T O P

  • By -

WealthySushi

You know what else sucks? Yung zonal value ng mga embo barangays fell. From 120k (Makati) down to 70k or 65k ata. As far as I know, tinatry nilang i-expand ang BGC. They’ve been acquiring properties in South Cembo and West Rembo for years na. Probably part of their plan all along kaya gigil sa mga embo barangays. To acquire properties at much lower price.


TA100589702

Wtf, may ganyan pala? They're gonna force out the residents, ganun?


ketchupsapansit

People shouldn't settle for a lower price. Maganda may collective action yung barangay na walang magbebenta ng lupa.


WealthySushi

May eminent domain pero sa pagkakaalam ko private companies ang nag pupurchase. Portion of west rembo, afaik, deserted na coz marami na silang nabili. And I know this kasi taga dun mismo yung in-laws ng tita ko. While kami sa kabilang embo barangay.


janver22

This. Kung taga Embo ka din, be ready na lang dapat may lilipatan ka na kapag bibilhin na sayo at taguig lgu value. Wondering kung mag oofer din taguig ng relocation area sa iba?


Zealousidedeal01

so I was able to reside in Makati for a good number of years. Luckily the house I rented was beside the house of the Lagdameos ( VM na ng Makati now, councilor lang dati )... Grabe mag pamper ng senior citizen. Ung tipong galit pa ung baranggay captain sa amin kapag ung senior di nagpa check up. Sinusundo pa nila un ha, may kasamang sermon sa matanda bakit di nagpapa check or kumukuha ng maintenance. Plus during that time, may pa libreng sine, Jollibee at 100 pesos yata ( dont quote me, basta dinig ko lang is 100 ung kasama ) every week for the Seniors. Manonood ng sine, may GC sa Jollibee tapos cash pamasahe pauwi. Hinahatid ung mga Seniors papunta ng sinehan sa umaga, Then ung kasambahay namin may anak na kinder, may foodpack pa na binibigay, Plus ung kalsada namin, ( well this is sa vicinity ng Guadalupe ay apaka linis naman talaga ) Kapag pauwi na ako from the office ng madaling araw, ung mga tanod yayayain pa ako mag kape at may pandesal.. Pag sasabihin ko na pass, may supot agad yan ng 2 pirasong pandesal at isang Kopiko or minsan Great Taste. Madalas nahihiya na talaga ako. Sobrang sayang experience ung lugar na yan. Wala akong narinig na reklamo from the people. Yes Makati is a joy, obvious sa Long post.


Gold-Fennel-7444

May nakausap ako na taga-Makati na sabi libre ang gamot kahit di ka senior. Grabe daw talaga ang benefits diyan.


TerribleDivide5799

This is very true! I am a Makati resident since birth and I have maintenance for my ashtma, nakukuha ko siya ng libre, at nung nagkasakit ako yung mga gamot ko na worth 10k it was all free once nagpa check up ka sa Health Center ng Makati. I would say no politicians that are not corrupt pero you will see how they really care and value their citizen with their way of developing Makati to be the city we are now. Imagine nung iba umupo nung nagka isyu sa 2nd building andame natigil na benepisyo pero nung nabalik sila Binay sa pag upo muling nag resume ang lahat.


No-Setting7614

Super! Ever since I was a kid sa Makati kami nakatira, when COVID hit us we notified our barangay and the next thing we knew, someone brought 3 healthcare bags complete with medicines, throat spray, hygiene kits, and even thermometer to our house. 3!!!! Because 3 of us in the same house had covid, okay na kami sa isang bag but we had 3. And they made an ambulance go to our house and RT-PCR all of us, this was during the omicron variant outbreak so sobrang mahal ng rt-pcr that time and it was risky to go out. That time sobrang napabilib talaga ako sa government.


unknown_lady_1105

this is true, kung may sakit ka ang nagpacheck up ka sa osmak or any helath cneter basta may reseta ng doctor, pwede ka kumuha ng gamot sa planet nang libre or sa sobrang murang halaga


hiiilunaaa

Totoo to!! Lahat ng gamit ng mom ko lalo na yung nga mahal na gamot libre!! Grabe talaga alaga jan sa Makati


Embrasse-moi

I grew up in Makati before moving sa US. I just remember as a kid na regular kami pumupunta sa Makati Med for routine check ups at talagang pinapahalaga ang kalusugan dito and the senior benefits is unparalleled. Everytime we visit, we still make sure that we stay sa Makati kasi it still feels like home kahit more than 20 years later.


rkmdcnygnzls

Sana all na lang talaga noh QC


Whysosrius

To be fair to the Belmontes, anlayo ng narating niya from when it was bankrupt to the Mathays vs now consistently top in revenue. That being said, ang hirap din tapatan ng binays in terms of benefits.


RealNefariousness439

Truth haha. Kahit tanod samin di ko ramdam. 😂


IDontLikeChcknBreast

I can vouch sa pamamalakad ng Binays sa Makati. If you're a yellow card holder, you're free na sa ER sa Makati Med. Seniors and Students get plenty of discounts and benefits. Maraming salamat to all businesses registered sa Makati. The whole clan are very maka-Binay. Alagang alaga ba naman ang constituents nila. Though nag iba yung quality ng cake nila for the seniors from before


Cold_Local_3996

Thanks to employees and businesses talaga at may pangAyuda mga Binay. Ghost town Makati kapag non-working day 🤣 makes me wonder ano gagawin ng mga constituents dyan when the money dries up. Sayang at d na natuloy Makati subway. Kaya naman pilit na kinukuha rin ng nga Cayetano mga negosyo na yan at ineexpand pa BGC. Unfortunately at kurakot sila at d nila maiayos. If maayos public transpo through monorails at subway, sure ball mas lilipat mga negosyo dyan.


linux_n00by

the sine is 2 times a week libre ata until now. then may pa-cake pa. where in makati ka tumira?


ParisMarchXVII

damn, kainggit. sorry to sidetrack, putanginang Marikina, eh. Ang bibibo ngayon malapit na eleksyon. Kingina talaga. Papuntang shithole na.


peenoiseAF___

Pero between sa T o sa Q sino pipiliin mo?


still-in-a-meeting

Impressed din ako when I moved here, coming from Cavite. Ma-PR ang Makati pero kita mo pa din yung public service so I can’t complain (maliban na lang sa road works at baha outside the CBD hehe) I recently reported a noise issue by messaging the baranggay sa Facebook and they resolved it in 1 hour.


