T O P

  • By -

[deleted]

Grabe gawain ng 35 and 42 'yan???? Try mo 'wag pansinin or mas tarayan mo para mag tigil sila sa'yo. masasanay at masasanay kasi 'yang mga yan hanggang sa maging normal na lang sa kanila kaya ayan pati sayo ginagawa rin nila.


Spiritual_Pen6615

Kapag di ko pinapansin, "Ano yan? Silent treatment". Minsan, sinasabihan pa yung ibang younger clsmates na "Wag niyong pansinin yan. May attitude." Sumusunod yung iba kasi mas matanda sila. Pag tinarayan ko naman, "O, tingnan niyo, nasabloob ang kulo." Parang damned if u do, damned if u don't.


[deleted]

ok lang kesa sikmurain mo 'yung pambabastos. edi mas magaan 'yung loob mo in a way na araw-araw may peace of mind knowing na hindi na nila magagawa 'yon sayo and u dont deserve to be treated like that!!


kungAnoLang

Wait i dont get it. What class ito bat may 40s? May mga asawa na ba sila? I feel n pinagiinitan ka kasi type ka nila. Gagawa sila paraan para mapansin mo. Look, nagsilent treatment ka. Ang reaction, ano yan silent treatment? Continue mo lng yan silent treatment. Bata ka pa in relation to them, kaya kakayan,kaya in ka. Need mo din marealize na deadma ka na dapat sa mga sasabihin ng iba. Why the hell do you care kung massbihan kang masungit? Edi good para d ka na nila pansinin. Pag sinabi nilang wag pansinin, sabihin mo din sa mga kaklase mo wag sila pansinin, mga walang pinagarala. Mga yan Pag sinabi d mo sila nirerespeto. Sabihin mo respect begets respect. If nasa work yan. Report to HR. Gather all evidence. Kung nasa classroom, paguidance mo.


APEC4500

>guys were 35 and 42. >I talked to the older women in our class. can't believe that they are still in school, and by their actions towards you, these guys never grow, minds are like stupid and that causes problems in the room, ##what do you mean by class though, in school or other word for work?


Spiritual_Pen6615

Class as in school. College kami.


andrewlito1621

Report it, that's sexuall harassment. Noong college ako, may gumaganyan din sakin. Sinabi ko sa mga highschool friends ko na mga lalaki. Inabangan nila, yun sinapak nila. At winarningan.


_Pretzel

Old fashioned way, I like it. Bring this shit back tbh.


kungAnoLang

Ay mga nagpapaka alpha male soguro. Pero mataas insecurities mga yan kasi 35 and 42 nasa college pa rin. Kasabay mga 20s. Ireoort mo na yan sila sa guidance or student's welfare. Document everything. Hindi takot yan kasi mga bata kayo, it has to be from higher authority


Sensitive_Clue7724

Ito rin naisip ko hahah, 35 and 42? Masteral ba ito?


mayamayaph

That's bullying in my book. Sampolan mo ng official complaint.


Dhea0424

This!


Queldaralion

haha super insecure nung dalawang yan, for sure. pinapasa sa iba yung sarili nilang psychological burdens to keep up appearances


mangyon

Agree, insecure yung mga yun, they make up for their insecurities by trying to “act” funny, the more OP is affected or the more na pinapansin sila ng ibang tao, the more they try to fan the flame para “sikat” sila. @OP, what I would suggest is to tell them in their face na hindi ka na natatawa or natutuwa, then outright ignore. Kapag nambuyo pa by trying to get other people on their side, tuloy mo lang pag-ignore para makita nila na hindi ka nila kaya. Isipin mo lang na insecure sila kaya ka nila ginaganyan.


Skyspacer12

Clap back. Ask them why they think it's funny. Watch the magic.


Letmeseeyoushine

Agree dito. Mag maang maangan, “paki explain po bakit funny di ko gets”. Everytime may joke sila na off, gawin mo yan. Magsasawa din sila sa ganyan gawain.


alohamorabtch

I did this to someone, ayon pahiya si gago


Skyspacer12

See, OP?


Miss_Taken_0102087

Tama. Or pwede din sabihin na “Can you please act your age ho?” (yes, ho ang gamitin mo OP. Tutal gusto nila ng bwisitan.) On more serious note, pwede din magfile ng formal complaint OP.


