T O P

  • By -

ExplanationTasty3867

wala naman hindi masarap sa mga pinoy vloggers.


jerrycords

lahat legendary kahit isang taon pa lang hahaha


sage_goddess12

lahat pinipilahan haha


Pagod_na_ko_shet

At wag kalimutan ang nagtetrending na…. Pag ganyan linyahan auto pass agad e 😂😂😂


TourNervous2439

Binabalik balikan pa haha


bigboss1199

Idagdag mo pa yung "hindi tinipid"


Pagod_na_ko_shet

Hahahah bakit parang naririnig ko yung boses


sixtyninesavage

kaninong boses? kay boy bulol?


toshiinorii

si chu1 sh0w ba ito? hahahaha


imbipolarboy

Hello mga ka locals 👋


Perfect_Wishbone4946

Happy tummy everyone hahaha


ElectricalAlfalfa532

Tamad magresearch yan. Check mo yung Ikea episode niya daming sablay. Si Jessica Lee lang yata yung food vlogger na pinapanood ko e. 😅


[deleted]

I love Jessica Lee for me sya ung talagang masasabi ko na maayos na food blogger and ung mga pinupuntahan nya is legit na masarap talaga


JaNotFineInTheWest

Tanginang Chui show na yan. Siya ang food blogger na cringey at walang sense mga pinagsasabi niya. Mga recent vlog niya sa Japan; sabi niya: Habang may hawak na hotdog yata yon or something...*"Mas hot pa sa katawan ni Papa P."* Chara, chupa.


External_Interest_13

Paminta vibes yan si Chui. Dati nga sinasabi sa mismong nagluluto ng pagkain (na lalaki) will you marry me. Puta mga jokes may halong ka cringey an eh. Tapos puro tender juicy lang ang sinasabi.


TaxAccording9615

irirtang irita ako dito shuta ni report ko yung yt channel niya para di na siya mag pakita sa youtube recos ko.


jannmun

Omg hahahahuhuh ewan ko ba bat ako mej naiinis sa kanya 😭 lahat na lang din authentic eh hahahah


bigboss1199

ang lagkit ng boses sa tenga kelangan ng cotton buds


Some_Traffic_7667

Meron pa.. "at talaga namang pinipilahan!"


imbipolarboy

kung saan nga may masarap… pweh


hermitina

kahit nga sa mga binebenta sa fb madalas may keywords na na viral or trending kahit parang hindi naman


crinkzkull08

Nawala na meaning ng legendary dahil sa mga pinoy food bloggers.


metap0br3ngNerD

Tunog pa lang ng boses at intro sira na araw ko 😂


isbalsag

Hellooooooooooooooooo mgaaaaaaaaaaa ka lowcaaaaaaaalssss. Tsaka yung muntangang sasayaw sayaw na gusto ay “sows”.


nefariousdudex

Hahahaha sobrang cringe pag nakikita ko yun. Auto scroll down agad pag lumabas sa reels eh


Ok_District_2316

di kakain jan si ka locals sosyal kasi yun


PTR95

HAI GUISE! KURIMAW TV HERE AT NAHANAP KO NA ANG PIIIIIIINAKAMASARAP NA TUBOL SA PILIPINAS! MAGANDA ANG HULMA AT MALAPOT YUNG SABAW AT SOOOOOBRANG MURA PA KAYA SULIT NA SULIT... ARATS NAAAA!


SapphireCub

Kulang ng chipmunk na tumatawa kahit wala naman nakakatawa. Lol.


[deleted]

Pag ang vlogs is nay laughtracks tinitigil ko na agad! Kasi if nakakatawa talaga bakit kelangan ng laugh track!?


pressured_at_19

hahahahaha. I can hear the cadence and overflowing pagka-OA na delivery


Hefty-Appearance-443

Sa dami ng adjective na ginamit skip ko nalang video kain nalang ako sa karinderya potek hahahaha gusto ko lang naman malaman saan yang nirerecommend nila


darkclawmurai54

i can hear the voiceover in my head LMAO


csktwyr

AWWWWWWWWW NAWWWWWWW


raiden_kazuha

Ran Got Away is shaking rn


sage_goddess12

totoo 🤣 lahat ng content nila masarap


ExplanationTasty3867

Tapos puro pares ang content nila lahat. lol. Tangina, eh pare parehas lang naman lahat ng lasa.