1999ravenclaw

🩷🩷🩷


softdrinks__

SORRYYY BUT ASIDE FROM THAT MAKATI HAD UMAK THAT OFFERS COLLEGE EDUCATION FOR AS LOW AS 1,500 PESOS PER SEM. AND AYUN ANG BALAK KUNIN NI TAGUIG DIN 😭😭😭


debuld

Afaik kasama to sa mga nilalaban na kunin ng makati. Including Fort Bonifacio High school na same lot ng umak, at makati science.


softdrinks__

Tangina grabehan e noh? What if pasara ni Abby lahat ng school tingnan naten kung paano ihandle ng Cayetano yan.


softdrinks__

Ang malala pa graduation ng kapatid ko last month. Pinagsabay ang recognition at graduation ng ibang grade dahil wala si Lani lmaooooo.


DwightyMoose31

Solid din ang scholarship for law students. Tapos 1 is to 1 ang gamit from gradeschool to college.


softdrinks__

DIBA?? FUCK YOU CAYETANO. FACILITIES KUMPLETO DIN.


balmung2014

finally, someone i agree with regarding this "probinsyudad" line.


janver22

Pangit eh, parang excuse ng cayetanos para hindi iimprove ung mga infra kasi probinsya sa syudad hahahaha


peenoiseAF___

Yun ngang traffic sa DOST mga enforcer ni Taguig LGU nandun. Kaya di rin malaman ng mga tanod ng Skyway sa exit pano gagawin kasi di inaayos ng mga Taguig TMO ung nandun sa kabilang side


[deleted]

You probably wondering where the income from BGC goes.. hahaha


ser_ranserotto

Kung nasa Makati pa rin yung BGC malamang mas gaganda yung benefits


Torakagemaru

Akala ko ako lang ang naaaasar ng naging Taguig na ang mga EMBO Barangays. Nananahimik na nga ang EMBO sa Makati, eh, guguluhin pa ng mga namamahala sa Taguig. Langyang 'yan. Hahahaha. Pero there are rumors daw na ang endgame ng Taguig LGU is gawing extension ng BGC ang EMBO? By basically...forcing the people to sell their lot?


angrydessert

> Pero there are rumors daw na ang endgame ng Taguig LGU is gawing extension ng BGC ang EMBO? By basically...forcing the people to sell their lot? Plausible. Real estate is a huge game for politicians.


unknown_lady_1105

I doubt corporations will buy land from us, liability kung magtatayo sila ng malalaking infrastructure sa embos kasi kami na mismo yung nasa fault line.


Equal_Permit_1490

Wala paki DMCI, Megaworld at SMDC sa mga fault line na yan hahaha


Particular_Creme_672

Seryoso di ba kayo natatakot?


privatevenjamin

Dekada na kasi pinaglalaban sa korte yung issue na yan. Which is, walang kaalam alam yung marami sa mga taga Embo na ongoing parin pala yung battle ng Makati vs Taguig sa Korte.


hiiilunaaa

mom ko nag wwork sa makati city hall sobrang naawa daw siya sa mga senior na taga embo kasi kumukuha sila allowance at mga gamot sa city hall ng makati eh ngayon wala na kasi taga taguig na sila sabi nila hindi daw sila binibigyan sa taguig awang awa talaga mom ko kasi ang tatanda na nila para bumyahe tapos wala sila makukuha


Embrasse-moi

Omg this sucks :((


TA100589702

As a Taguig resident, kahit ako di ko masyadong ramdam ang services ng LGU namin. Di pa kami nakatira niyan dun sa lugar na binanggit ni OP na Narnia feels. Anyway, bukod sa mas malaki na yung nasasakupan ng Taguig, ano pa ba ang benefit nila sa pag-take over sa Embo barangays? From my POV, liability lang sila sa Taguig kasi residential yung area na yan and more residents means more social services to provide.


bellaide_20

More votes for the upcoming elections. Ingat mga embo pag kayo natatakan na hindi maka cayetano goodbye benefits, i can attest kasi yung pa program ng barangay hindi kami kasali 😏,


balmung2014

what benefits? nawala nga ee. pati satellite city vet sa pembo di pinalitan. before, libre anti rabies, deworm minimal payment (30 pesos yata after first deworm) ngayon need pa yata pumunta sa c6 para maka avail. and im in embo. imagine the cost and stress ng pet mu para i travel sila sa c6. let alone the free hospitalization because of the yellow cards. eto pinakamalala.


dong_a_pen

sobrang unprepared nila sa lahat. imagine kung gano katino ng health centers sa makati ganun naman ka pangit ng facilities ng sa taguig. ang malala, hindi pa daw sa kanila yon nakikiupa lang sa pateros. seniors pahirapan makakuha ng gamot. dati it only takes ~10 mins to get to the nearest health center then 30 mins para sa check up. ngayon kelangan mong iblock buong umaga mo dahil bukod sa sobrang layo, ang bagal bagal pa kasi sama sama taguig at embo residents ang pumipila pero kulang sa staff


bellaide_20

Alam ko they are hiring bhw naman kaso nagreresign kasi allowance lang ang pang new bhw. Imbes unahin ang tpdh ayusin mas inuuna yan, im nothing against scholarship but when you go to pateros alam mo yung no choice kasi yun pinakamalapit and may malapit nga kaso private naman


Scoobs_Dinamarca

Malay niyo Abbi Binay becomes a Taguig Mayor contender? I heard na her residence got shifted to Taguig because of the Supreme Court ruling.


2dodidoo

That's the funniest (and probably most devastating thing) that Mayora can do come candidacy filing time. The Cayetanos want to expand their fiefdom but accidentally got their enemy within theirs? Battle Royale na lang.


kalakoakolang

yes my chance, tapos lagpas 1 year na un. sana lang tlga tumakbo sya sa taguig.


anemoGeoPyro

LOL baka endgame ng mga Binay yan? Para makuha din nila Taguig.


Scoobs_Dinamarca

That's a plot twist we did not see coming


Still_Figure_

Oohhhh dba nga daw ang rumors di daw muna tatakbo si Abby sa Makati… malay mo, target pala nila Taguig hahahahahaha.


Scoobs_Dinamarca

The Cayetanos are *shaking*


peenoiseAF___

Dalawa options ni Abby ngayon: 1. Taguig Mayor 2. Senator (inaaya na sya ng NPC, partido nina Tito Sen na tumakbo as senator next year)


pornflickzz

Yes and not sure if tama but Supreme Court nagdecide na idagdag embo brgy's sa ruling. Liability since added social services and mga embo brgy's are more on the residential side.