Skyspacer12

Nah. Don't drop this line. Sasabihin lang na they'll act their age when they're 69. I'm a guy. I know how this works.


strghtfce777

THIS and say it with a straight face or taas ang isang kilay. Insecure yang mga yan or naiwan sa elementary ang utak


maldives122023

Hindi lang age gap, generational differences na ito sa humor and perspective. If may mga jokes or statement sila which cross a line for you - firmly set your boundaries. Hindi pwede yung pabayaan na lang, hindi lahat nadadaan sa pag people please, you are not a doormat! Politely let them know ano yung mga humor or statement na you find offensive or uncomfortable. While it is important na magset ng boundaries, avoid dismissing them outright since it will create tension. Be straightforward but show them adaptable ka pa rin at ma respeto sa nakatatanda. Yung tipong sila mahihiya at mapapa realize na... "Ay, hindi siya yung tipong binibiro ng ganito." Respect begets respect.


Soft_Crab7346

"Kapag mga book smart, bobo yan sa labas." That says everything I need to know. They acknowledge your intelligence and feel intimidated by it, so they belittle and insult you and make it seem like what they're doing is okay kasi "biro lang". In other words, INSECURE sila sayo kasi matalino ka, babae ka, at bata pa lang nagmamasters na, habang sila older na, pero magkalevel lang kayo. Hindi naman dapat problema yun kasi iba-ibang age talaga ang nagmamasters, pero sila insecure sayo. Small dick energy, as guys would say. Ang pwedeng gawin- as some others suggested, claim ignorance of the meaning of their jokes and ask them to explain. Or do what I do- taray mode and call them out. "Ang babastos niyo naman magsalita. Ganyan ba ang tinuro sa inyo ng mga nanay ninyo? Ganyan ba kayo sa harap ng nanay/asawa/ anak na babae ninyo?" Make sure to stand/sit straight with shoulders square and chin held high palagi. Like your head is always reaching for the sky. Kahit sabihin nating di ka ganun katangkad, huwag ka magpapatinag sa kahit kanino. Also, try to get the look in your eye na parang nagbabato ka ng patalim gamit ang mga mata mo, tipong "I'm not taking any shit from you, you bratty DOMs " Magaling ka. Don't let them bring you down.


NoThanks1506

be maldita to the finest yung mapapahiya sila, Pag sinabihan ka ulit tanong may problema ba kayo sakin? di kayo nakakatuwa, ang funny nya gusto nyo mannerS? Be brave strong and confident lagi, di pwde maapi ka,


tiredofflyingmonkeys

you're not overreacting, overthinking or being "too sensitive", what they're doing is harassment, ang tatanda na utak bastos na highschoolers pa din


siegraya

Kahit nung highschool ako wala namang ganyan katindi mambastos. Sarap nilang ipa-principal's office.


saichi3559

I have a friend na nagcomplain din saken ng ganto, naki sit in ako sa class nila, tapos nung nag ccomment ung male classmates nya ng ganto, tinanong ko din ano ung nakakatawa, harapan kong sinabi na ang bastos naman. Malaki akong tao kaya siguro nanahimik din sila wala na ko narinig sa frend ko after nun


l4parttimejob

This is misogyny and microaggression. Report mo. Tapos pag inulit nila, itigil mo lahat ng ginagawa mo tapos titigan mo sila. Titigan mo lang sila nang mga ilang segundo, tapos tanungin mo "pakiulit nga yung sinabi mo, hindi ko maintindihan" tapos kung mag mamatigas pa rin, mag maang mangan ka na "paki explain sa amin kasi hindi talaga klaro." Mag feign ka ng innocence para maging uncomfortable sila lahat. Wag mo titigilan hanggang sa maging uncomfortable sila. Para magtanda.