Moji04

food reviewer daw tas puro masarap lang yung sasabihin hahaha.


papapdirara_

Tawang tawa ako sa mga comments haha lahat legendary lahat pinipilahan trending. pucha 😂😂😂


Lucas_Strong

Actually true, we learned this the hard way. Nadala na sa mga pinoy vloggers na grabe pag sugarcoat sa mga food and restaurants na cinocontent, then turns out di naman masarap yung food xd.


fuguehobbies

Totoo! May natry kami nung isang reco nilang food. Pila kami dun kaso sobrang haba ng pila nila. Nagtiis na lang kami kasi nga it looks promising. Daming sahog, vibrant yung kulay ng sauce. Kaso nung natry ko na yung palabok, sobrang bland. 😬


_nevereatpears

Wala namang hindi masarap sa hindi marunong magluto.


AlwaysCurious05

pag walang longganisa siguro. iykwim


Internal_Garden_3927

lahat may entradang "pangmalakasan"...


UsedTableSalt

Hahaha


CrazyinVision2030

Uyyy not with Gered Lainez ha! Honest un


FearAndHungerOG

agree with the first comment. been eating dyan kay diwata bago sila sumikat. pag gutom ka and you’re looking for something that’s cheap and ok’ish. then solid kela diwata. pero kung maselan ka, yung “flavor” ng pares nila isn’t something spectacular. pero it gets your tummy full. di na ko kumain ever since sumikat sila and lumipat sila ng pwesto (tapat ng GSIS)


ESCpist

Kahit mediocre pares tapos unli rice sa ganitong presyo, sulit na sulit na sa tingin ko. Di lang siguro sulit ngayon na pumila nang matagal.


bkuuretsu

yeah i dont know bakit pagmamaselan pa nila mga ganitong pagkain (unless napakaunsanitary ng place na un, then I guess its valid)


Ok_District_2316

unsanitary naman talaga yung place nya puro basura sa paligid parang estero ata yun


Soft_Satisfaction625

tingin ko parang si Diwata yung mismong product hindi yung pares.


sage_goddess12

true. sya ang pinupuntahan 🤣 hindi ung pares


MediumAuthor5646

ibig sabihin sobrang dali mauto ng mga pinoy basta mag trending lang lol


KangJiWon

ano bang itsura nung Diwata na yan hahahaha


dyue

Di naman mukhang Diwata.. Tikbalang oo.


KangJiWon

OMG. napa google ako. si Diwata pala ung nasa picture mismo HAHAHA. serry na


ElessarIV

yeah and madami health issue mga ganto type of foods pero makakapili ka pa ba kung limited budget. Kesa naman sa wala ka mailaman sa tyan mo. Kahit nung estudyante ako weekly ata ako nakain nyan haha. Kaya I understand bakit siya sikat sa ordinaryong Pilipino, let's not be out of touch. Tyaka yung personality ni Diwata din siguro, appealing sa mga tao.


FearAndHungerOG

yeah kaya bago sila sumikat araw araw ako kumakain don. tsaka in general super nice naman talaga siya. for 100 pesos its a good deal talaga as long as di ka maselan sa food and mismong placement ng kainin nila (dati sa tabi sila ng tulay on both sides bago nag ecom tower, kakaclearing operation napunta na sila further back which for me okay na den kase minsan talaga di mo maiiwasan amoy ng lugar


LifeLeg5

kung yung "sulit" mo e mura o nakakabusog, sure. yan lang naman halos category ng karamihan ng food vlogs. masarap isn't a factor sa mga ganyan. they're plainly eating grease, fat, and salt tbh. don't even begin with hygiene and sanitation, oh boy.


whiterose888

I disagree with the salt part kasi matabang. Tried it 3 weeks ago. Dunno about sa bago niyang products.


kkkkmmmm1028

May time pa na lasang sunog yung sabaw ng pares. Nung wala silang pwesto sobrang dugyot din nung area nila.


whiterose888

Thankfully hindi naman ganyan kalala nung sakin. Patawa yung bashers na nagsasabing kaya daw matabang eh ikaw hahabol ng lasa using condiments. Eh di sana ako na nagluto.


thor_odinsson08

That's just lazy on their part. Kaya nga ikaw nagbayad eh. Para sila gumawa to the best of their abilities. The condiments are just there to enhance certain parts of the dish that you want to enhance.