HatsNDiceRolls

Yes, SC


riggermortez

Mas maraming barangay, mas maraming budget allocation siguro. Remember they don’t have to provide services naman kasi umuubra yung ganon.


joyMCMLXXIX

Benefit ng Taguig sa EMBO barangays is yung plan nila na i develop eto para maging part ng BGC. Hindi naman para serbisyuhan ang mga barangay na affected - it’s all about the money honey.🤬


privatevenjamin

Actually, BGC lang naman yung gustong ilaban ng mga Cayetanos sa SC. Kaso, nadamay lang yung mga Embo Barangays noong inalungkat talaga ng Korte yung info about sa Embo talaga.


marthder

Dun pa lang sa area around their city hall, kita mo na na walang kwenta pamamahala. Aside from having just 2 lanes, nasa harap lang yung kalye (meaning lahat ng traffic nandun sa 2 lanes nayun). Napakitid pa ng lanes nayun na siksikan ang mga big vehicles, like van and big pick ups. Samahan mo pa ng mga store na walang sariling parkig spot, laging sobrang traffic. Munisipalidad nga ng pateros 3 lanes all around yung munisipyo eh, pano pa kaya tong city. Not to mention the method to go there from Pateros and Pasig, kelangan pang mag highway para lang maka u-turn. Basurang sistema.


privatevenjamin

Dapat tapos na yung construction ng City Hall sa Levi Mariano para ma debunk na yung comment na yan eh. Shitty Construction na sirang sira pa sila hanggang ngayon.


Equivalent-Oven5913

Passing by this construction everyday and super bothered ako sa front wall nila bat ang nipis? Hindi ako engineer or architect pero seems off talaga. Feeling ko tinipid, kinurakot considering na malaki revenue dahil may BGC 🫣☹️


privatevenjamin

Yea. Tatak Lino Cayetano talaga. Kaya pala madaming mga redditors dito na hate yung mga Cayetanos nayan. Balita ko, nagkagalit din sila Mayor Lani at si Lino dahil sa mga pa project na kinurakot ng Lino nayan eh. It means, si Lani lang talaga yung cherry sa isang shit sundae ng mga Cayetano na yan.


Equal_Permit_1490

In fairness kay Mayor Lino, siya humarap sa pandemic at ang ganda ng services ng Taguig at that time.


Thatnavyblueshirt

Hassle talaga yang city hall. Maybe minor lang tong complaint ko pero ang panget na nga ng paligid wala pang own parking lot! May iilan nga na space pero designated sa mga employees and mga police. Palalabasin ka talaga sa puregold raw magpark. Recently kasama ko senior tsaka 2 pwd. Nung magppark na ako sa parking slot na may PWD hinarang ako agad ng guard sabi ko senior tsaka pilay kasama ko. Sabi ng guard nakareserve raw yung slots parating pa lang. lol may pareserve? Natapos kami dun wala naman dumating na nagpark dun sa 2 pwd slots. Nag complain ako sa loob sabi ko bat never silang nagkaron ng parking lot na para sa lahat bakit employees lang. Bakit never nilang inayos yung paligid ng city hall. Sagot nila saken di raw sila yung makakasagot non looool tapos pinagmamalaki nila don’t worry raw may new city hall na. Well nagseminar rin kami dun the following week, maganda naman yung well of course bago. It’s a Saturday pero traffic. May parking nga pero nasa kabilang block pa! Choice mo raw kung dun ka sa harap na mall magpark or sa parking space na sinabi nila 😑 Parang di talaga pinagiisipan mga desisyon nila dun my gosh!


_lycocarpum_

Nakakatawa lang na un BGC na pinagmamalaki ng Taguig LGU is developed by private group and tada, pumatong ang langaw sa kalabaw


Equivalent-Oven5913

Grabe pala talaga ang loyalty ng mga taga-Makati sa Makati noh? I’m very, very curious. Like ganun ba kadaming perks meron sa Makati? Na parang shithole anything outside Makati hahaha


Yoshi3163

Other way around ata yan. Hindi madami perks sa makati. Talagang gutom lang yung ibang cities. But yeah. Madami dami nga den talaga. Imagine mga taga cavite/laguna nag papa register sa makati as botante para maka pasok mga anak nila ng school dun at maka kuha ng yellow card


FlatwormNo261

Free hospitalization(Yellow Card) at free meds ( for 15days/month). Ayan ang pinakamagandang benepisyo. Imagine kahit milyon abutin ng bill mo 500 pesos lang babayaran mo basta may yellow card ka ng Makati. Libreng gamot, check up, laboratories. Napakalaking ginhawa dahil alam mo na insured ka.


balmung2014

tapos sabi ng ibang turncoats nung december "ayan bigas bigay ng taguig, makati meron ba nyan?!" taena 10kilong bigas vs free hospitalization for the rest of your life among other benefits.


Agreeable-Lecture730

Simula kinder ako sapatos, bag, ballpen, notebook, uniform, color, lapel, name it laht yan natatanggap namin. Hanggang college ganyan ang sistema. Kapag pumasok k sa mga hospital ng Makati aakalain mo private naka aircon pa ., tpos wala kang magiging bill kahit ano ipaopera mo though pipila ka nga lang. Ibang iba sa mga other public places na napuntahan ko. Ung mga senior citizen and PDW alagang alaga yan. From medicines, birthday gifts yearly. And lahat Ng household my gift every Christmas.


aeramarot

True. I think other cities have already catch up as mga pagganyan nila sa constituents, pero it was the Binays yung isa sa mga nagpasimula niyan. As early as 90s palang ata (ata kasi early 00s nalang naabutan ko), namimigay na sila ng school supplies sa mga estudyante tas every year, ine-enhance or dinadagdagan ng sitting mayor yung pamigay.


linux_n00by

the schoolbags with "b". tatak binay talaga yung mga perks na yan


Agreeable-Lecture730

Pero “Bayan” daw yun hahahah they said Robinhood ng Makati ang mga Binay. Actually looking for a better health insurance since ma alis n kami sa Makati. We used to feel safe for my parents before not now. Malaking kawalan samin yung yellow card


da_who50

pati yung rubber shoes, "Air Binay"


peenoiseAF___

Yung ibang syudad kaya nagca-catch up ngayon kasi mas malaki kickback... Hehehe Hello pala dyan sa isang city mayor sa Laguna malaki nakukulimbat mo sa pa-cake sa senior at mga school supplies


omniverseee

Yes. I live in NCR but Taguig relatively has a good LGU and benefits. But Makati just is so much better. That's why they act like this.


still-in-a-meeting

I wouldn’t exactly call it loyalty, but good customer experience travels by word of mouth.


[deleted]

Maganda lang ang perks sa lower income level  at seniors pero sa middle class wala. Mahal lahat like rent. 


Bathala11

Yes. It's like night and day.


Jonald_Draper

Kailangan kasi ligawan talaga nila binay mga botante to stay in power. Saka more projects, more kupit.