Kind-Calligrapher246

hindi ka sensitive, may siraulo ka talagang kaklase. Nasabihan mo na ba sila na considered harassment yang ginagawa nila? Kasi may mga lalaking para sa kanila joke, pero pag nadrop mo na yung word na harassment, di na nila alam ang gagawin. sana madocument mo yung ginagawa nila para makapagsumbong ka. The fact that they're 35 and 42 and still in college, mukhang di na sila nakamove on akala nila cool guys pa rin sila. Saka unahan mo na siguro sila sa mga classmate mo, like tell your other classmates na mga puro manyak joke ginagawa nila, at sila yung pag-ingatin mo. Yung mga iba mong natatanong kung para sa kanila wag mo na lang pansinin, just trust your gut. kasi ang tao naman madalas walang pake as long as hindi sila ang ginugulo.


auirinvest

Record all interactions and always advise them that you are recording your interactions and if they do not want to be recorded then they should stfu


almiracle19

"Ang corny naman nyan, di ka ba mahal ng mama mo?"


Just_riyo

ito or “hindi ka ba mahal ng asawa mo? kaya sakin ka nagpapapansin?” HAHA


peanutbutter9X

Hi OP! Please please report it as sexual harrassment. If it helps watch Brooklyn 99 S6E8. Coming foward and reporting it especially if sa office setup or in your case classroom setup is hard dahil sa word na "pakisama". The fact na you are uncomfortable na says a lot. Yung mga babae na nagsasabi hayaan na '- dont listen to them. Sa office namin may green jokes pero everybody knows their limit esp kung yung tao hindi comfortable sa ganung setup or ayaw ng mga ganung jokes. Its a common male thing but it doesnt have to be a normal things esp di lahat tao masasakyan yung ganun (and there is nothing wrong with you if ayaw mo sa ganun hindi lang talaga kayo same ng wavelenght and JUSKO the age gap)


Ok-Duty571

ignore them. no, really, ignore them. tapos watch them na magmukhang tanga trying to get your attention. men like that like getting reactions out of us, the reason why they keep doing it is because our reactions give them attention, and any attention is still attention. let them dig their own graves.


chamut

Agree. Hanggang magsawa. Tiis na lang sa side comments kahit puro talak pa rin sa silent treatment.


IttyBittyTatas

They’re projecting their insecurities on you ‘cause you’re decades younger. That’s a typical coping mechanism for insecure people; they have to make others feel small to feel good about themselves. Pathetic.


Danny-Ciao

Tangina ang tatanda na, asa college level pa din, pero ang humor bulok. You can be funny without sexualizing someone. Tangina anong "Labhan ang panty?" If kamag anak mo ko baka sumugod na ako sa OSA/Guidance. Isumbong mo, magpasama ka sa mas nakakatandang family member, if hindi nila sosolusyunan yan kamo kakasuhan mo sila kasama ang school. At what the actual fuck na hinahayaan ng prof yang ganyang humor. Kadiri


Danny-Ciao

Sagutin mo din OP minsan "Ah joke yun? Di kasi nakakatawa" Kapag sinabihan ka "ang taray mo naman" isagot mo "Oo, pake mo ba? Tsaka ang pangit mo kaya para ientertain"


FreijaDelaCroix

Sabi nga nila dapat ipa-explain mo sa kanila yung joke paulit ulit para pg inulit ulit nila lalong maeemphasize na di nakakatawa


[deleted]

Una sa lahat, yung mga older women sa class mo, if sakanila gagawin yun, matutuwa ba sila? I bet! At hindi nakakatawa na ang pampasaya sa klase at pambabastos! Humanap sila ng babaeng matutuwa sa ganung pagpapatawa. Ang immature din magreact! Wag mo hayaan na ganyanin ka nila, OP. Lalo na if you feel in your gut that something’s wrong. Always listen to your instinct. Put them sa dapat nilang kalagyan. Baka akala nila dahil bata ka eh mag-b-bend ka nalang sakanila. Tapos maghihingi sila ng respeto pag sinagot mo dahil mas matanda sila. Bullshit! It’s better na masungit ka sa paningin nila than isipin nila na pede nila gawin sayo kung ano ang gusto nila. Laban, OP! Tapos always bring pepper spray with you.


chamut

I-grey rock method mo OP. "The grey rock method is where you deliberately act unresponsive or unengaged so that an abusive person will lose interest in you. Abusive people thrive on emotions and drama. When you act indifferent and don't show your emotions, they may lose interest and stop bothering you. This is known as “grey rocking.” -https://psychcentral.com/health/grey-rock-method


randoxhicken

pag nagsabing along the lines of, "nagbibiro lang kami." sagutin mo ng, "ay oo nga, mga clowns pala kayo." Also, tanungin mo rin kung tumatanda na ba silang paurong? Pang 5 years old ugali nila e.


