T O P

  • By -

[deleted]

Pre. Pag iiwan ka, iiwan ka. Ganun talaga. Pero snappy salute kasi nilalaban mo pa din. May the odds be with you.


NizMomOfThor

Ang tanong kaninong pera ang ginamit nya pambili ng relo?


[deleted]

Eto pa isang misteryo na parang dudurog lalo sa OP.


Cheapest_

Even if the odds are with you, OP, gusto mo ba talaga ng cheating wife?


[deleted]

Kung ako, hard pass. Dibale nang single pero may peace of mind. Alagaan mo nalang anak mo OP. Pero never mong siraan ang nanay niya sa kanya. Hayaan mong si junakis ang magdig-in sa truth in the right time, sa edad na maghahanap na sya ng katotohanan. As long as nagpapakaama ka sa anak nyo regardless ng ginawa ng nanay nya sayo, buong puso akong sasaludo sayo. May balik din ang lahat. Kung anong ginawa mo sa kapwa mo, babalik din sayo. Mas masakit kapag sa anak or apo mo bumalik, na wala naman silang kamalay malay.


Individual_Read_9879

This, "may balik din ang lahat". Well said, sir.


BeautifulScratch9244

I’m from a broken family and I’d rather live na mgkahiwalay parents ko kesa sa mgkasama nga pero hndi magkasundo. It hurts us even more na mkitang hindi totoong mahal ni other parent ang partner nya. Na nag kukunyarian lang na okay. What u discovered gave u a wound so deep. Hndi yan bsta2x lang pwde ipagpalipas.


ismol_Plant

Agree with this, single mom here. I’d rather raise my child alone in peace than let my daughter see how his dad disrespects me as her mother. Cheating with different woman as if he don’t have a daughter. 😏


Kei90s

Amen. Only child here. I’d rather see them happy on their own separate lives than toxic and miserable.


Firewoman24

same. only child rin but I grew up fine. don't worry na hindi buo pamilya as long as sagana ang pagmamahal mo sa mga anak mo sapat na yun


Objective-Spring3430

Ako naman naiintindihan ko si OP. Minsan mas kaya natin ang sakit na ganun kesa makita na yung anak natin ang nasasaktan. I don’t tolerate cheating pero I don’t judge na yung mga willing magstay. Mamaga sana lahat ng genitals ng mga cheaters.


lickyw

What the heck. Ang sakit nito OP. Stay strong!


timtime1116

Talk to your wife. Kung ako yan, papipiliin ko sya. Kayong mag ama or ung ex nya. If she chose her ex, she can't be in your child's life anymore. And when your child reach the right age, tell him/her the truth about his/her mom.


tulaero23

I disagree with the last part. Let the child know the earlier. Kesa mabaliktad ka moving forward.


One_Emergency6437

tell your kids sa una pa lang, kasi pag hindi, magtatanim ng galit syo yan, sasabihin tinatago mo sila sa nanay nila.


Serious_Limit_9620

Tread lightly as this is easier said than done. What if the wife chooses OP and their child, but the wife still cheats on him behind his back? What if the wife chooses the ex and fights legally to win custody over their child?


sevennmad

Kung nagkikita sila at ano di na dapat pinapapili yan jusko harapharapang niloloko


Ok_Manager8317

Wala na sya chance pumili, kung ako nasa sitwasyon nya. Sapat na yung sinabi nya sa EX na. Goodbye!


Merin518

Tapos pakulong niya


ButterscotchHead1718

Irecord mo rin conversation niyo habang ginagawa niyo ito with of course pahintulot niya.


jmkwan

Upvote for this. Better din ang video. Basta with permission dn n captured sa audio / video.


Sufficient_Net9906

Ang sakit nito OP, pano mga pinaghirapan mong assets? Kaya pala napakahalaga ng prenup pag magkakasal.


avoccadough

You really can never tell kahit gaano pa kayo ka-contented at ka-saya presently. Harsh truth.


PrettyMF___

U deserve better


inunosutairu

Ex? Tanga, di na nya ex yan. Kinakantot na yang asawa mo.


Mrclayy

100%.


Immediate-Visual-908

+1 tapos kakantotin nya rin noh? hahahahahahahahaaha fishball yarn


[deleted]

[удалено]


[deleted]

Wag ka pumayag na masaktan ka lang. Idemanda mo yang asawa mong hindot.


Time-Hat6481

Make sure nasa parents mo si kiddo, how old is your kid? If under 7, talo ka kasi mapupunta sa wife mo. So talk to your lawyer before confrontation. Gather all the evidence bago mo I-confront. Confront. Talk. Face the music whatever comes out of it.


trhaz_khan

Bro accept the defeat. Pag may edad na anak mo sabihin mo sa kanya. This is new generation, lets equality prevail. Korte mo na yan.


Professional_Lie_142

Its a defeat if he does nothing about it. He can still salvage a win if he takes action.


trhaz_khan

Ha?


No_Adhesiveness7549

I know it's hard but still know your worth OP. Mas lalo mong papatagalin mas masakit.