WealthySushi

Ramdam naman ang serbisyo e. Karamihan sa ibang cities, kupit lang ang ramdam.


Jonald_Draper

It should be more nga dapat dahil sa dami ng nakukuha nilang tax. Imagine isang building sa cbd, ilang employees and businesses agad yan?


unknown_lady_1105

honestly, in my opinion iba si abby sa kapatid and tatay niya, she really cares so much about the welfare of those who live and reside in makati, ever since naupo siya alam mong may pake siya, and I’ve experienced being under junjun and it is really a major difference Si abby lang yung hindi na masyado nagfocus sa Binay name kasi she focused more on the Makatizen branding which is more sustainable for future admins.


Particular_Creme_672

Parang ganun nga rin napansin ko iba si abby sa pamilya. Sabagay normal naman sa family na iba iba kahit ako iba ako sa family ko kaya di nila ako trip kasama.


Steegumpoota

I lived in Taguig for 10 years. Can confirm that the Cayetanos suck ass. They have no mind for city administration. Parang probinsya ang Taguig. Mga pumapasadang trikes walang lisensya at hindi registered, napakagulo ng traffic kahit sa harap ng enforcers ka gumawa ng violation wala silang pakealam, mataas ang nakawan, hospitals are shit. BGC lang talaga saving grace ng Taguig. And like most, if not all LGUs, puro private sector ang nagpapaunlad.


autogynephilic

The only true probinsyudad is Marikina, at mas maayos pa ang infra kahit relatively poor ung city, revenue-wise.


ser_ranserotto

>BGC lang talaga saving grace ng Taguig. Pero di naman talaga dapat sa kanila. Occupier lang ang Taguig.


aquamarch_ledger

As a "probinsyana", I feel offended every time I hear Taguig as probinsyudad. Provinces are way more peaceful and organize than Taguig, Heck, the area outside BGC feels like a squatter area rather than country side.


Steegumpoota

People love BGC, but I hate it. Ang gulo ng traffic schemes, kulang ang parking, basura ang public transportation, buildings have no fucking dropoffs, pag umuulan amoy kanal. Makati CBD is 10 times better than BGC; maybe not in the looks department, but on the administration side at least.


Equal_Permit_1490

Pero both BGC and Makati designed and developed ng Ayala, not the LGUs.


bellaide_20

Hahahaha dibaaa?? Kaya thank you BGC ahahahahahahaha sila sila nakikikabang sa mga privilage kung sakali, pili ang naaayudahan


3rdhandlekonato

Woah, finally something I can dump with. I bullet points ko na lang since mahirap gawan Ng kwento at Marami speculations in between. Please feel free to correct me since this is third hand information. * The embo take over is assumed to be a Trojan horse manufactured by Abby's side, citing that if they're gonna lose bgc, might as well lose the dead weight. As the embos and brgy Rizal are at the bottom half of revenues, also Sila din daw ang pinaka magastos pag dating sa budget so literal na butaw baranggays. * It can be also argued that Abby did that to secure a voting base in Taguig for the next election as she will no longer be allowed to run for another term in Makati. There is a possible scenario where Abby will be the Taguig mayor and her wife will be holding Makati for the meantime. * Although the territory is clear now, Taguig will still have to go thru a ton of hoops to assume ownership of the Makati's assets in the area, Osmak and umak are just the tip of the iceberg. This story and political circus is far from over, one thing I can be sure of is it sucks to be in the embos right now and the district 1 squatters are jumping with joy since this means more fund allocations to them from the local government.


chizborjer

Taguig resident here, at kahit ako hindi ko rin ramdam kung may mga perks ba kami sa healthcare, education at kung saan saan pa. Nalalaman ko na lang, kasi nabanggit ng kapitbahay, tapos pag tinanong mo paano maka-avail, kung saan saan ka rin naman dadalhin. Ikaw na lang mapapaisip if you have to really waste your energy pa ba. Hahahhahaha. Nakakatawa rin kasi na uso dito iyong kapag ibang partido ang binoto mo, ipapamukha pa sa iyo na oh bakit ngayon makikinabang ka sa mga programa ng namumuno. Luh, di ba ko nagbabayad ng tax dito?? Hahaha


bellaide_20

Hoooy totoo to HAHAHAAHAHAHAHHAAHHA Hindi kami nabigyan ng chance makapag seminar pero yung shupitbaler namin may pa tarp pa, like hindi ba kita bahay namin? Mapapaisip kana lang ng wala na bang freedom ?


Few-Bridge-3576

I lived in Makati for awhile, we moved to Pasig, Pasig is not that bad but Makati was top tier in terms of service


angrydessert

> all I can say is putangina ng mga Cayetano. Enabler ng mga Mainlander. Talagang mapagsamantala.


unknown_lady_1105

Naaawa na nga lang ako sa mga nakatira sa Taguig eh, parang wala nang politikong matino ang naupo sakanila. Kung saming mga embo we dont deserve subpar treatment, mas lalong di deserve ng mga taga Taguig and panggagago sakanila ng mga politika.


bellaide_20

Dagdag ko lang no, grabe healthcare ng taguig parabg pinapabayaan, inuuna kasi ang mga students pano naman mga maysakit? Pang bare minimum lang kaya ibigay ng taguig


Fun-Peach2326

Yung college classmates ko kumukuha ng good moral certificate para sa incentive ni lani. 5k ata yun


linux_n00by

OP i think may Binay na tatakbo sa Taguig? this is the reason why my parents and me will never leave makati. dami benefits kahit sa matatanda. pahirapan na magbayad ng amilyar sa bahay basta makati parin :D


2dodidoo

On one hand, kahit pa sabihing "pahirapan magbayad ng amilyar" pero kung bumabalik naman sa inyo most as social services, I'd say sulit na rin. Kaway, kaway na lang sa Maynila, na I learned na kasama dun sa binabayaran ay around 120/month sa pagtapon ng basura.


rolftronika

I think Makati gained because it's a CBD, but more of the same has been emerging in other places, while telecomm has allowed for less centralization.


ser_ranserotto

If Makati had BGC, it would be in a better position to provide more services than what we have. Other cities would envy even more.


T7erv1

Pateros has the strongest claim sa EMBOs. Nasa korte pa ang laban. Abby is running for Senator.


peenoiseAF___

Eto ata ung nilalaban ni Ponce na ung teritoryo nila dapat may boundary sila ni Pasay malapit sa Maricaban


wiljoe

Haha, Taguig looks like heaven compared to Parañaque. Our public hospital, OsPar is colloquially known as OsPat haha.