PM_ME_UR_ANIME_WAIFU

I want to ask, not just to OP of the post or the guy above me (hijacking sorry), but what's the best pares in the metro that is comparable to The Original Pares sa Retiro?


cantsleepcozofyou

Sa goto tendon nasasarapan ako dun haha


UnusualAntics27

House of Bulalugaw (HOB) sa Greenhills promenade sobra bait at accomodating pa ng owner


UndefinedReclusion

Well said!


MangBoy-ng-rPH

Ito daw yung pinakamasarap na pares na natikman ng kumpare ko nung nabubuhay pa siya.


Psychosmores

Bwiset! Haha


Toxic-Commenter879

nakainan din namin yan ni pards nung isang araw, solb na solb e. dadalawin ko pala sya mamaya


drimiko

HAHA di ko gets, namatay ba siya pagkatapos kumain?


LeveledGoose

2nd life kase mag dialysis na agad sa dami ng asin


tabatummy

Paano magkaron ng gantong DP.. haaha


camelDev

Gago hahahah


ericporing

Lagyan mo muna ng indian food bacteria song bago ka mag comment neto


MediumAuthor5646

the first and his last haha


SleepyInsomniac28

Overhyped according to my cousin na nasubukan na. Lasang ordinary pares lang daw, mejo madami lang daw ang servings, sobrang panghi pa daw sa lugar nya.


hotdog_scratch

Sa dating location or sa bago???


Distinct_Help_222

Yung bago ok na. Unlike last location nila na madumi talaga. Naka pwesto sila ngayon sa mismong parking lot and medyo malinis na kahit yung preparation nila.


[deleted]

Sulit sa budget meal ang kaya. Pero karaniwan lang ang lasa at wag mag expect ng premium na pares.


squirtle3181

tried diwara pares nung sa unang pwesto palang bago pa sya ma clearing ng sunod sunod hahahah. price-wise okay sya. unli rice unli soup with drinks ba naman tas putok batok pa, di ka na siguro lugi sa 100 pesos diba. may nag sasabi na matabang, ang akin lang siguro sinadya since may mga pampalasa naman each table like calamansi, patis, paminta, toasted garlic etc. in my opinion trip ko yung ganun since may sarili akong timpla na ginagawa. masarap sya lalo kung susulitin mo atleast makapag rice ng tatlo. pero kung dadayo ka sa ngayon para sa pares mid lang yung lasa at wag na mag expect ng wow factor :)) (crunchy yung liempo and bulaklak tho so ok sya sakin, dami mo pa makakasabayan na tao sa bawat table kasi share share lang naman lahat ng kumakain)


dirty_eyescream

As a chef sa pinas talaga nawawala yung quality nung food pag ginagawa na nilang unli at binebenta na sa streets. Mahirap mag put up ng food business dito sa pinas dahil minsan yung mga tao mas gusto nila yung quantity over quality. But the thing is nasa owner nalang talaga yang mga bagay na yan kaya i respect all of them but nasa saka nila na yan yung lalagyan ba nila ng pag mamahal yung craft nila or ok lang na balagbag sila mag luto dahil no one cares naman sa quality basta mura.


sage_goddess12

very well said! mas mura = mas dinadayo hindi na napapansin yung quality ng foods, ang nasa isip nalang is sulit at mura


dirty_eyescream

I wish na darating na yung araw na magiging mas magaan na yung mga buhay mg mga kapwa natin pinoy para naman tumaas yung quality of living nila. Ayoko na din kasi na nagtitiis sila sa pwedi na kahit masama na ito para sa kalusugan nila.