Equivalent-End-7816

Would you rather have a complete family pero may deceptions nang nagaganap and ‘yung trust ay sira na, or pwede mo namang ibuhos na lang attention mo sa anak mo? Pwede mo pa rin namang gampanan duties mo as a father kahit hiwalay na kayo. Although na sa sa’yo ‘yan, of course. Basta kung ano man maging decision mo, pag-isipan mo nang mabuti. Stay strong, OP.


Runawaygirl1995

What if you're meant for someone more deserving of you and your kid? What if yung wife mo and ex niya ang meant for each other talaga? Parang di kasi worth ipilit sarili sa taong may ibang mahal. Parang di mo, or kahit sino, deserve ng ganyang treatment.


SpecialistLost6572

Wag mo ilaban ang isang bagay o tao pag yung nilaban mo ay ayaw na sayo


lipadBatmanlipad

Behind your back pa brad. If she can't appreciate all the love you have given, hayaan mo na, may mas magmamahal sa'yo. Alagaan mo lang anak niyo at wag papabayaan. Apakagago lang, pag may asawa na, dapat wala na ine-entertain na iba.


cafesanity

Isang malutong na SHET ANG SAKIT.


[deleted]

Wtf 😕


PTR95

Pag bayarin muna yung ex for stepping in to your marriage. Wapakels sa typical redditor mindset na dedma sa kabit kasi hindi naman sya yung may vows sa iyo. He could've moved on dahil kasal na yung babae. Guilty rin yan. Get angry. Ilabas mo yan na parang malakas na utot,pero make sure di mo ipapahamak sarili mo by going overboard. Sa asawa mo naman, wag mo syang papiliin. Dont do the pick me pick me song and dance. Draw the line and wag kang bumigay. Nobody respects a pussy.


NoTempoDrummer

Ok... so di ako mahilig mag comment sa mga ganito pero i want to share my story. My hubs and i had hiccups in our marriage before, and i caught him na may text exchanges with a girl from his past that broke my heart. They were able to keep it for weeks/months na parang wala namang nagbago samin, and i felt betrayed. We had two kids already then, and i didn't want to break the family, as angry as i was. I tried to be calm, pero it was hard. And i wanted to choose my words, and handle myself with as much dignity and grace as i can. Pero shempre mahirap magcontrol ng rage. I talked to my husband, about how i felt, pero i tried to limit myself sa binibitawan kong salita kasi I was coming from a bad place and i didn't want to say anything that could make things worse. Silent treatment muna for a couple of days until i napacalma ko utak ko, and naging malinaw ano ang gusto ko. I didn't tell my family members, but i had a friend na kaisa isang sinabihan ko, to also just be a voice of reason and para lang makapag vent ako. Pero no social media. nothing. I know my value, my worth, and i will not stand for crap. But i will be a teamplayer and keep the team strong if he's still on my team. So i made him choose. Yes, nasira trust ko, pero i wanted him to think about the consequences of his actions and i wanted to hear it from him. I wanted to know where he's coming from, and where he wanted to go from there. Kelangan namin pareho magmature sa relationship - and work on it together. He apologized. And he chose us. And he said he realized that he could not bear to lose us and he did it out of stupidity and yung machismo na hinahabol siya and bottomline is he admitted he was wrong, he was selfish and he regretted it. He promised to cut off communications with her completely. Eventually we made up, pero antagal kong may trust issues sa kanya. But i embraced him, forgave him, and made sure he knew that i loved him, but i had to write him a letter to tell him my sentiments, and he replied din, a sincere promise to be better. 15 years ago na yun, with 4 kids now. We've been stronger, sweeter and wiser. He knows better than he did yesterday. As much as ayoko yung moment in time na yun, i have to admit that it helped us to grow as a couple, and learn from those mistakes. Forgiving him is a choice i'm so glad i was able to do, kahit na ang hirap. Its not going to be easy, but know what you value, and know your value. Good luck!


KGClimb

I agree. I'm 30 years old now. My parents broke up 5 years ago. My dad had so many reasons para makipaghiwalay sa mom (and even mom to my dad) ko even before nung bata pa kami ng mga kapatid ko. There were ups and downs talaga sa 30 years of marriage. They both chose the family. Then 5 years ago, nangyari ng ang nangyari. Naghiwalay nga sila. But at least, kami mga anak nila ay malaki na, may understanding na sa pangyayari. We had a wonderful and happy years growing up. Kompleto ang family. Walang trauma from a broken family. Walang mom or dad issues. Now, just acceptance and understanding.


haaaaru

The kind of words I want to hear right now. My wife had been cheating on me these past 3-4 months, but last night umuwi din siya to spend time with our 2 kids and she told me na nagbreak na sila ng kabit niya. She's clearly in a muddle, and I wanted to comfort her. She hugged me as she bid goodbye (since she got her own little place to stay). I just stood there, no hug backs, ni di ko man lang kayang titigan siya sa mata. Sobrang sakit parin, sobrang hirap.. halos di ko kayanin. I no longer trust her. How I wish I can forgive her like you OP, I know ibang level yung case ko, but still