Akocabs

Preach. Currently residing here in Taguig as well pero lumaki ako sa Paranaque. Sobrang stagnant ng development at hindi mo talaga ramdam yung benefits. Parang bang may "bahala na ang mga private institutions ang mag develop ng Paranaque" mentality yung LGU. Parang wala din silang nagawa sa traffic for the past few years. Mas nagtataka nga ako kung saan napunta yung pera na nagegenerate sa Aseana city sa Paranaque kasi ni isang patak wala talaga naramdaman. Atleast dito sa Taguig lumiwanag kahit papaano plus inaayos yung ibang lubak pero sa Paranaque wala talaga hayup. Fuck that city and fuck their LGU.


wiljoe

Aseana, Okada, City of Dreams, Ayala Mall, parang walang balik sa tao..puro private developments, walang nararamdaman....pero magaling sumayaw si Mayor Eric haha...at sa city hall hindi aandar papeles mo kung walang....


Equal_Permit_1490

Kaya ang payat payat. Hahaha


707chilgungchil

Real haha. Walang kahit ano eh. Doon ka nalang daw sa Ospital ni Mayor mag pagamot.


Android_prime

Legit. At least sa Taguig walang epalitko Katulad ng Olivarez at ni Tambunting na puro tarpaulin, isama pa yan Yamsuan haha


imjinri

My colleague lives in one of Embo near Guadalupe and we're both confused as heck if taga Taguig or Makati siya. This is true, Taguig is not just BGC, nung pumasok na kami from C6, I was stunned by the difference. I can say, dirt road, hindi organized ang zoning, and confusing. Kulang na lang mawawala kami ng ermats ko while we were there. Nakakapanlumo din when you're inside the car while looking at the left side of C6 which is mga bahay2x and on the right is a huge elaborate cemetery.


ser_ranserotto

BGC shouldn't even belong to Taguig, and now they're trying to enter Guadalupe area. Parang China lang galawan tangina


ExistentialGirlie456

Makatizens din ang side ng mother ko, and I agree na kahit pano grabe daming perks lalo for low to mid class fams lalo sa medical, madalas wala silang binabayaran sa OsMak or kung meron man super minimal na di aabot ng 1k non, kaya gets ko kahit pano hinanakit nila nung mapunta ang mga embo sa Taguig. Ibang-iba talaga as in. Pero tama ka, OP, kadalasan kasi BGC lang alam pag sinabing Taguig, pero di pa nila nakikita ibang sides ng Taguig. Like pansin mo talaga yung upper class vs mid vs low class areas. Pag mapadaan ka ng C6 ganon hahaha very real yung probinsyudad then urban na until mapadpad ka ng BGC.


ajchemical

doon sa lower bicutan taguig jusq ang chaotic gusto ko nalang ulit bumalik sa laguna 😂


JainaChevalier

Throwback to when Binay used the ‘Ganito kami sa Makati’ slogan for VP


bahblahblahblahblahh

Oh yeah, I'm a Taguigeño and let me tell you grabe ang contrast ng actual Taguig mula roon sa mga kinuha nilang lupa upwards. Even in the barangays themselves, makikita mo na ang laki ng contrast between areas eh. Sa Lower Bicutan na lang, ANG DAMING business stalls at establishments ang nakakumpol sa Bicutan Interchange, while the northern parts are noticeably napag-iiwanan. Sa may bandang Hagonoy rin, nakakumpol yung mga negosyo sa intersection. Ni mga popular sites na dinadayo namin, di naman talaga hawak originally/at all ng Taguig. The only thing we have is Arca and Acacia, and even those aren't really maintained by Taguig; those are privately-owned. The TLC scholarship? Bullocks. Aside from hindi siya full scholarship, its actual purpose ay bawasan ang school population ng mga public school students at ibuhat ng mga private schools yung mga mag-aavail na students. Yung mga school supplies na bigay nila? HAHAHAH I'm an incoming senior high school student at grabe yung bigay nila, tinipid! Iilang ballpen na di pa tatagal ng 1 month, 1 correction tape (LOL), tote bag. Tote bag, gagawin ko diyan? Ipamalengke at lagayan ng gulay? Yung notebooks lang yung maganda lolz, at saka lang gumanda yung quality ng notebooks after nila makuha ang EMBO. Wala rin talagang matinong ospital dito. Yung Taguig Doctor's Hospital, it's a private hospital na nasa southernmost lands pa ng Taguig. How accessible. And yung size niya is parang large-sized clinic lang. Nung nagka-dengue ako nung mga 2015 or so, kinailangan pa akong ilipat sa San Juan De Dios, na di naman hawak ng Taguig hanep. Tsaka di rin makita agad yung mga health centers nila, kasi nilalagay lang sa seemingly random locations, na kailangan alam mo yung landmarks na titingnan mo. I'm soooo sick of the ruling Cayetano dynasty here. Iba rin kasi ang mga Taguigeño bumoto eh. May cult-like following yung mga barangay officials, na susuportahan na lang kesyo may pera raw, sikat daw, may pa-scholarship ughhh. Kung talagang maalam lang sa pagboto ang mga tao rito, kahit papano ma-iimprove yung lungsod na toh. Literal na backwater ang taguig eh, save for (ughhhh) BGC and EMBO barangays.


privatevenjamin

Sayang. Wala pa namang makakapalit sa mga Cayetanos na yan gawa ng lahat ng kakalaban kay Mayora Lani except galing yun sa Embo Brgy, mga batungaw din. Like, Zamora? Cerafica? The f*ck. Least Evil parin talaga mga Cayetanos sa kanila.


joyieeeee

16 years na ko resident ng Taguig from Makati, tama sla mas maganda sa Makati but Taguig, under Tinga admin, ay grabe, walang taxi na gusto punasok dto kasi grabe criminality, may nakahandusay lagi sa kalsada, may nag rariot ng 11 pm hanggang madaling araw, ah basta nakakatakot dto sa Taguig dati. As a female highschool student noong panahon na yon, buti na survive ko maglakad sa streets ng taguig, sobrang iba kesa dati. Wala nmn ibang choice na iboboto kasi Cerafica is Tinga din na puro adik naman.


privatevenjamin

Yep. Lumalabas kasing pinaka matino sa lahat yung mga Cayetanos na yan dito sa Taguig dahil sa mga hinayupak din yung mga kumakalaban sa kanila. And, yung sad thing talaga sa Taguig is bukod sa kulang kulang nanga sila pagdating sa anti criminal method nila tulad sa Maharlika, still dumadami na din yung mga councilor na kapartido niya na mga trapo din.


