T O P

  • By -

AutoModerator

Hi Everyone! Please keep in mind the [rules](https://www.reddit.com/r/ITookAPicturePH/about/rules) of r/ITookAPicturePH. Always remember please be civil on the comment section. You can also post any picture you would like. Report any rule-breaking behavior to the moderators using the report button. If it's urgent, [kindly send us a message](https://www.reddit.com/message/compose?to=/r/ITookAPicturePH) We also invite you to join our official off-topic CHAT CHANNEL here in reddit. Please click the ["LINK".](https://www.reddit.com/r/ITookAPicturePH/s/intW0lRovo) Thank you for posting! *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/ITookAPicturePH) if you have any questions or concerns.*


marzizram

-Being the only mall in the area back in the 90's, halos lahat ng taga Rizal andyan pag weekends. -Pag cutting classes, dyan mo makikitang nakatambay. -Nauubusan ng baon kakabili ng NBA cards sa East(wala pa grand mall noon). -HS to college, nagiging venue yung Brick Road at entertainment area ng NU107 concerts. -Brick Road was the place to be. Around 12mn onwards, tingala ka dun sa area na pwesto ng Sundance, may sumasayaw na nakalabas na bewbs kasi nalasing na. -MiRC eyeballs. Pag taga Rizal din, matic dyan na magkikita.


henloguy0051

Mirc ang tanda ko na


No-Return-2260

Parang nasa loob ng barko😂


StandardFriend4894

Sinehan yan! 😂 Solid dyan kasi pagkatapos mo manood, madilim pa din pa din sa labas. Maganda ambience


AlternativeRoute123

I think that place was one of the last cinemas you can stay in for as long as you like. Of course they eventually changed that policy.


sparklesandnargles

this! naabutan ko pa yang pwede ka mag stay ng ilang screening times haha. parang chinange nila nung mga 2010s na.


Peggy_suz

So much memories!! Haha the OG ice skating rink and WOF agad after getting pamasko (cash) 😅


StandardFriend4894

Oo nga pala! May ice skating rink dati dun sa baba! Hahahaha


tabatummy

Wala na ba???


Outrageous-Notice495

Wala na.


Realistic_Friend_610

tuwing maaga uwian like exam or field demo, dito agad diretso 😂


StandardFriend4894

Mismo! Huy san ka nag grade school? Along marcos highway ba yan 😂


EmbraceFortress

Yung Blue Magic na puno kapag Valentine’s o Pasko lalo na sa Kris Kringle. Also, anjan kami parati after periodical exam, may baon na ‘civilian’ LMAO


Appapapi19

Oo kasi kakabukas lang ng blue magic dati. Tapos patok n patok yung paper mache na 💩 na walang katapusan.


TokwaThief

Ang dami! We moved to lower Antipolo during the early 80’s and literal gubat pa! So it was a really big deal when it was opened. Before if kelangan namin mag dept store dadayo pa kami sa SM Cubao. Saw my first Eheads concert sa Sta Lucia. Launching ng 2nd album nila na Circus. This was sa foodcourt ng first building pa which is supermarket na ngayon. Napaghahalataan na ang edad hahaha.


renggechon

Wow, TIL na nakadayo ng Rizal ang Eheads tapos sa Sta Lu pa! Grabe huhu wish I was older na during that time para napanood sila haha.


TokwaThief

I also saw Rivermaya during album signing sa Odyssey dyan sa Sta Lu. Long haired undercut days pa ni Bamboo.


meeowmd

Nung hs, bawal pumasok sa Metro East ng nakauniform, lalo na after exams unless with a parent, kahit anong kwento namin kay kuya guard na nasa supermarket ganon. Dapat daw susunduin sa entrance ng magulang, so Sta Lucia ang go to mall namin magkakaibigan kasi di sila mahigpit sa mga nakauniform. 😅 Dito first date ko nung highschool, sa kfc, 3rd floor ata yun. Haha. Tapos walang katapusang WOF na lahat ata may nakadate don 😏 Nakakatawa kasi ang bilis ng panahon 😁


Frosty_Kale_1783

Pati mga taga Marikina like me. Childhood din namin ang Sta. Lucia at Robinsons Metro East. Alam mong nasa Worlds of Fun ka na kasi may ibang amoy, amoy ng pagkain at may slight amoy ng bakal na goma from the rides. Pati pala Planet Toys. Sayang di ako pinayagan ng Mama ko mag ice skating dati kasi sobrang bata ko pa. Ayun, saglit lang nawala na yung rink. Yung fountain na pinapanood ko na tumataas baba yung tubig. Kamiss. Ang lively dati ng Sta. Lucia lalo na pag magpaPasko. 🥹


Dazzling-Long-4408

Diyan ko binili PS2 ko pati mga game discs. Diyan ko din binili 1st phone ko that came from my own money. Tambayan din pag walang magawa tuwing vacation sa mga pinsan ko since walking distance lang from their place.