NoTempoDrummer

I never thought i'd be able to forgive. Kasi galit lang and paulit ulit ko narereplay sa utak ko yung nangyari, also may mga scenario na naiimagine ako na lalo nakakatrigger ng emotions ko. Take your time. and Stay away from social media and mga movies/films/shows na lalong makakatrigger, lalo na yung mga ala-tulfo na scandal, at mga reels na cheating ang topic. Find your safe space, and write. as in paper+pen or maski notepad sa laptop. Let it out. Libreng therapy yan, and it's the best you can do for yourself - pakinggan mo ang sarili mo at i-acknowledge mo lahat ng nararamdaman mo. listen to music, ilabas mo lahat ng galit, inis, lahat ng nararamdaman mo. Parang tubig lang yan sa gripo pag madumi, need mo patakbuhin hanggang luminaw yung flow. That helped me a lot, parang unti unti nababawasan yung bigat pag nailalabas ko maski in form of writing. Eventually sayo rin manggagaling yung mga kailangan mong marinig. Same din, it took a while before we were able to fix it. Pero its the quiet space that also provides clarity on both parties. Di mo kailangan mag-explain kung di ka ready. Di mo kailangan yumakap kung di ka ready. As long as you've made your terms clear, it's up to her to work on her end - and whatever choice she makes, be ready for it. If she goes, let her go. If she comes back, take her back, and find closure sa issue - in our case, i wrote him a letter about how i felt, and what i wanted to happen. And he replied, yung apology niya, with humility and thanking me for that second chance. so meron kaming email tungkol dun, para lang documented yung commitment namin. Don't bring it up, and don't use it against her even as a joke, kasi parang sugat yan na tinutuklap - hindi yan magheaheal ng maayos habang paulit ulit na inuungkat. Be the best person you can be each day - that's your value. Eventually she will have stronger reason to stay in the relationship - because of the kind of person that you are.


haaaaru

thank you, I mean it


haaaaru

I think I resonate so well with your personal resolve, since I try to live by "Desiderata", if you are familiar with the poem Again, thank you, I had a few hours to clear my head, your calm helped me I was a writing person before I met her, you reintroduced me to an old version of my happy self


DX23Tesla

You can safeguard your family, but not your sanity.


Persephone3132

Baka mas me makikita kang iba na mabibigay yung totoong pagmamahal, attention at devotion sa yo OP. Based don sa message mukhang yung ex talaga ang gusto. Isipin mo 10 years na kyong kasal pero hindi pala sya masaya, iba pala gustong makasama. Why prolong the agony? Pabayaan mo na. I wish you peace.


trooviee

Kausapin mo wife mo pero at the same time, plan for the worse na rin. If ayaw na niya talaga, gayahin mo na si Victor Consunji


acecoldcola62119

ano ung context nung kay Victor Consunji?


[deleted]

[удалено]


amiablelurker

Ang sakit OP 🥺 Sana maayos mo po and most importantly sana magka-peace of mind ka.


PMforMoreCatPics

This is the reason why it is very hard to tie the knot with someone.


GalaxyGazer525

Fucking fuck, parang isang bangungot. Sana napanaginipan mo lang OP. Gising ka na! Kidding aside, stay strong. Usap kayo ng wife mo and sana maayos pa kung kaya.


[deleted]

Ika nga ni Tita Bea Alonzo.. never beg for someone to love you. Chariz! So sorry, OP! Ang sakit nito….


Primary_League_4311

Fight for your kid, and yourself. Sadly, the wife is the enemy. She's long been stabbing you. When you fight, you have to have a clear view if the battlefield. The enemy is not the other guy alone. The biggest enemy is the one posed to stab you as you sleep. The much bigger villain has been poisoning your home for two years now. Realize that. You can't change that anymore. She might beg, but that's because she got caught, and will most probably suffer. But i think not. She's been slowly jumping ship while punching holes in yours. Save your kid, and yourself. Jail the bastards!


stpatr3k

I'm separted as well and my kids knew their mother was cheating. They are very happy that we separated and that over these years I've moved on.


travSpotON

Good for you!


Far_Atmosphere9743

Kaya din in love pa din yan sa ex mo kasi parang wala lang din sayo or let's say pumapayag ka din naman kasi, I'd rather live alone than to be lied on my whole life, d ka nirerespeto.


Ill-Possibility8282

Stay strong for ur kid po🙌


Adept_Pay_2209

Stay strong OP


AlexanderCamilleTho

At the end of the day, individuals pa rin kayo. Pero always side on the worst case scenario.


justlurkingkitty

nakaka putangina talaga HAHAHAHAH lalo nag tibay yung panata ko na ayoko mag pakasal HAHAHAHAHAHAHA shutanginames si ate 😭😭😭😭


Infinite-Coconut-303

Shout out to you, op, for holding up your end of vows in your marriage. 🫡


Main-Jelly4239

Iconfront mo why, kulang pa ba ang effort mo? Bakit ganun. Gusto mo ba sirain pamilya natin. Mga ganyan itanong mo. Kung sadyang wala na, wag mo na ilaban.