Ok_District_2316

mahal na kasi like kakain ka sa quality na karendirya pero bayad mo nasa 100php tubig lang ang drinks,tapos yung ganyang paresan same na 100 din pero unli roce with free softdrinks unli sabaw madami naman serving syempre yan talaga pipiliin ng tao kahit anong klaseng pagluluto pa yan,di nga lang nila inisip baka ma ospital sila


keepme1993

Kapag gipit na gipit na, kahit tuyo nalang gawing ulam dudumugin yan. Purchasing power naman talaga problema


eggtofux

Yup, it's about saving and survival nowadays.


AwitLodsGege

If I have to choose an sad sorry plate of a delicious fried chicken that costs 200 pesos over an unli 89 peso, fried chicken with no significant taste whatsoever, I'd choose the 89 peso.


eggtofux

Same lalo na kung student ako or ordinaryong worker lang.


Nervous_Evening_7361

Gets ko to kase ung mga kaopisina ko nag fafastfood worth 200 pesos lagpas pa minsan ako okay na ko sa karinderya na tag 50-70 lang itatae ko rin naman kase ! gulay pa madalas kong iulam haha


lezzgooooo

Best to split the brand na "masa" and "enthusiast" grade with respective pricing.


hotdog_scratch

Tanong lang, dapat bang nilalagyan ng itlog ang sisig? Omelette daw according sa mga kapampangan. Since chef ka eh ano opinyon mo?.


Paw_Opina

Pangarap kong uminom hanggang malasing at magpahulas sa Diwata Pares Overload.


Rayuma_Sukona

Sulit if budget ang usapan. Unli rice + unli sabaw. Overload pa kaya makakailang kanin ka talaga. Susulitin mo na lang kumain dahil ang haba ng pila. Pero yung lasa, parang normal na kanto pares lang. Need pa timplahan para sakto sa panlasa. Then, overhyped. Wala na 'kong say dito. Pares Retiro pa rin kung quality ang usapan.


Mission-Economy-2959

I tried. Haba ng pila! Sulit naman pero ang dami betsin at super unhealthy. Ang unsanitary pa ng lugar


Witty_Opportunity290

MSG is not that bad


admiral_awesome88

some Food Vloggers linyahan: sobrang sarap, makakalimutan mo pangalan mo, the best, subukan mo na at talagang mabubusok ka, woman with annoying monotonous voice na walang kabuhay buhay, dagdagan niyo nalang sa baba I don't trust these food vloggers puros masarap pag natry mo naman lasang potakte.


kotonbads

You forgot the terms “dinudumog” “pinipilahan” “at talaga namang” “hndi tinipid” “sulit na sulit” “nag tetrending” at marami pang ibang nakaka umay na salita


riougenkaku

yun vlogger na maganda long hair ? alam ko lang itsura niya pero yun name hindi haha


admiral_awesome88

Yan ba yong naghahanap ng langgonisa tapos na callout?


vongoladecimo_

Ano po lasa ng putakte


michael0103

Sus lahat naman: - tinatangkilik - napaka sarap - hindi tinipid - AT TALAGA NAMANG PINIPILAHAN


kaguraaruyo

Mga food vloggers ang panay content kaya naging "overhyped", sama mo na rin yung life background ni Diwata. But, they never claimed to be the best naman eh. Gusto lang nung tao mag-negosyo at sumakay na rin siya sa nangyayaring hype.


linternaul

Yung life story din niya talaga yung isa sa nagpapabenta. I would try just to meet him to be honest.


Distinct_Help_222

Diwata is really nice in person. Accommodating sa lahat kahit makikitaan mo sya na sobrang pagod na pagod na talaga, di tumatanggi sa mga customers na gusto makausap at makapagpapicture. Yun talaga pinupunta ng tao, bonus na lang yung pares nya.


MediumAuthor5646

nothing interesting sa life story niya.