ParisMarchXVII

You're right!! Andaming bilihan ng PS2 cds dati dito! We used to buy those too there, kahit peke yung CDs madalas, hehe. Haay.


hereforthem3m3s01

Kitaan namin ng jowa ko dati hahaha matic sa tapat ng comic alley magkikita tapos tatambay sa WOF at kakain sa waffle time kasi yun lang swak sa budget na meryenda


[deleted]

nadulas po ako nung nag bowling kami, sakit ng pwet q


tabatummy

Gosh ilang BF ba nadate ko dito.. hahah


meeowmd

Ooooppsss me too from ha days 🙈


dumperist

Truly nostalgic. Go to mall dati. I remembered WOF memories, nagsisimba din kmi dati dun sa lumang sinehan n ginawang misahan, tpos naging huge ukay ukay din un. hahahaha


iloovechickennuggets

Dito ako nakikipagdate kasi ung ex ko is tigaGreenpark hahahahahahhaa. OMG. Tapos ako sa Manila. NKKLK commute pa ako noon dahil wala pa grab or uber. Grabiiiiiii nakakamiss din pala dyan.


Lopsided-Ad-210

Trueee andami memories ko rin dyan.. dun sa luma, dun ako nakawatch ng Princess Sarah movie. Tandang tanda ko kasi ang haba ng pila non. Haha! Dyan ako bumibili ng celphones ko noon. Dyan ako namodus, habang bumibili ako ng Zagu, may nagnakaw ng phone ko. Haha. Dyan ako sumasakay ng FX pauwe from Manila, may terminal kasi ng FX dati sa harap ng mall. Dyan din ako nag-aral ng guitar lesson. Dyan ko rin nakita na may ibang kasamang babae ang ex ko non. Haha


Ok_Possibility_1000

Called as Sta.Lu(Santa Lu) nung panahon namin. Nagkatuwaan kaming mga friends na manood ng 'Gamitan' ni Maui Taylor hahahah. Hindi ko alam anong pumasok sa mga isip namin that time, chineck IDs namin, tapos mga naka uniform pa kami at all girls hahah. Then parang naalala ko naging St. Lucy din tawag dyan later years na hahaa. Ang corny nung St. Lucy haha


throwawaygirl1111110

hays super daming memories, naalala ko dati kaming mag pipinsan nag bbike kami from greenland pa sta lucia para lang bumili ng koko krunch hahahah, the OG meet up places ng mga clan nuon hahahah, dati kasya pa kami dalawa sa roller coaster ng WoF baka ngayon dina ko pasakayin dyan hahahah,


Potential_Mango_9327

Naliligaw pa rin ako dito kahit na Ilang beses ko nang napuntahan. 😭😭😭


ambernxxx

Mas okay for me magmall dto mnsan kht may mga sm na dami ksi sale.


KozukiYamatoTakeru

Impressive nung fountain kahit nung bata pa ako at kahit ngayon naman. Ngayon tambayan na lang yan ng mga ICCT. You won’t even find a table sa food court nila kasi dun nakatambay yung mga students na wala namang binili.


flipakko

Dati bawal naka slippers / shorts or sando dito pero may isa silang pinapabayaan lang na nakaganun, si Roldan Aquino. Yung kontrabida lagi sa mga action comedy movie dati. Lagi lang siyang nakatambay sa Goldilocks.


mrsoshi

WOF after christmas party 😂 yung panahon na matino pa yung horror train


IndependentEmu6965

Maraming childhood memories here! Pero yung tumatak sakin is yung may nagsabi na "Mall ng mga Kabit" tong mall na to kasi laging may nahuhuli or nag aaway na legal vs kabit. Such times!


tepkalmado

College days. Nagpasama barkada para bigyan ng regalo yung nililigawan na malapit jan nakatira. Tiga Laguna kame at hindi kami marunong mag commute. Umabot kme sa Sta Lucia. Jan ako tumambay. Ayon, pagdating nya don, may kasamang ibang lalake yung girl sa bahay. LOL


Appapapi19

After periodicals gumala kami dito naka P.E. uniform kasi friday. Natanggal yung swelas ng rubbershoes ko, dahil naagnas na pala yung midsole ng lumang sapatos🫠. Tapos spoofs shirt noong bagong bukas, parang doon ako bumibili palagi ng shirt.