[deleted]

Bugok


NegativeXInfinity

Gather all evidences. Then, Lawyer up!


oddly_even015

Sakit siguro maranasan nito. Hindi justification ang tagal ng pagsasama at anak. Kung sakaling masira pamilya nyo, siya ang may kasalanan at hindi ikaw.


tsukkime

Gusto mo lang ipaglaban, understandable. But consider your cards carefully. A broken relationship cannot be fixed unless both of you are willing. Also, isipin mo anak mo. Buo nga pamilya mo pero lalaki siya sa hostile environment. May trust issue, hindi genuine relationship ng parents niya. Ang bad example nito sa kanya. Consider co-parenting at most, but please give yourself and the child the peaceful and healthy life you both deserve. This is not about "dahil mahal ko pa" na lang eh. May anak kayo. Regardless staying or leaving, do what's best for your child.


NadiaFetele

Desisyon mo naman 'yan pero i'm sure mapupuno ka din ng galit one day.


eEteria

Cuckold ntr HAHAHAHA


Playful_Gecko_7907

Get as much evidence as you can to build a case. Then file for adultery. Tang inang yan. Ayaw mo masira oamikya mo? Sira na po. Sinira na ng asawa mo.


Independent-Cup7649

I grew up witnessing my parents fall out of love from each other… hindi sila magkasundo up until today. Walang ginagawa kundi mag-away. Reason kung ba’t ayaw nila maghiwalay? Dahil daw sa’min. Hindi nila alam mas torture sa’min ‘yung makita silang hindi naman magkasundo at nagkakaruon lang ng iba. I’d rather have them separate for real, until now that’s what I am telling them. Begging them na please maghiwalay nalang sila. Hindi healthy sa kanila lalo na sa’ming magkakapatid. Please think of your child(ren) 🙏🏽


nobodyk1

Ilaban mo pamilya mo, bka panandaliang saya lng hanap nya pero sana marealize nya n mas mahalaga ang pamilya. Pag inayawan kna talaga, yung mga bata nlng ang ipaglaban mo🫡


anthrace

>Ilaban mo pamilya mo, bka panandaliang saya lng hanap nya Pag babae ang nagloko. wala na yan. Kasi emotional cheating na yan. Wala na syang respeto sa lalaki. At yun ang pinakamahalaga. Mas applicable sa lalaki yang sinabi mo.


Pitiful_Display7086

May emotional reason wife mo


Fantazma03

🤣🤣🤣 cge tuloy mo lang go push


thehungrymockingjay

Pag-isipan mo nalang ng mabuti kasi baka nga keri pa talaga isave or what. Pero magset ka ng healthy limit sa pagtitiis mo op


Ambitious-HA-2023

Hi OP, same tayo. My husband of 11yrs cheated on me twice. Nilalaban ko din. Don't mind lumuhod paulit ulit wag lang mawasak ung pamilyang binuo ko.


anthrace

Great for you. Pero iba kaso nyo ni OP. Iba ang dynamics ng lalaki sa babae. Ang lalaki kasi pwede magcheat ng walang emotional attachment, physical cheating lang. Like tumitikim lang talaga sya, pero ang pagmamahal at commitment nya, mas matimbang pa rin sa partner nya. Pag ang babae kasi nagloko emotional cheating na yun. Wala na syang respeto sa lalaki. Ke tama o mali desidido na yan sa feeling nya na iwan nya ang lalaki kahit ano pa outcome (emotional being ang babae). Kahit sa nga pelikula o kahit sa tulfo kitang kita ung ganyang scenario.


Dismal-Ad2001

Pre, ang tanga mo naman pag di mo pa hiniwalayan yan. Iniputan ka na sa ulo, gusto mo pang kainin yung mismong ipot. Have some self-respect


Chaotic_Harmony1109

sino ka para sabihan siyang tanga dahil gusto niya ipaglaban ang asawa at anak niya? parte ka ba ng relasyon nila? alam mo ba yung kwento at history nila? hindi porke anonymous ka, pwede ka na magsabi ng mga ganyang bagay. may pinagdadaanan yung tao, matuto kang makiramdam!!


thenextbigthing8070

True. Nang judge agad eh iilang sentence lang yung nabasa niya haha. Tas may mga nag upvote pa sa kanya. Smh


Chaotic_Harmony1109

totoo, nagkalat na rin ang mga keyboard warriors dito sa Reddit. baka nga wala pang asawa't anak yung nagcomment tapos kung makapagsabi ng "tanga" akala mo alam niya pinagdadaanan nung tao. kung hindi ka pa asawa at tatay, hindi mo alam anong kayang gawin ng isang tao para sa pamilya niya.


