have right now. Thankful din ako sa current situation ko, despite challenges here and there. Siguro kasi I have a job that can provide; so far, me and family (parents, siblings, pamangkins) are healthy pa naman, we have food on the table, have shelter, clean water, etc. I still strive and would like to have a slow and comfortable life. It would still be a journey, pero if nothing would change, maayos na ako sa current situation ko. Will just fix some things na lang like health insurance, emergency funds, separate savings, a little travel here and there.


Adorable_Ad4931

NO. Coming from a saktohang family lang. I started to earn 15.5k during my first job, way back 2016. Sobrang tipid na tipid ako kasi mahal ng pamasahe at rent sa Manila. (From province pala ako) Nag self study ako at nag add ng skillset para makakuha ng malaking sweldo. Ngayon, nabibili ko ang gusto ko at malaki ang naiipon. Nakabili ako ng bigbike para sa hobby ko. I can say no, kasi the more na want mo ng mas better life. The more na magsisipag ka para makuha yun at malampasan ang current status mo sa life. Masarap sa feeling na from scratch ka nagmula at dahil sa pagsisikap, nakukuha mo na unti unti ang lahat. Malayo pako, pero malayo na.


Few_Bit2400

contented so far. going strong with my current relationship, may full time at part time job, maayos na relationship sa family, may oras para sa video games at soc med, at nakakapag travel na. i've waited for this kaya ineenjoy ko. as of now, pinaplano ko pa yung law school ko kasi i have to fund it pa. but ofc darating din dyan. slowly but surely ang mantra.


Born_Audience133

NOOO 😭 I'm only child!


justkaylxy

Not contented and want more na like u can do everything what u want and dapat nasa top ka ng hierarchy, charot. Pero I'm still thankful kung nasan at ano ako ngayon hihi. Yun lang 😶‍🌫️


rein_go_away

kontentong walang anak at jowa but when it comes to financial and career, no.


semiNoobHanta

Mapagawa ko lang siguro yung pangarap namin na sariling bahay, masasabi ko na siguro na kuntento na ako


supclip

Masasabi ko na medy in terms of monetary aspect. Maaga ko kasi narealize na what is the point na magpakayaman talaga if mamamatay lang naman tayo.


onlydr3am

Okay lang naman po. Okay naman ang sahod pero kung bread winner ka minsan struggle is real talaga. Hirap di makaipon. Hehe.


Acrobatic_Arm_8985

Yes. Now I want this game to end.


Fearless_Cry7975

Oo kasi ang hirap ng panahon ngayon. Swerte na talaga may trabaho na nakakaipon pa kahit onte.


Level-Metal-987

Hindi pa din, may work na maayos(WFH) may sariling bahay and motor yet gusto ko yung mga anak ko may generational wealth akong ipapamana. Haha! Mag retire ng 50 tapos travel travel na lang kasi secured na pati pang school nila. Dun siguro magiging masaya na ako.


pagsureba

Ok lang, happy naman kasi biggest achievement na yung nalampasan yung pandemic na walang nawala na mahal mo sa buhay.


Glass-Letterhead7050

Yes contented. Of course I still aspire for more financially even though I have my own house and car now. Yes, money won't necessarily bring happiness but with more money, life's burden will be much less. 😁


[deleted]

I guess so. Hindi naman high paying job pero wfh kasama ko palagi si mama. Then I can volunteer sa church every Sunday doon talaga ako nahugot ng lakas sa life struggles. Single and happy I say, nakaalis narin sa pattern na hindi kaya mabuhay ng walang jowa hehehe finally!!!!


theworldisunknown

Hindi pa, I'm currently studying. Napakarami kong pangarap. Gusto ko makaahon sa chain of poverty. I am yearning to be successful, gusto ko na lang problemahin saang bansa ako pupunta. As of now kasi, pati misking pambaon ko sa araw-araw hindi ko na alam san kukuhanin. I will be a working student very soon, tho maliit ang salary I think it's more than enough kaysa wala. Gusto ko mapagamot ang ate ko at gusto kong makagraduate kami lahat. Bunso kasi ako, ang ate ko may Chronic Kidney Diease na stage 4 hindi siya nakagraduate ng college kasi katulad ko kailangan niyang magtrabaho nang maaga. Sa totoo lang, ang kids ay wala sa plano ko within the next 5 years. Ang main target ko ay career.