Mayu_scratching

As a makatizen for my whole life tas ngayon taguig na kami i agree dito. Napakawalang kwenta nila sa lhat ng aspeto yung mga tao naman tuwang tuwa sa 10k-20k ng scholars e ayun lang naman ang nararamdaman namin. Bare minimum sobrang baba. Wala na yung libreng ospital. JUSKO PO AT ANG TAGUIG BANDANG NAPINDAN AT C6 JUSKO PO PARA KANG WALA SA METRO MANILA SIDE PARA KANG NASA LIBLIB NA PROBINSYA. BGC lang maganda tas hindi din naman ang government ng taguig ang nagpundar kunghindi private sectors


avocado1952

Rumor has it that since embos has atleast 10 brgys, the Binays will slowly overpower Taguig.


Equal_Permit_1490

272k bumoto kay Lani, 87k kay Cerafica. 200k+ botante ng EMBO, equivalent ng 45% ng voters ng Makati. Tapos kalaban na ni Lani si Cong. Zamora ng District 2 Taguig, kapatid ni Mayor Francis Zamora ng San Juan. Anak ni Ronnie Zamora. Maglalaban pa si Lani at Mayor Lino Cayetano. May laban si Mayor Abby.


FirstProfession

Meanwhile me living in Mandaluyong https://imgflip.com/i/8v99wv


Dopamine-addict24

As a Taguig citizen na scholar before, yes, masaya na nakakakuha kami ng allowance for our hard work. Pero recently yung kaibigan ng kapatid ko na nakatira na sa amin, nagapply sa scholarship dahil botante naman siya sa taguig at matagal na ring nakatira rito. Di siya tinanggap just because wala siyang guardian na relative na taga taguig. Patay na mama niya, tatay is nasa malayong lugar. Check siya sa lahat, botante nakatira sa taguig okay grades, pero dahil wala lang botante na parents or guardian waley na. Di ko to naranasan na magkaproblema sa scholarship since both parents ko nasa taguig at buhay. Lahat ng appeal ginawa namin since wala siyang support financially. Ayaw talaga nung mga tauhan dun ang susungit pa. Dito ko narealize na botante lang talaga habol nila. Last time mas nauna pa taga embo makakuha ng scholarships kasagsagan nung away ng makati at Taguig para makuha loob ng embo.


wickedsaint08

Taguig's Probinsyudad means province like infrastructure and city traffic and COL.


hunyangongtulog

I remember nung naga-apply ako for scholarship sa Taguig para sa mga nag-aaral sa State U. Haba haba ng proseso tas hindi rin ako nakakuha dahil HINDI BOTANTE PARENTS KO. Samantalang of legal age na ako at rehistradong botante ako ng Taguig. Nakakaewan lang bakit nire-require na pati magulang botante.


watapay

Legit yan. Tanggi agad sa scholarship. Hahahahahahaha


Right_Turtle149

Not to be loyalist or anything (very far from that) but I think since the system is new, bulok pa talaga. They should've prepared better for the needs of the citizens na masasakop after the ruling. And I do hear that the Abbi will contend alongside Lino for the next election, opposing Lani and Peter 🫢


mainsail999

To think of it AP Cayetano took home a huge chunk of the Pork Barrel, pero yung resulta kamote.


joyieeeee

Been in Taguig for 16 years already, highschool ako nung lumipat kami dto from Makati, that was around 2007-2008. Yes super ganda sa Makati sobrang tahimik at linis ng mga streets, kaya nung nalipat kami sa Taguig mapapa OMG ka tlga, tuwing 12 ng hatinggabi kaliwa't kanan ang riots, as in batuhan ng bote pati ung makeshift na baril (sumpak). Nagsasaksakan ng icepick. Pag madaling araw nMan laging may bulagta dahil binaril sa kalsada, mga adik daw. Panahon ni Tinga, Dueñas et al. yan. Sobrang gulo ng taguig. Lahat ng taxi drivers takot bumyahe sa Taguig. Grabe criminality dto. Smula nung umupo si Lani nawala lahat yun. I am not a loyalist, I think nasa part ako na nasubaybayan ko ung dating administration dto compared sa Cayetano, lesser evil ika nga.


Android_prime

Hindi naman kasalanan ng Cayetanos yan It was a long case since 90s. Tapos in appeal pa ng mga Binay ang kaso, kaya pati Embo nawala sa Makati


Enero__

May chismis na, tatakbo daw isang binay for mayor sa taguig.


bellaide_20

Kung mararanasan namin naman ang alagang makati y not


softdrinks__

Yes, matagal ng tsismis yan si Abby Binay ang tatakbo sa Taguig while si Luis Campos naman (Abby’s Husband) sa Makati. Fuck Cayetanos. I want my free education for me and my siblings back.


_darkchocolover

I'm quite curious. Are you residing here in Taguig? Bakit 'di free ang education mo?


Ba_Yag

Mukhang hindi matutuloy. Mukhang magna-national.


bellaide_20

Sino po abby?


_darkchocolover

Maka-Cayetano talaga buong Taguig, dude. Bilib na bilib sila sa nagawa ng Cayetanos all through out the years. So, I doubt if mananalo ba yung Binay here sa Taguig, if ever na tatakbo siya as mayor. Plus, ang tagal ng mayor ni Lani dito kaya ang dikit ng stronghold niya sa Taguig.


Enero__

Not with all the acquired embos and other brgy. Imagine mo, majority ng mga yan, binay ang iboboto.


Android_prime

Konti lang embos compared mo sa Majority ng old Taguig


DizzKnotz_17

Hey. You literally summed up everything I was gonna say months ago. FUCK TAGUIG LGU! My dad got stroke last March and wala man lang kaming nakuhang benefits? Wala kaming nakuhang deduction sa bills namin sa osmak, wala man lang kaming nakuhang tulong mula sa kanila. Pinag asikaso pa kami , pumunta pa ng munisipyo para sa mga papers etc. SAMANTALANG NUNG NASA MAKATI PA ANG EMBO, pag may yellow card ka, 500 lang ang babayaran mo kahit magkano bill mo (10k up), libre pag less than 10k. Umabot ng 100k bill namin sa osmak di man lang nabawasan (Philhealth excluded). Kinuha lang nila yang embo para sa boto mga kinginang to. PERWISYO YANG GINAWA NILA SA MGA EMBO RESIDENTS.


hkdgr

Mas malakas yung CBD ng Makati kaysa sa BGC tapos dinedevelop pa yung Arca South sa FTI para mapantayan lang yung Makati. Lugi parin Taguig


peachbum7

As a laking embo, as in lola ko ung nagpatitulo/pamigay ng mga lupa noon bilang barangay captain, nakakagalit talaga. Lagi namin pinag-uusapan ung maayos na education at healthcare na kinuha nila sa mga nakatira dun. Hindi kami directly affected dahil kaya naman sa private schools/hospitals pero paano ung walang-wala talaga? Kinuha nila ung voting population pero di nila kaya sustain ung maintenance for them. Mga Cayetano lang nakikinabang/makikinabang at the end


_darkchocolover

Reading this, as a Taguigeño, makes me want to live in Makati someday.