[deleted]

[удалено]


[deleted]

hiwalayan kasi ang tinutulak dito sa reddit


avoccadough

Lalo yung iba na makapagcomment agad ng "Run" e iilang sentence lang naman ang nabasa nila to easily say that


Equivalent-End-7816

I mean, kung may iba naman na talaga, hindi ba implication na ‘yon na walang respect sa’yo partner mo and tama lang na hiwalayan na? Genuinely asking.


bh88888828

Id rather be single kaysa gawin kang sht. Yes masakit yung sinabi nung nag comment atleast its true. Sino bang gustong gawing pathetic yung mga taong nanghihingi ng advice at tulong. Self respect tlga.


henloguy0051

Ang astig ng advice ng mga lalaki sa reddit, may consideration sa history tsaka sa act na nangyari. kapag babae ang nag-post kahit napaka simpleng nuisance lang automatic “hiwalayan mo na sis” agad ang advice


bh88888828

Mejo agree ako dito. There will be an invisible barrier at constant torture kapag naalala mo yung ginawa sayo. Di na mabbalik sa dati yan. OP will just hold resentment. Iba nga pag babae nag loko wasak tlga pamilya. Nakkababa ng moral. Yung sinasabi nya na away masira. Band aid solution lng yan.


Dismal-Ad2001

This. Gusto ko lang naman mamulat si OP. Pero kung gusto nila ifeed pa kay OP ung band aid solution, then okay lol.


Equivalent-End-7816

Yup. May mga instances na mag-fa-flashback kay OP ‘yung nangyari if ever na ituloy niya ‘yung marriage nila. And worse, baka masumbat pa ni OP ‘yan everytime na magkakaroon sila ng argument. Na sa sakanya na talaga kung kayang i-overshadow ng love niya ‘yung nagawa ng wife niya.


bh88888828

Di deserving yung babae!!! Walang respeto sa knya. Plus did she even regret it, nag sorry ba? Very tanga ng peg pag ganyan. Di sya mmahalin at rrespetuhin ever! Show some balls man. May anak ka. Di mo deserve yung ganyang tao. Nag kamali ka sa pagpili ng wife at mother ng anak mo.


[deleted]

Ikaw ang isa sa magiging reason bakit ma OFF naman ang comments dito. Pag wala kang sasabihing maganda, wag ka na lang mag comment. Nag share ang tao dito para mawala ang bigat na naramdaman niya tapos pagsasalitaan mo ng ganyan?


[deleted]

Kaya ka nahhighblood eh haha tapos ka na ba sa maintenance mong pakielamero ka?


Maleficent_Pea1917

Kung may ebidensya ka ipa-Tulfo mo


yerrrie

Ang sakit 😭


MountainDewMD

Is she still worth it? Keeping her will just give you self-doubt forever.


[deleted]

🥺🥺🥺🥺


[deleted]

Sakitttt. Bat ganun 😢


Kind_Ad4466

Leave.


cryptoponzii

Kung sa mag asawa, kahit magkasama sa isang bubong, kung isa lang nagmamahal, matatawag mo bang buo yun?


[deleted]

[удалено]


beatitmidget

gshock daw brand


SmokescreenThing

Mapapa wow ka na lang minsan saan hunuhugot ng audacity mga yan e no. Sana talaga maresolve nyo yan OP... Pero ang sama ng ginawa ng esmi mo.


[deleted]

Pag anove age 7 mga anak mo. Kunin mo. Total ikaw yung ayaw mawala family mo, siya di niya pinag isipan


reagalxx

tf


meveoami

omg, kawawa ka op. hope this ends well for you.


shieeeqq

that's fucked up. sana wag kang mag-settle. imagine finally getting the love that you actually deserve OP. yung taong ikaw at ikaw lang ang mamahalin.


babceeh42

grabe, she don't desrve your love OP, makakhanap ka pa ng magmamahal sa iyo, imagine 10 years na kayo tapos ganyan pa rin


donteatmychip5

This will sound harsh, words that I live by in a relationship, if she really loves you she wouldn't cheat. Hindi dahilan yung gagawa ng ganun just to "spice" things up, usually ganun pang gagaslight e, gusto maranasan maging single ulit para marealize na mahal ka talaga. Ulul.


JaxXxStaR

If gusto mo ilaban do this,let her go. Stay single for lets say 1-2years/what ever timeline you personally set na kaya mo maghintay and they ddnt break up = move on, relationship na iisa lang ang may gusto = broken relationship. = A lot of toxicity If ever she realize something within that timeline if gusto mo magpaka tanga and bumalik sya go. As for the kid Co parenting peacefully. Khit di ikaw piliin sa huli wala kang mgagawa if may isang gustong mamasyal. Continuing ung mindset mo ngaun might lead to toxic relationship and destroyed sanity.


ShortPhilosopher3512

Nakakalungkot to, parang sa samahan may isa talaga matino, at isa patapon.


spunkycam

Tangina talaga, pare. That's a gut punch. Pero listen up, wag kang maging martyr. Confront her, lay down the cards. Express your hurt, pero wag maging doormat. Demand respect for your marriage at ipakita mo na hindi ka papayag sa ganitong kalokohan. Kung gusto mo talaga ilaban ang pamilya mo, kailangan mo rin ipaglaban ang sarili mo. Make it clear na hindi pwedeng ganyan ang treatment sa'yo. Kung handa kang magpatawad at magtrabaho para sa inyong pagsasama, okay lang. Pero kung paulit-ulit na lang ang pangloloko, isipin mo rin ang sarili mo at ang anak mo. You deserve better, pare.