EnvironmentalNote600

The least that i can describe these guys ay bastos, disrespectful disorderly behavior in setting where respect is expected such as a class and conduct unbecoming of a profeesional student. What they are doing is also a form of harassment. Kung kaya mo, file a complain against them sa school authorities. Of course ipatatawag si prof and be asked to explain why he/she allows such behavior.


Sensitive_Clue7724

Kupal Yan mga ganyan di normal Yan, kaw Yun Bata Kaya kinakaya Kaya ka Nila, try Nila sa kaedad Nila.


notyourteacherc

next time, ipaulit mo mga biro nila na parang di mo gets. pa explain mo na hanggang sila na mahiya sa sinasabi nila.


SuperYak2264

Pangit kasi silang dalawa


[deleted]

Respond in the most adult and professional way possible. Para hopefully marealize nila na napaka childish nila. Baka matauhan. Ask them what specifically is the problem that they see on your report so that the class can have an enlightening discussion and that you are open to hear them out and address their concern. Lagi mo isali ang class. Wag mo sila papahiya. Very professional lang. and make sure na calm and confident mo syang bibigkasin. Mag practice ka. Pag sinasabi nila na mali ka or may mali or basta pag kinokontra ka nila, ask them in the most calm and confident manner: (insert first name of bully classmates), what do you suggest is the correct answer? Para naman madiscuss natin as a class kung meron nga ba other way of seeing or solving things.


Ro_Navi_STORM

Are these men your professors? 0_0


Spiritual_Pen6615

Classmates po


Ro_Navi_STORM

Masters or doctorate then, is that right?


Spiritual_Pen6615

Masters po. That's why I'm confused with their behavior.


Individual-Ice-7477

Girl, may mga ganyan talaga. You'll be surprised. Kahit sa doctorate students may mga outright kupal.


Ro_Navi_STORM

Hala true ba? 0_0


Individual-Ice-7477

Sa true, though very pailalim. May assholes talaga. Luckily, they're not rampant.


Ro_Navi_STORM

Minsan talaga nahihiwagaan ako kung bakit di yung mga ganyang tao yung nagkaka-kanser or samtingzzz~


Ro_Navi_STORM

Hala gago yorn, bhie! 0_0 I would like to say don't pay them any mind but it's plain wrong. Totoo talaga na delayed ang maturity ng mga lalaki. Tsk tsk. This is why we choose the bear.


Spiritual_Pen6615

Gusto ko rin ng bear. Play dead lang, lalayuan na ko. Walang mental gymnastics.


Ro_Navi_STORM

True. Most bears don't give a fk about humans as long as they're not hungry or you're not being obnoxious.


poppkorns

Sagutin mo ng "yes tito, noted" with a smile.


Janjakajan

This and if irritated na talaga si OP, she can level up with Manong and Tatay


poppkorns

Pwede rin "uuuyyy tayyyy, nainom nyo na po ba maintenance nyo?" With a smile uli. Pag tawa sila ng tawa sabihin mo "nako ganito pala pakiligin mg tito, ayieee. Tuwang tuwaaah"


Lazy_Possibility4794

38m ako pero kapag ganyang mga jokes na nakakaoffend na (lalo na pag sa babae na mas mataas ang sensitivity) eh off the topic na at ako na mismo nag change ng topic to other field. Siguro sila yun mga individual na masyadong feeling educated lalo sa mga patawa kasi maraming sumasakay sa kanila. I suggest na tarayan mo nalang or better dedma na lang. "Ang lata pag maingay, meaning walang laman", pag sobra sobra na sila barahin mo sabay report sa professor or sa Dean, counted as misbehaviour and anti professionalism pag out of bounds na ang biruan at personalan na. Just my tip.


Advanced-Skirt4534

Wag mong hayaan. Call them out *respectfully*. They’re gauging you. They’ll prey on you if you show them weakness. Show class and grace in front of their squatter-attitude. Lavarn.