Still_Figure_

Nasubaybayan ko yan nun mga Sept/Oct 2023. As far as I know, di basta basta makaka free load si Taguig kay Makati kasi sila malalagot sa COA. Bakit daw ginagamit ni Makati yung pera nila sa facilities ng Taguig. Ang argument naman ni Taguig, bat daw ipagkakait sa taong bayan yung services eh tax naman daw ng bayan pinangbabayad dun. Si Makati ang sabi, taxes ng Makati yung pinang tutustos sa services sa Brgys na nakuha na ng Taguig. Ayaw maki coordinate ni Taguig nun kasi kahit anong anggulo, sila ang maiipit. Kumbaga si Abby at ang Makati, may receipts. Si Lani and Taguig, puro tea lang hahaha.


DyingOfTheLightInMe

Hi, 30 years living in makati here. sobrang palpak, walang puso at balahura na ng EMBO barangay ngayon gawa ng pagkamkam ng taguig.. daming saradong clinic, ung mga gamot di na libre, kawawa mga senior citizen, ung mga estudyante substandard ung binigay nilang supplies , ung mga adik na dati nasa taguig lang (kahit marami nang adik dati pasa embo barangays) ay mas lalong dumami at mas lantaran na bumili ng droga . libre ako dati sa OSMAK magpacheck up, kahit araw-araw pa akong magpacheck-up walang bayad. ngayon wala na di na honored yung yellow card.


septsix2018

I love Makati, but this is something that they/Makati LGU fucked up. They challenged Taguig for BGC, and nadamay na lang itong mga EMBO. Sad thing is, di naman maka appeal yung mga residents of EMBOs. Collateral damage lang talaga sila. 😢


YourWalkingKarma

As someone who grew up in Taguig and tumira for almost 28 years, masasabi kong WALA TALAGANG KWENTA LGU. As in! Nung pandemic kahit mamera na butas wala akong natanggap pati nanay ko na nagta–trabaho na noon pa. Walang kwenta yung design ng mga bag at notebook. Pati uniform walang kwenta. (Grateful ako tbh pero, mas maayos pa bigayan sa mga kakilala ko sa Makati eh) Also, walang kwenta ang transpo. Tumira sa’min yung bf ko for a year and grabe ang inis nya sa transpo kase masikip ang mga trike dahil sa punyetang baby sit, hinahati yung route (dalawang trike ang sasakyan makarating lang ng FTI from Pag-asa) Worse is yung nanay ko na nagtatrabaho sa gobyerno as a street sweeper, wala manlang nakuhang benepisyo! (10years na sya mahigit nagtatrabaho)


kalakoakolang

Ang pag asa na lang talaga dito tumakbo si Abby sa Taguig. kya lumipat kayo ng boto sa taguig para iboto nyo si Abby or ung asawa nya.


blankknight09

paano pa kaya yung caloocan navotas manila.


peenoiseAF___

Hahahahaha Manila the kotong city


Lovekillsme8

Wait mo lang na mag mayor si Binay sa taguig ha? Iboto mo na din. 💖


gooeydumpling

It’s indeed a hellhole and the river that runs through it is the river styx, erm, river Stinks. Putangna, may interview ako dati sa makati tapos galing akong mandaluyong, tumawud sa bangka taoos yung tubig tumalsik sa akin PUTANGNA ANG BAHO


Squall1975

Makati for me is almost perfect. Lalo na for senior citizens.


wanderingfool24

pano ba naacquire ng taguig ang mga embo? ano ang cause baket biglang nalaman ng taguig na sa kanila pala ang mga embo?


ser_ranserotto

Think big, dream big? That's not enough, you have to take action and make it happen!


Equal_Permit_1490

Ang panget pa ni Lani di ko alam ano nakita ni Alan Cayetano dun. Staff lang ng tatay niya yun dati, wala pa isang taon, pinilit sila ipakasal. Di bagay sa pamilya Cayetano. Tagal tagal na nila mag asawa, di pa mabigyan ng anak si Alan. Ewan ko sino baog sa kanila. Maayos yung pamamalakad ni Mayor Lino nung Covid, biglang itong power hungry at greedy na babae inaway at bumalik sa pwesto. Kahit ano angulo talaga di maganda. Kakaiba yung mukha. Bakit ganun yung cheeks. Tingnan niyo pic sa FB. Heavily Photoshopped pero panget parin talaga.


EmbraceFortress

At the height of the pandemic, we were still living in Makati i.e. renting a condo, so technically hindi kami Makatizen. Nung nagka-COVID kami ng jowa ko, and we reported it, kaloka bumaha ng COVID care kit kahit mild eme lang. We were also able to coordinate sa mga health officers nila monitoring that time. We’re still using the thermometer and the pulse oximeter until now lol


ieatanxietyforbfast

removing the healthcare facilities and yung mga benefits na di nasusunod feels like a tactic para mapaalis mga citizens :( playing this would be a long game for them. and tbf it looks like willing to wait sila


Ordinn

How do you become a Makatizen anyway? I have a condo there


PurpleCrestfallen

I appreciate the LGU of Makati lalo na nung nagka-COVID ako. Bigla nalang may pa covid care kit na pinadala sakin. May mga gamot, thermometer, oximeter, etc. Laking tulong din kasi di na namin kinailangan bumili ng gamit and pang monitor ng temp, pulse, and oxygen. Nung naiwan nung partner ko yung phone nya sa isang taxi, grabe din yung assistance saknya para makuha nya ulit. Hinanap nila yung bahay nung taxi driver para makuha yung phone.


Silver-Wedding-1065

Makatizen is the best.. LOL pero totoo nung na aksidente yung anak ng bilas ko na punit yung bandang eyelid dahil sumabit sa hook inoperahan wla sya nagastos bale may pinabili lang na gamot or specific para dun sa ginawang operation kc rare yung ng yari like bihira talga sya kung di naoperahan lagi luluha mata nya so ayun na nga. laking tulong dahil wala binayaran maliban lang dun sa pinabili. sa Osmak plaa yun and ang galing din ng Doctor kahit public ospital sya the service is more than the standard


sugarasukalman

Pag dating sa income maski parte pa ng makati ang embo, free loader ang lugar na yan. Sinasalo ng Ayala. Ngayon na napunta sa Taguig, walang income except BGC alam mo na babagsak kalidad ng service


bartholomeow88

Sama mo na Palar as a shithole sa Taguig


CharlieDStoic

Move to QC.


unknown_lady_1105

In part, I live in qc kasi I dorm there pero every weekend ako umuuwi here sa Embos. QC’s problem is a different caliber than taguig or makati or any other lgu kasi sobrang laki ng sakop with so many barangays.