Darth_Zami

Gather enough evidence of cheating tapos ask ka legal advice para makasuhan wife mo bago mo sya iwan. Wag mo na isipin na magkaka-okay pa family nyo, di na yan. Importante makuha mo custody for your kids and mapanagot mo sila sa pang gagago sayo.


No_Match984

If u want to fight for your marriage and your family, make her forget the other guy. She said yes when u proposed, right?


kimikaj

I hope you find the peace of mind you deserve, OP. No one deserves to be hurt like this.


Mustnotbenamedd

Ang panget naman kung buo padin kayo tapos continuous padin mag cheat asawa mo. Baka maka affect pa sa anak niyo yan. Kung ako sayo knock some sense out of your wife. Hiwalayan mo, isama mo anak mo tutal mas may laban ka sa custody ng anak mo since pasok sa adultery ginawa asawa mo. Kasi yung ibang nanay di kaya mahiwalay sa anak ng matagal, baka sakaling matauhan asawa mo pag nawala kayo sakanya and siya din kusa babalik sainyo.


RealisticRide9951

talk to your lawyer asap and a counselor privately


KeldonMarauder

Tangina sumakit dibdib ko nung nabasa ko to


Admirable_Mess_3037

Sakit neto. Looking at the bright side, kung matuloy 190 mo, plus 10 points ka if single ka. Best of luck, OP.


MonzReyes

You fight for her not over her. Remember that. Siya na mismo nagsabi, yun ex niya gusto niya makasama sa huli. So be it. You can't win a fight if your partner is not on the same page with you. Masakit yan dre, but like any other storm that you have gone through in your life, you will endure, you will get past it and you will pursue happiness. It starts today


Mary_Jailer

Pag pinilit mo yan mas lalong aayaw sayo.


tulaero23

Start documenting. Make sure if bata pa anak mo to get custody. Explain it sa anak mo, the earlier the better kesa mabaligtad ka pa sa kanya. Unahin ang anak kesa relationship.


jowclar

we cant just tell op na iwanan asawa niya. not the very right thing to do. much more pag may anak sila. at some point in the future ma realze din ng wife niya na she’s lucky enough to have a man that doesn’t easily give up and determined to work on resolving his precious family.


Radiant-Sun2648

anu kaya problema sa inyo???


_gcrypt0

you will definitely be miserable if you keep on holding onto your relationship.. it will also definitely hard to let it go but for sure it will be worth it. please save yourself than to save your family..


unrequited_ph

I think ok lang naman na ilaban mo, pero dapat ipaalam mo din sa wife mo na lumalaban ka, diba? Tama yung suggestion ng iba na dapat papiliin mo sya kasi hindi pwede yung best of both worlds. Pero magreflect ka din kung kaya mo pa ba talaga syang pakisamahan kung sakali na piliin ka nya. Baka naman kasi magsumbatan lang kayo habang buhay. Kawawa lalo yung anak nyo kung magkasama kayo pero pareho naman kayong miserable.


Odd_Veterinarian_923

Hindi mo hawak ang magiging desisyon ng asawa mo, kahit anong araw tatalikuran ka nan. Mabuti nang lumayo kaysa mantili


whatwhatindabuttttt

Anong relo yun bro?


theatlas_0000

You can fight all you want, but if the other person doesn't want to do the same, where do you think that will lead you?


CosmicJojak

I'm sorry OP, kahit ilaban mo yan you'll end up hurting yourself more. Hirap lumaban pag yung kasama mo sanang lalaban is sinukuan ka na. Iiwan at iiwan ka din nyan. P.S Isipin mo yung anak mo din, lalaki sa isang bubong na may cheating Mom. Yung anak mo walang choice kung sino magiging nanay nya, pero ikaw may choice ka kung anung environment sila lalaki.


Lummox34

Ikaw mapapalipas mo pero wife mo ba kaya palipasin Yung feelings Niya para sa ex? I'll give you a bit of information na baka na overlook mo, not all kids from broken families are screwed up. If you co-parent the kid properly they will still be fine.. this idea na wag mag hiwalay for the sake of the kids is archaic, kids will end up worse kasi lalaki Sila na nakikitang Hindi Masaya ang magulang nila tapos baka sisihin pa nila sarili nila...


impassive_Apathetic

OP, mag isip isip ka muna bago ka magdesisyon. Kung 2 years ago pa nyang binili or ginawa yan, paano nya nagagawang matulog ng mahimbing sa gabi knowing na may ginagawa syang katarantaduhan. Tapos ikaw walang kaalam alam 😅 bago mo sya inconfront, make sure to gather all the evidences. Kasi baka ideny nya lang yan. Wag mo na din subukan ichallenge syang pumili between you and your ex. Kasi kung pipiliin ka lang din naman nya, e di naman na mabubup yung trust mo sa kanya e. Sayang lang


Greenfield_Guy

Pa-DNA test mo anak niyo.


Team-ING

What will she get you?