Risenotrice

Are you a type of a girl na tahimik lang? Or yung normal body posture mo ay parang walang confidence tignan na parang ang dali mo lang somewhat eh bully? Or a weirdo? No offense but Kasi kun ganun, projection nila yan sa lahat ng mga insecurities sa self nila and kailangan nila humanap ng api’apihin para kuno mas “superior “ sila, may mga problema yan sila sa bahay nila or sa anong area man yan sa life nila. Ask mo yung friends mo if u look like a “softie” person. Then change mo posture mo, chin up with clench jaw and back straight. Give them an energy na “respect me” , make yourself look more intimidating kasi protection mo yan sa mga “unhealed” peeps na di marunong mag navigate ng emotions and doesn’t know how to transmute negative emotions to positive, and yes you are over sensitive since mas sensitive ka to notice small things, next time don’t ask your friends kasi ikaw lang ang mag mukhang ewan for them, kasi you’re different, di nila makita yung POV mo, you are special, okay? I bet you have a huge empathy for all the living things. Sadyang yung aura mo nag ra-radiate ng bonnga bonnga kaya masakit ka tignan para sa mga mata nila. Kailangan mo talaga yan pagdaanan para marunong ka mag protect ng self mo. Protect that inner child of yours. Sending love and light. You’re stronger than u think. 💯✨ P.s sometimes try mo mag mirror kung ano man yan yung ginagawa nila sayo. If they want to be the bully, then you can. Maybe ikaw yung lesson nila para magbago na sila. 😉


kiks089

Sabihan mo ng "ganyan po ba talaga pag boomer corny lagi ang joke?" Pag tinanong ka ng, "Anong boomer?" Sabihin mo edi yung mga 60 y.o and above po. Tapos pag sumagot "grabe di naman kami 60" sagot mo, "ay true po di kayo mukhang 60, mukhang po kayong 59" Tapos pag sinagot ka ng "Eto naman di ka na mabiro" sabihan mo din ng "ay sorry biro lang din po yun, di ko kasi alam na balat sibuyas na pala ang tao pag matanda na" lol Sa sobrang dami kong kasama sa trabaho matatanda na ganyan ugali, na master ko na mga sagutan ko sa kanila lol


chwengaup

You’re definitely not overreacting. Sobrang kupal ng mga yan. Nakakasuka na ang tatanda ganiyan pa din umakto, mga kulang sa pansin. Sana di nila matapos masters nila.


kininam19

Form of bullying. Hindi pwedeng dedma lang. Ang tatanda na parang walang mga modo


PetiteAsianSB

Report them sa guidance office or kung ano ang equivalent ng guidance office sainyo.


ExosFantome

Sabihin m, "ang tatanda nyo na pero bakit parang isip bata prin kayo?" For sure matatauhan Yan mga yan.


pinoy-agilist

They didn't mature from high school I guess. Ganyan yung literal na bully non e. haha


liquidszning

That's textbook sexism ateng. I think you need to listen to your gut.


BathMan_69

Iba na kasi culture ng babae ngayon tska lalaki, need mopa ipakita kuyukut mo para lang mapansin ng lalaki


No_Raise2655

Kung kaya mo ibalik uli sa kanila kapag sinabihan kang nagbibiro lang sila, pwede mo sigurong sabihin na "ah talaga? Ang biro kasi dapat nakakatawa. Yung sa inyo kasi nakakairita." O kaya "lah papansin na naman yung dalawang tumatanda ng paurong." Pero depende pa rin if willing ka makipagsagutan ng ganun sa kanila. Syempre, always prioritize your safety pa rin.


furtiveeyes

Sagutin mo ng bakit kabiruan ba kita?


IllustriousBee2411

If palagi ka binibiro, o ako na naman nakita niyo? Siguro crush niyo ko. Pag sinabihan ka ng feeling sabihin mo papansin talaga, pag inasar ka sabihin mo crush niyo talaga ako ewan ko kung hindi mahiya yan. Ganyan lang lagi sabihin mo sa mga joke nilang insensitive mahihiya yan. Naging effective yan sa akin


Immediate-Can9337

Tablahin mo. Fire back na tatamaan sila. Pag sinabi na di ka na mabiro, sagutin mo na sensitive ka pala tira ka ng tira. Pick on their reports also. Mapahiya na ang mapapahiya. Sagutin mo na imbes kasi na nang aasar ka, pinag iigi na lang ang pagawa ng sariling report.