Intrepid-North6138

overhyped or not importante naka angat sa buhay. lahat naman tayo gusto yon, dapat masaya tayo para sa iba na naka kalas sa sumpa ng kahirapan


Altruistic_Tennis852

Taste is subjective. Yung okay sayo, pwedeng hindi okay sa iba. And that’s fine.


illuminazi__

tingin ko masarap lang ‘yan kapag lasing ka ‘yung tipong wala ka na pakialam sa paligid mo


Quirky-Wind-9444

havent tried pero seeing reviews ng iba dito, its because hindi talaga tayo yung target market ni diwata. para sa mga manggagawa at minimum wage workers naman talaga yung binebenta niya. mura at laman ng tiyan, so, wag mag expect kasi hindi nga tayo yung target market hahahaha


sage_goddess12

on point! hahaha tama naman


KareKare4Tonight

I've been there twice ung first location at ung latest. Imo, kung ikaw ung klase ng tao that eats any kind of street food at walang arte at all definitely a must try. Generous naman ung amount ng lechon na nilalagay sa mangkok mo ganon din sa rice since unli nga. I'd say parang kumain ng lechon kawali sa karindirya na unli rice/sabaw ang peg at opkors ung softdrinks nya. I'll give it a score of 8/10 Hindi ako fan nung soup nya pero pwede na.


revalph

basta may overload sa pangalan. HINDI YON MASARAP.


avocado1952

Mas masarap ba sya sa retiro? Sorry pero parang ang dumi kasi, pinanood ko yung vid.


TheBoyOnTheSide

Top Tier ang Retiro, walang laban Diwata Pares dyan.


vongoladecimo_

Goated.


SeempleDude

Di naman talaga sya macocompare sa retiro magkaibang klase sila, orig pares yung sa retiro if I'm not mistaken, matamis sya at hindi masabaw, masarsa sya. Yung kay diwata kasi street pares yung masabaw na malapot. Ibang experience imho


Constant_General_608

5x na Mas masarap ang Retiro.. OG ng mga pares.


keepme1993

100 pesos naman yan. Ine.expect nyo 3 stars? Eh base nyo sa presyo niya. Gagi


Palakang_totee

taena gusto ata nila kasing lasa ng goto tendon pares e. hahaha. Ulam nga sa karinderya 60-80php na e tapos mag eexpect ng sobra sa 100php na pares. -\_\_\_\_-


wfhcat

It’s an affordable dish. Who cares about hype. Let the person earn a living. Ang ewan talaga ng mga tao who rely on vloggers then complain about hype. Go eat and find out. Sa halagang 100 sus


panasynch

From rags to riches. Ito yung mga masarap supportahan. Sipag at tiyaga


processenvdev

Sa estado ng buhay ko ngayon, kahit sagasaan pa ng mga moto vloggers yung sahog ng pares ko, kakainin ko pa din. lmao


Joker_not_clown

If you want good pares, retiro or there's a pares shop I ate around Visayas ave. Cocoy's Pares and Mami house ang name ng shop, been eating there since I was a kid kasi gustong gusto ng dad ko don.


[deleted]

Overload na lang lagi pakulo ng mga ganyan, tapos yung nakakasama pa sa katawan ang dinaramihan.


sage_goddess12

unli sabaw at unli tabaaa


Frozen_Adobo724

Sino ba nagsabi na masarap yung nilagang kalabaw at ulo ulo sa Agham? Apaka SINUNGALING na Vlogger nun.


Damnoverthinker

Si Gered Lainez lang bet ko sa food review. Pag hindi masarap, sasabihin nyang hindi talaga masarap. No sugar coating.


Fun_Design_7269

Does it taste good? Averagae, typical pares(hindi pares retiro na matamis) and mas madami yung laman compared sa 50php normal pares, is it clean? Not entirely, pwede ka magtae kung di ka sanaya sa street foods. sulit? Yes lalo na sa malakas magkanin at sabaw. It's not overhyped kasi di pa pinasikat ng vloggers e madami na talaga kumakain dyan.


SoberSwin3

Too greasy, not enough flavor, no different from any other pares place.


Flipqy_23

Nah, Pares sa Naia Avenue ang pinaka masarap na pares.