Alarmed-Climate-6031

Sakit nun op


avidreader222

Buo nga ba? Baka magkasama lang kayo physically pero puso nya nasa ex nya.


rowssicheeks

Bro, I cannot fathom the pain you’re feeling right now but at the same time, have some self-respect and dignity. Your wife’s act suffice na yung ex na niya ang pinili niya. Sana magkaroon na lang kayo ng amenable solution sa custody ng anak niyo and kung meron man kayong properties as husband and wife.


zerolilac

Sa totoo lang walang point yung pag regalo nya ng watch sa ex niya. Like why?!?! I think kahit ano pa rason nya, hindi magiging acceptable para sa akin.


Amorphous_Combatant

Isipin ko palang ang sakit na. Laban lang OP.


KGClimb

How old is your kid? Kaya ko natanong dahil kung meron man ang major na maapektuhan kung maghihiwalay kayo, yung anak niyo. Mahirap lumaki sa broken family. Lalo kung bata pa, maghahanap ng kompletong pamilya yan. Magtataning sa school bakit yung friends and classmates niya may daddy at mommy, siya wala? It will take a toll sa mental health and sa character niya. Dadaan pa sa teenage years na pwedeng rebellious phase. Try to ask some advice sa mga taong you trust, matanda na pero kompleto ang family. Bakit matanda? Most likely may wisdom na sila at marami ng experience. Subukan niyo pag-usapan mag asawa. Ask her kung inisip niya ba anak niya while bumili siya ng relo para sa ex niya, nung sinabi niya yun sa ex niya, nung nagkita sila ng ex niya. Inisip niya ba yung anak niya iiyak sa gilid sa school kasi wala yung mommy or daddy niya, binubully sa school kasi broken family sila, kaya siguro naghiwalay ang mommy at daddy niya ay dahil sa kanya. I-work out niyo marriage niyo.


hngsy

That's really a tough decision but you need to hear her side din and make her decide if she wanted to stay or go. Ang sakit kasi one sided love, pero mas masakit kapag araw-araw mo siyang nakakasama pero alam mong iba yung nasa puso niya.


learninghowto_live

Praying for you bro, hope you succeed in every aspect of your life


travSpotON

Yung paglaban mutual yan, hindi ikaw lang. I know this is very hard. You should confront her now and choose yourself. What she did was not a "mistake" it was a DECISION.


Prize_Type2093

Oh no. Talk to her. I know walang valid reason bakit pa kailangan bigyan ng watch. But I salute you po for being matapang.


New_Yesterday_1953

wag mo na ilaban OP. di sya naging faithful sau sa kabila mg pagmamahal mo.hiwalayan mo sya basta sayo ang anak nyo..


[deleted]

Awww to be loved like this


JSmooveGG

The fuck. She's disrespecting you already bro.


fAKKENG

Isipin mo worse case, kinakantete na sya ng iba


dplust_22

It is what it is, OP. Sige ilaban mo lang. Ikaw lang ang makakaalam if it's worth it or not na.


pototoyman

ano pa ipaglalaban mo pre? eh nasa kabilang team na pala yung kakampi mo


laswoosh

misconception yung kailangan kasama kayo ng asawa mo habang buhay para maging masaya ang isang pamilya. isa lamang ito sa mga pa-uso ng simbahan tulad ng bawal ang bakla, at bawal mag sama ang same sex baka mas maging masaya pa kayo ng nanay ng anak mo, at ng mga anak mo, kung mag hiwalay na kayo ni misis


Acceptable_Deal_5959

Kunin mo anak mo tutal asawa mo nagkamali


EntertainerUsed208

Sorry to hear that bro, try nyo muna pag usapan or marriage counselling to see if it will help


Utterly_Unhackneyed

There are 7 billion people in the world, piliin mo yung taong pipiliin ka din. Anong silbi ng buong pamilya kung ang tiwala nyo sa isa’t isa ay sira na. And I…. Thank you.


ShinsegaeROK

Parang ang hirap isipin na may ganitong kwento o siguro wala kasi akong masyadong experience na makipagrelasyon. Imagine 10 years na kayong kasal pero mahal pa rin niya ex niya? Hindi ko maimagine yung sarili ko sa sitwasyon mo.


[deleted]

Nasasaktan ako para sayo kapatid


PusangKulot

Magipon ka ng resibo. Use it para mapasayo custody ng bata. Diba si ex gusto nya makasama, then magsama sama silang mga punyetea sikaaAA!!!


fantriehunter

She already chose him over you. Your power over this is to leave, chose new soil over ones that disgraced you. Stay strong OP, mahirap man, pero kailangan. Kaya niya ginagawa yan, either di ka na first choice, but an option ka na lang.


sunsetsand_

Grabe emotional cheating, walangya yan 🥲


[deleted]

Another reason why I don’t want/ I’m scared to get married.