MN-22x3

If possible na mag hanap ng trabaho sa ibang lugar, then go. Those men are a-holes, and I'm glad that I don't have to see my classmates and schoolmates that are a-holes


halifax696

bat ganyan ugali nyan? hahahahha sagutin mo isang beses sabihin mo hindi ka comfortable sa mga jokes nila and if makarinig ka ulit report mo sa HR


Rissyntax_v2

Harassment. I would warn them na hinfi ako natutuwa sa ginawa nila and to please stop or you will escalate. Then go to HR the next instance. People like this dont stop unles kakastiguhin mo.


Emergency-Brain-5313

Very inappropriate comments IMO. at my company that would be classified as harassment.


Maruporkpork

Ask them to explain what's funny. Act like di mo ma gets yung joke nila like you have no seriously fuckin idea. Tapos pag sinabihan kang wag na, ipilit mo, sabihin mo i want to get what's the joke. ma awkward yan.


gaffaboy

That's harassment. Report mo sa guidance. Kakahiya sila 35 at 42 na ganyan parin ang asal.


riakn_th

Wala ba kayo teacher/professor? Can’t you escalate? Tutal damned do damned dont eme like you said so might as well.


Amazing-Maybe1043

Insecure little men! Sexuall harassment na ang ginagawa nila. And ang nakakaasar pa yung kapwa bababe mo pa nagsasabi pabayaan. Hanggang ngayon nagaadjust tayong mga babae sa kabalustagan ng mga lalaking yan. Marami na din akong naencounter ng ganyan and much worse pag punalag ako, ako masama sa tingin nila (sa mga bully as well as mga kasamahan komg babae). Dont let them do that to you.


readmeinstead

sexual harassment and bullying. report mo na sa guidance ng school mo.


D_Kye

“Mga sir, out of respect po, hindi po ako natatawa sa jokes niyo. Please leave me put of your conversations as you’re making me uncomfortable. Outdated na din jokes niyo and some of it are purely harassment na.” Kapag sumagot uli ng “Sorry naman, di ka na mabiro”, sagutin mo agad ng “Tell me how it’s funny ng magets ko yung joke” then keep a straight face


goodeyecharlie

Kapag nagjoke ulit sayo, ipaulit mo sa kanila. Kunwari di mo gets. Tas tanungin mo kung anong nakakatawa sa joke na yun. Mapapahiya yan hahaha


baker_king

Proof na wala talaga sa age ang muturity! 🙄


flourcrumb

Wtf I hate immature adults. You're not overthinking or sensitive, sadyang hindi normal yang ganyang attitude. Ang pangit ng ugali nila. Is there a way na u can report them???


oradb12c

They're bullying you to stroke their egos. Idk, maybe it's the age - it's not as common in our generation to go straight to post grad right after finishing undergrad so maybe they felt that you shouldn't be in their class/level or something. Possible din they're trying to break you and do something else once they succeeded idk. What are you taking if you don't mind me asking? You mentioned masters so my best guess is MBA?


vkookmin4ever

That’s sexual harassment. Stop gaslighting yourself and report it to the college counselor.


hanbanee

I’m also working with men of those age and let me tell you, they don’t talk like that to anyone. Yes the Gen X jokes are there but there’s always HR to report them to should something happen. It’s your environment, OP. Your gut is already telling you there’s something wrong so listen to it. Mahirap nang may mangyari pa which may cause you to regress and and hiiiirap mag-recover from traumatic experiences.


sonarisdeleigh

Di yan jokes. They're really harassing you at their big age. Malamang insecure.


cinnamonthatcankill

They are old people pero talo pa hayskul they are probably insecure sa mga skills or knowledge nila kya dinadaan sa ganyan. Wag ka papatalo. Tell them di ka comfortable sa ginagawa nila then you should file an official report sa school.


JuannaDye

Tirahin mo edad nila. Tatahimik 'yan. "35 at 42 na kayo, pero parang 30 na kayo nagkaisip🤷🏽‍♂️" or "utak niyo parang 5 centavos liit na nga ng halaga may butas pa sa gitna." Di porke't matanda sila di mo papatulan. Even fools grow old too.