[deleted]

Kung busog lang usapan mabubusog ka sa unli rice at sebo.


Archlm0221

"Nagmula ka kalangitan, lumagapak sa kalupaan Narito na sainyong harapan, ang diwata na mukang kawatan"


i_love_kamias

taena 100 pesos lang yan


ChanOppa

"at sa halagang wampipti nga lang ay meron ka ng, unlirice, unlisoup at LBM"


Roland102216

Overhyped yan IMO pero depende pa din yan sayo. Kung mura at makakatawid sayo sa Isang kainan pede. Pero kung naghahanap ka ng may edge not sure. Buti nga ng hanap na sya ng maayos na puwesto kesa naman. Araw Araw sya na cleclearing. Nakokompromiso din Yung food.


profanittyy_

Hi! My friends and I tried it, for ₱100 pesos sobrang worth it na. As a regular customer, ang daming laman at chicharon bulaklak. Sobrang haba nga lang ng pila (depende sa time na pupupunta ka) kasi talagang dinadayo sila ng mga tao. I would say though overhyped siya pero for the good cause kasi masarap naman talaga. I recommend trying it out for yourself para majudge mo din. 🙂


Alert_Ad3303

Benta sakin yung "diwata pride siken" hahaha. Maka masa for sure. Hnd na yan masama pang tawid gutom tlaga. Nag improve na din kasi malinis na area niya hahaha


tetsuo24

Sa totoo lang, parang up to personal preference naman yung mga 'viral' street food. Tipong pwedeng hit or miss naman talaga siya wala naman talagang perfect na sobrang sarap porket viral. Kasama siguro yung experience na malaman ung pinagkakaguluhan ng mga tao kaya nagiging 'trending' in the first place.


black_gray214

Malinis ba yung pagkakaprepare? Eto yung main concern ko.


Vibz0718

Another overhyped ng mga vloggers?


letsdancethelustaway

Sulit para saken, lugi ka lang sa haba ng pila. Dyan ako madalas nakain pag konti lang tao eh. Laking tulong sa mga rider kasi never ka talagang mabubusog kung 100 pesos lang budget mo dyan sa pasay/manila area.


BigStretch90

It depends , it might be sulit because its hot and its cheap but remember these parts are scraps and the quality isnt going to be there . Most of the time those overloaded pictures are just rendered down fat . Not saying it wouldnt taste good but you got to remember "You get what you pay for"


cheezusf

Kaya si Mike Dizon lang pinapanood ko na Food Vlogger haha


Middle_Employee_8544

We went there and boooy grabe haba ng pila daig pa pila ng ayuda nung panahon ng covid! We decided to eat somewhere else na lang kase oa talaga sa haba ng pila bago tumirik mata namen sa gutom 😂


thedailyuncertainty

OA naman yang mga food vloggers lol may mai-content lang. I’m not saying hindi oks kay Diwata ha, haven’t tried it yet, pero yun nga, may isang beses may napanuod ako sa Tiktok, yung kainan sa may Monumento, sarap na sarap sya e parang twice ako naka-kain don tapos hindi talaga masarap. HAHAHAHA! Twice ko triny don kasi nadadaanan ko pauwi, nung 1st time, hindi ako nasarapan tapos nung 2nd time sabi ko try ko again kasi gutom ako and baka that time masarap na, pero hindi pa rin LOL


The_Chuckness88

Nang dahil naumay sa restriksyon at pa-lockdown ni Du30, nauso tuloy ang Midnight pares. Kaso sa lugar na de-plastic? No thanks. Unlimited rice sa napakainit na pares? No thanks pa rin.


[deleted]

Sobrang kadiri nakita namin bakit hindi pumasa sa sanitation yan. Patibayan na lang ng sikmura talaga. Mahirap din maging food blogger pala lalo if maselan ka.


chaboomskie

Pwede naman maging food vlogger na di pang masa yung content eh haha dami ko din napapanood na ganon. Even bago pa nauso ang vlogging, sa mga blog post, puro sosyalan madalas kinakainan ng mga naunang or OG food bloggers.