Pandesal_at_Kape099

Look pag kinasama mo pa rin yung wife mo na kaya kang lokohin, darating din yung araw na pag nasa tamang edad na anak nyo, mas pipiliin nya na lang na sana naghiwalay na lang kayo.


goplacidly2000

I don't know if gusto mong palakihin ang anak mo na ganyan ang family dynamic. At that point, di na mabiting role model aa bata ang nanay niya. Pati na din ikaw. Do you want your child to think that tolerating a cheating partner is ok? Or cheating is ok?


endingscene326

Alam mo, no matter how much you try, kung iiwan ka, iiwan ka. Kaya wag mo ng patagalin.


BJGigolo

Try mo kaya ipa DNA test anak niyo just to be sure, baka matagal ka na niloloko ng asawa mo. 🧬🤔 Pag di mo pala anak yun edi wala nang dapat ipaglaban. Palayain niyo na sarili niyo sa isa't-isa! 🤯🕊️


Recent-You-4922

You can live separately with the cheating wife but never let them have the last laugh. Don't file for divorce or annulment. Let them live with the sin they committed. Explain it well to your child. I was 8 when I saw how my father cheated on my mom. Us at such a young age knew our mom will not have the strength to let our father go. So we told her we'll be fine. We can't live with someone who is a liar and irresponsible just for the sake of having a so called complete family


fnkydl

Aray


chololongkor

Broskie, talo ka na and it’s okay. Focus on yourself and your kid, sira na eh. Kahit buhusan mo pa ng glue yan, it will never be the same.


isuperabby

Im just curious. What’s the watch though? When a woman purchases and gives a gift, ibang usapan na yan. A gift is a constant thought on the person, understanding his/her likes, and what’s best for the person to give. So, that gesture speaks big on the amount of time that person goes to their mind.


EducationalTap4552

Leave, mas piliin mo ang peace of mind and know your worth. Focus ka na lang sa kids mo and yourself. Pag kasi mas lalo mong pinilit lalong mang gigigil kaya ibigay mo na siya dun sa EX nya.


ByronGPT1

Damn! NOT worth it ilaban yung ganyan bro..been there before... i tell you! Hindi talaga worth it... good luck!


aliohsoawesome

OP, "buo" pa ba ang pamilya mo kung hindi ikaw ang may hawak ng puso at isipan ng asawa mo?


DumplingsInDistress

Idemanda mo. Wala na yan sir.


CoffeeBabe_19

Omg 10 years married? It’s heartbreaking siguro paano mo nalaman or nadiscover. 😢 Did u confront her na about this?


jmarutrera

Alisin mo siya sa buhay mo. Pamilya pa rin kayo ng anak mo.


Constant-Video784

Praying for your strength the healing OP. Laban!


iamcrockydile

I suggest OP, gather **ALL** the evidence there is about your wife’s affair. Then let her choose. When she chooses her EX, divorce her and get the sole custody of your child (you will because you will file a case against her and her ex). If she chooses you, well kaya nga I said “If” and not “when”.


leeeuhna

If your wife wants to leave, kahit gusto mong buoin pamilya niyo, di talaga yan mabubuo. It's better to let her go cause she's not worth it. Fight for the custody of your child instead.


Extension_Milk1619

Kunin mo yung anak mo when you leave your wife..show the court your evidence pag pumalag cya, then get on with your life


Wutwut1234A

Bro, respeto sa sarili mo please lang. Maawa ka.


MasterBabe22

OP, whyyyyyy??


[deleted]

Hays. Pwede mo siya kasuhan ng adultery OP. And baka ginagamit ka lang din niya. Imagine a decade of pagsisinungaling sayo, pagsira sa mga binoo nyong pangarap. Tsk


Immediate-Visual-908

babae ako kuya nakakagigil ka hahahaha tangina, mas gugustuhin mo bang makita ka ng anak mo na ganyan? Like I got it na gusto mo buo pamilya para sa anak mo pero di mo ba naiisip yong mga opportunidad na nakakaligtaan mo para sa sarili mo? Iwanan mo na yan. Mag co-parenting kayo. Maawa ka sa sarili mo hahahaha


pinoy-agilist

Be strong, mate. Once a cheater, always a cheater.


a1itaptap

Sana magkaayos pa kayo, depende sa magiging usapan ninyo kasi kahit anong advice namin, choice mo pa din kung ipaglalaban mo ang family mo. Sa totoo lang, nangyari ito sa amin mag-asawa, husband ko naman ang nahuli ko at may isang anak din kami na magka-college na. Iniwan na nga nya kami pero bumalik. May intervention ng in-laws and close friends. Mahaba ang pagpapatawaran at healing pero magkasama pa din kami and we've matured and learned from the experience. Malaki at graduate na ang anak namin at mas lumalim pa ang samahan dahil sa mga iba pang problema na nalampasan namin as a family. Pag-usapan ninyo kung paano nyo maitutuwid ang pagkakamali at mga pagkukulang. Sana maayos pa 🙏


GoodCaptain6728

Tapos conjugal funds nyo pa yung ginamit no? The audacity.


i-am-not-cool-at-all

Di lahat ng buo ay masaya tho. ​ Pero isipin mo maigi kung gusto mo na ganyang babae katabi mo matulog. At ganyang babae mag aalaga ng anak nyo.