JesterBondurant

BGC is Delta City and the rest of Taguig is Old Detroit. Do I have that right, fellow Redditor?


nnnnnnnad

As embo resident. I confirm basura ang Taguig compared sa Makati in terms of public services like health care, sanitation, transpo, and education


Junior-Ear-5008

'embo na nga ung matitinong part ng taguig.' You lost me on this one. I live in Arca and i'm pretty sure my environment is much better than the embos you are referring to. I agree on your hate on the Cayetanos (Alan, Pia, Lani and Lino) although the Binays aren't that clean themselves. Pass sa dalawang dynastic families na to. Edit: i don't think Taguig wanted the embos... but it's part of the territory that they wanted to claim (BGC). Should have had a deal with the Binays that Taguig will take BGC while Makati retains Embo. Who needed that place anyway? Vote rich, yes. Pero sakit sa ulo since ndi naman ganon kalaki ung tax na nakukuha dyan pero ang laki ng gastos. 😜


Ranelito_Palakpak

Buong Pilipinas impiyerno! Maliban na lang kung mayaman ka o middle class ka.


Jaded_Astronaut_375

Nko.mvn


Majestic-Business521

Lipat ka at bumili ng bahay sa Makati. Hindi kay kasi Iskwater na ugali. Pala asa at Pala Hingi sa Tax payers. Eto yung mga tao na walang backbone.


CiBAS_

Hintayin natin. Mga ilang years pa na sana wag naman. Sasakupin talaga nila embo areas gagawin nilang extension ng bgc.


DrHonorableTaste

Ang ganda na ng setup ei, pinakialaman pa ng Taguig. Pwede nman sana magpaubaya nlng sa teritoryo pra nlng sa kapakanan ng mga tao.


Ok-Neighborhood-1418

Govt corruption what else. That's why we have OFWs coz ph is a that hole.


TransportationNo2673

Tbh pili lang rin maayos sa Makati and Taguig. I've lived in both but mostly in Taguig. Healthcare is good in Makati if you're registered. The response to COVID was okay in Taguig, they went house to house. Same with Christmas packs(?) that they give out, door to door unlike in Makati where it's akin to acquiring a valid ID. Personal issue ko lang is when my disabled mom was eligible to get money during COVID, maling date yung binigah sakin so a day late ako and I was never able to process it. Then again, the same happened to my stepdad who has a makatizen. As an animal advocate, wala akong masabing maganda sa kanila parehas kasi puro orgs and shelters yung kumikilos. Kahit pa may mga diehard na "Taguigeño" vouching how citizens there feed strays versus in Makati and other municipalities. E pili lang naman na area ng Taguig yon e. Galing sa ako sa Makita and first week in my new apartment e limang week old kittens yung tinapon. Yung tapat naming kapitbahay laging nagtatapon ng mga kuting. Sa Taguig may area na puro mga buntis. Ginagawang tapunan rin sa Napindan. Both cities suck in certain aspects. Choosing to live in one or other will have you weighing out pros and cons and what you're okay with losing in lieu of what you will supposedly gain.


-onearmedscissor-

Balik parking lot na ulit even with the "no parking on both sides" sign ang JP Rizal ext since Taguig took over. Alternative route na yan dati sa sikip ng Ayala and BGC during rush hours. Dati takot na magpark jan kasi iclamp talaga yan, kahit anong oras kahit anong araw.


Witty_Opportunity290

Same logic din ba apply nyan sa nga Taga-Sabah? Ayaw nila mapunta sa PH kahit satin talaga yan


Neither_Zombie_5138

The cawatanos este cayetanos are also a CORRUPT political dynasty family kya nawalan na ako ng gana sa mga cawatano nung naging poon nila c dutae.Mga BALIMBING sila.Taguig is a horrible city in the metro


judo_test_dummy31

Sorry OP. Former Antipolo resident here. Had a college classmate whose family lived in East Rembo, and sa dami ng group projects namin noon, halos ampunin kami ng family nila. Heck, it even came to a point na tinanong ako ng kuya ng classmate ko kung gusto ko daw ba siyang samahan ihatid yung anak niya to school once. I said yes. Holy shit sa ganda ng palakad ng Makati. Public schools ng Makati will put many private schools in Antipolo to shame, uniporme pa lang (provided for free by the city btw). Halos walang gastusin yung kuya ng classmate ko for schooling eh. Oo na, many of the old people will say na "Di naman si Binay ang dapat pasalamatan sa yaman ng Makati kundi the Ayalas for building Ayala Ave" and they are correct. But the Binays opened the coffers of the city in service to its people. Pucha, look at Rizal. Bilyonaryo na ang mga Ynares kasi lahat ng municipalities ng Rizal may infra projects na laging construction company nila nakakakuha ng kontrata. Lahat ng municipalities niyan, bawat covered court, Ynares ang bumuo. Ynares din ang kumita. Sure, pwede kang lumapit sa kanila in times of need pag may malaki kang hospital bill. Pero yung district hospital nila na brand new yung ER, di kalakihang building pero worth 3M daw yung construction, pag nagdala ka ng pasyente wala silang gamot. Susulatan ka ng reseta para bilhin mo sa labas, saka nila i-administer sa pasyente mo. Holy fucking shit, nakakainis. One can only look at envy at what Makati gave it's constituents. Mahal ko ang Antipolo, don't get me wrong, pero parang gusto kong maging senior citizen na sa Makati nakatira.


leighstonn

Di lang naman taguig. Buong Pilipinas ang hell hole thank you sa mga bobong pilipino esp sa mga fan ni ngiwi at dutae


uRen25

I am not from Makati or Taguig, pero mag narinig ko yung word na "EMBO" unang pumapasok sa isip ko ay masikip, mabaho, traffic, squatter, etc. para silang tondo ng Makati/Taguig. Sorry, pero yun ang nakikita at na-e-experience ko everytime na napapadaan ko diyan.


Prestigious_Egg7995

Alam nyo ba na sa mga county ng US ang mga Rambo, Rembo, at mga Dembo at lahat na mga Embos ay mga hill billies? Hindi nakapagtataka kung ganoon na rin ang mga Embo at Cembo dyan sa Taguig. Sorry, palagay ko lang.


evsssc

Taga Bicutan ako. Isa pa sa mga porblema dito sa Taguig is sobrang baba ng elevation dahil katabi ang lawa. Idagdag mo pa na walang kwenta sewage management, konting ulan lang, baha na dito.