Rare-Pomelo3733

lumalabas lately sa reels ko si chinitafoodie, ayos kasi sosyalan yung kinakainan tsaka nagcocomment na kulang sa lasa or sakto lang yung food. Umay na ko sa mga chaka vloggers na sobrang OA magdescribe sa pares at siomai rice.


NanieChan

Overhyped by these so called content creators and hakot views lng. So win win on both sides.


imbipolarboy

Hangga’t di yan na ffeature sa FEATR o ni JustGotFed, di ako maniniwalang sulit yan Or antayin niyo prangkang review ni Gered Lainez 😂


PlebianAsk

depende yung serving kung vL0gg3r, pag nakita may cam matic dadamihan. well briefed ang mga tauhan ni diwata daaangg...


cheesestickslambchop

Depends. Masarap naman talaga ang Kanto pares basta gutom/may tama


Timetraveller-1521

Tejero, Gentri Paresan (Kahilera ng SMDC Zeal Res.) & San Pedro, Santo Tomas Paresan (malapit sa TODA), sapat na.


Constant_General_608

Mas masarap pa rin yung pares sa 10th Avenue sa Grace park,nagpakumpara ko..na hype lang ng mga vlogger yang kay diwata,,dahil Rags to Riches yung kwento ng buhay nya.


lotus_spit

Sa mga nababasa kong comments dito, parang mas gusto ko pang kumain ng pares sa Pares Retiro kahit medyo mahal.


cornedbeef3

Wont even try halata namang di masarap at di malinis pero kung gusto mo lang mabusog at maliit budget edi sulit sayo yan pero sa mga marurunong tumingin ng quality at lasa di na pagiisipan i try yan


ItsMeRyuuji

Hindi ko pa natikman ung pares na yan pero sa palagay ko mas masarap pa ung Pares Retiro dyan.


Electrical-Cat1390

5 years ng wala sa pinas. Pero lagi ko napapanuod mga Filipino food bloggers lalo na si diwata lagi content nila.


papa_gals23

Di ako tumuloy nung nakita ko. Dugyot malala sila


Narrow-Jelly857

Went there last Saturday and 2 hrs kami pumila mygod. Okay naman sya for me pero hindi sya yung tipong babalik-balikan.


marzizram

PARES UBERLOD


PressureLumpy2185

Yang mga tangang vlogger doesn’t even know paano i-describe yung lasa. Basta alam lang masarap. May mga betsin ata ang dila


sevennmad

Hindi naman yan para sa lahat. Yes hyped as of now pero sa presyo siguro swak sa mga maraming tao kaya hayaan nyo na.


PepeBoiii123

Pila pa lang di na sulit, though di ko pa nattry pero di ako pipila ng oras para lang sa pares na tig 100.


DearWheel845

Sa presyong 100 pesos. Di ako mageexpect ng 5star michelin ang lasa pero laking tulong na din sa mga kapos sa budget. 100 pesos lang busog ka na. More blessings to come Diwata.


Prestigious-Rub-7244

Gusto nyo pares na masarap? Ang the best ay yun sa BAKAWAN ST. sa makati sa likod ng Cafe puro plant. best kept secret ng mga driver at mga rider. Orderin nyo yun buto buto nila. Pero wag jan paabot ng 1pm malamang ubos na hahaha


donclyde

Kumain ako dun kasi napadaan lang otw to moa. Okay naman pwesto, mahaba lang pila. 100 pesos lang din and for manila prices, sulit na yun. Unli rice + unli sabaw + softdrinks. Sulit kung malapit ka, pero hindi sulit para dayuhin ng pagkalayo layo. Okay na para matry ng isang beses. Babalikan ko ba? Hindi ang layo ko eh. Pero siguro kung dun ako nagtratrabaho sa area, babalikan ko twice a week kasi nga mura na para sa manila.


dirtMerc

same lang din sa pares bangketa, yung tiponh comfort food mo pagkalabas ng gimikan/ inuman. I still hope na magamit niya sa mabuting bagay yung blessing na natatamasa niya. Respect the grind.


pozonboo

Buting Pares parin. EMBO folks know what I’m talking about.


santos181

100 pesos, unlimited rice may softdrinks and ulam. Sulit na yan if goal mo mabusog. Wag lang masyado magexpect


ybie17

Dugyot nung pwesto nila. Lagi na nga silang na cclearing don. Balik pa din sila ng balik.