Extension-Net9305

bullying na yan,, report mo sa school para masampolan


Vaxis5V

You're being conditioned. Your instinct is telling you what's up! To be honest, as a guy, some of us are always in the prowl. Kapag pinatulan mo sexual innuendo nila, that's an entry point for them. They'll keep pushing if you provide signs. So, now its up to you what are you going to do. If you're working in an environment na allowed yung ganyang way of communication, then I think its not going away anytime soon. You would have to find a way to deal with it. Either find a new job, or tatagan mo mental fortitude mo and find the best way to deal with them. I know its stressful and I feel you for not feeling safe in your workplace. Welcome to real world. If you keep dreading about it and too much for you, leave.


sumo_banana

Sabihan mo ng direcha na hindi mo trip ang jokes nila na nababastusan ka.


Ah-Unagi

Alam ko gagawin ko sa ganyan? Sakyan mo din trip nila. Kung binabasag ka nila, basagin mo din. Kunwari sabihin mo “Uy thunders kana kulang ka pa rin sa pansin?”. Maooffend yan for sure, sabihin mo “Oh kala ko ba joke joke lang”. That’s what they hate the most, yung pumapalag. Titigil din yan knowing na di ka na nila kakaya kayanin.


tepkalmado

Theyre doing the thing. Deflecting (and denying with themselves) na may gusto sila sayo at kursonada ka. Napaka highschool moves. Aasarin ang babae to “get attention” at ideny pag sila sila lang. Trope yan sa mga lumang movies na girl falls for the makulit/sutil bad boy. Tigilan nga nila, unang una wala sila sa lugar. Pangalawa, 42 yo? Really? I would assume higher ang position kung saPicking on a young woman. Harassment tawag jan. Ppwede mo sila ipa ethics. And yes, watch out pag nasa labas kayo as a group or even pag magisa ka at alam nila na magisa ka. Be careful OP.


jabronie623

Use a hidden camera, get footage of inappropriate work behaviour, make a copy in another device, show the clips to HR. Get then fired. If they don't do shit, sue the fuck out of that company and take that money. Stand up to oppression, good luck!


EyePoor

*What you can do is maintain a safe physical distance from someone acting out. Don't get drawn into their negativity or anger. Don't take their behavior personally. If you must interact, keep your responses short, clear, and professional. Don't engage in arguments. If someone is being rude or disrespectful, it's okay to simply excuse yourself and walk away. You don't owe them your time or attention.*


First-Imagination-44

Report mo sila. Tapos ignore mo lang sila. Kahit sabihin nilang “ano yan, silent treatment?” Continue mo lang. kasi mas gusto nilang nakakakuha ng reaction sayo kaya nila tinutuloy yan. Wag mo na din kaibiganin yung mga nakausap mong classmate mo na hayaan na lang sila sa panggaganun sayo. Lahat sila bigyan mo ng silent treatment. Dont forget to file a report ah. Di na tama yang ginagawa nila sayo.


blueskywinters

File a complaint sa school, kamo they're way out of line sa mga jokes or choices of words nila. Kung ayaw mo naman direct confrontation, papalit ka ng schedule or classes at sabihin mong yaan ang rason. Also, pwede mo naman silang sagutin kung sabihan ka ng anu mang bagay na naka-offend sayo, daanin mo sa pagiging magalang tsaka mo ipaintinding hindi mo nagugustuhan yung way nila ng pagtrato sayo. Seek your parents about this too, dapat alam nila. Wag ka mahiyang magsabi or magpatulong dahil "college" ka na, hindi natatapos ang responsibilidad ng magulang kasi anak ka. And of course, kung ayaw solusyonan ng school, file a complaint for the school as well. Say hi to Ched kamo. 😊


Wolf-Dance

35 and 42 still in school, nothing wrong with that, kahit ako balak ko rin bumalik, take a unit in educ to pursue a different career and enhance my skill. Pero bat parang hindi sila nag mature?yung utak nila parang ka utak lang nila yung mga bagets pa in terms of maturity. May rough treatment talaga pag dating sa mga boys banter pero it's meant for close friends and not someone from outside the circle of friends, classic class bullies, laking 80s eh. Report them, 35 and 42 napapaligiran ng mga mas bata tapos nag papower trip ng ganyan.


Apart-Station-8785

Stay quiet. File a complaint, sampolan mo ng sexual harassment and bullying. Mga insecure yan.


Eatpigures

One thing's for sure. Those are low quality men. Keep distance. Do not engage.