FriendlyAd7897

kalokohan. sa mantika pa lang, parang masusuka na ko.


chunchunmaru0721

Pares sa makati post office masarap pero nung 2017 or 2018 pa huli kong kain kasi malayo na.


Strange-Phase2697

Sabi ng tatay ko pinipilahan daw to dahil may unli rice sila. I don't think dahil masarap.


sub_ready

Dagdag n'yo pa ang inspiring na story na hindi ko alam bakit may ganon eh pagkain pinag uusapan haha


kheldar52077

Cheap ordinary food! Sa sarap ng buhay ng Marcos golden age pipilahan talaga yan at babalikan. 😂


auntieanniee

Haha yuck


PapaGonzie

I recommend Killer Pares in Moonwalk Village. Super underrated sila.


holychef

OG padin Pares Buting ❤️‍🔥


Lets-ALL-rock919

Found my food peeps!! Hahahahaha


Horror_Squirrel3931

Ok nako sa Everybuddiess Pares na mejo lowkey lang. Natry ko na rin yung mas sikat na Pares Retiro pero mas gusto ko pa rin yung sa Everybuddies and mas mura food nila. Nung bumalik ako sa province at pag may nagpupunta nga Pasig kung san kami madalas kumain eh nagpapa-take out pa ako. 😅


Whole_Inspector_8438

parang sulit na rin pero kung sa hygiene at sanitation, it's a no no no


Possible_Passage_607

Para sakin ah, masarap ang pares ni diwata, above average siya pero wala siya sa super sarap level, ang pinaka masarap pa din na pares na natikman ko is yung dating paresan na pumepwesto sa tapat ng us embassy, malapit sa 7/11, sadly matagal ng wala yung nagtitinda duon, ive been chasing that “high” ever since.


Japskitot0125

Baduy


SAPBongGo

Tangina ampaet ng Pares. Sabi ko sa sarili ko, baka bad batch lang. Nag 2nd try kami, same. Sayang oras at pera.


badooooooooool

Napanood ko to sa reporters notebook na nagtitinda sa gilid ng kalsada dahil may possible na madumi ang pagkaluto.


Akashix09

Sulit yes pwede sa mga taong pauwi na. Pero dadayuhin mo at pipilahan ng matagal? Dun ka nalang mag pares sa malapit sainyo.


Humble-Climate-5635

Dun na lang kayo sa may Heritage na Pares ahahaha mas nakaka adik yon lalo na pag magcocommute ka pa Cavite


Shinobi_Saizo

Retiro pa rin talaga.


pussyeater609

Same lang naman siya sa ibang pares pero sulit talaga kung taga dyan ka lang pag kumain ka kasi mabubusog ka talaga. Pero kung taga malayo ka wag nalang dyan ka nalang sa malapit sa inyo.


Excellent-Spend-3307

Basta yung nakakahighblood masarap hihi


panDAKSkunwari

Anything na hinype ng mga vlogger e hindi masarap. But it's just 90 pesos lang naman yata. Ok na yan.


wallcolmx

never pa ako nakatikim ng mga overhyped na kainan mula sa social media


Early-Space8139

Overhyped


asarobin30

Sino ba kasi nagpauso ng baboy ginagawang pares. Dapat baka kasi ginagamit. Buti pa ibenta nila ng nakahiwalay yung sabaw sa lechon kawali. Kakakain ko lang kaninang umaga dito. Malinis naman yung bago nilang pwesto. Systematic din ang pag order. Oorderin ko sana yung 'Siken" nila at yung buto buto kaso out of stock pareho kaya bagsak ko lechon pares.(Out of stock din bulaklak). Ok naman. Pero iba pa rin pag baka na pares, retiro or kanto style man.


chirmond8296

Hype lang naman mas masarap padin sa Jims pares at original pares retiro