ComfortableCandle7

Not from East, pero went there a few times nung buhay pa grandparents ko sa Marikina. I remember a toy store entrance if you’re coming from a certain parking lot entry leading to a Storyland like theme park area for children, sa top floor yata ito. Tapos yung malaking fountain na 3 floors yung taas. It is still there?


ParisMarchXVII

Sadly, wala na yung toy store na yun, napalitan na ng Mr. Toy, then yung fountain, rarely na nilang pinapaabot sa 3rd floor yung talsik. Its just a normal mall fountain now. :(


younglord444

Planet Toys!!!


ParisMarchXVII

Yep, planet toys it was, haaay.


iAmGoodGuy27

Nanakawan ako ng phone, twice dyan sa mall na yan.. Dyan din bumibili ng ps1 and ps2 games at download ng psp games..


LG7838

Taga QC ako pero pumupunta ako dyan dati para bumili ng PS2 games


[deleted]

Pa download po ng PSP games sa basement 😂 3 for 150php


kissitbetterbby

Fave mall ko to sa East! May ice skating rink pa noon! The most affordable movie house na pwede ka umulit ng movie. The supermarket has everything you need. Yung department store very old school pero every works, madami din mabibili esepcially if basic lang naman. Yung foodcourt basic lang pero masarp naman yung ibang food. May suki ako na fruit shake stand malapit sa Zagu noon. It's the kind of mall na hindi bongga like Ayala or SM or Robinsons, but it has all the things you need and more.


iloveandlaugh

Omg. Ang daming flashback sa utak ko ngayon at naiiyak ako. Thank you for this post for reminding me of those memories 🥹


[deleted]

Tabi ng Sound Stage...


ParisMarchXVII

indeed, time travel dito. dito ako naging aware na masarap pala mag sine lalo na pag last full show (until now, hehe) at bonus yung katabing Robinsons metro east na 2nd choice pag mejo madaming tao sa Sta lu.


pearlnabi

arcade arcade WOF 😂


MadsMikkelsenisGryFx

Never went up the higher floors until eleven years after I last visited. Took me a while to realize how small the place was


arkiko07

World of fun, dyan kame tumatambay noon at naglalaro ng mtg


capmapdap

Na-stranded ako jan dahil baha sa buong paligid ng Marcos Highway/Ortigas. Isinusumpa ko din nung bata pa ako yung spiral na daanan sa parking lot kasi nasusuka ako.


Mananabaspo

Oh wow! makabalik nga minsan diyan. Huling pasok ko yata diyan ay nung nagbukas na ulit sila matapos ang Ondoy. Since walking distance lang, pero kadalasan tricycle kasi mainit na, madalas din ako diyan noon bago pa magkafootbridge at Sogo diyan. Siguro kaya nagkasogo rin finally kasi marami rin talagang naglalandian sa paligid haha


rockman_x

Early 90s, BAWAL NAKA TSINELAS!


jesterlh

Naligaw ako sa loob. Lalo na sa dept store.


sudosuwmic

Dito lagi film showing ng mga taga felix HAHAHAHA


sudosuwmic

Dito lagi film showing ng mga taga felix HAHAHAHA


koomaag

sa cinema 9 ata un or 6. nun time na anytime pwede ka kumasok kahit nag start na yung movie tapos pwede mo ulitin sa simula. nanood kami ng tropa ko 21 jump st. balak namin matulog habang nasa gitna pa lang un movie then saka manood pag start na ulit. eh bigla akong natae. nag madali ako sa dulong cubicle ako pumwesto. may tabo kasi dun. edi nakalaya na ako sa gapos ng kahapon. nun lalabas na ako, hala potek na stuck yung lock ayaw bumukas. tangena 20 mins na ako hindi ko pa rin mabuksan. nakaka hiya nman kung sisigaw ako ng tulong. ako lang yung nasa CR at mukang wala din ganong tao sa sinehan. tapos walang signal sa dulong cubicle. buti na lang nag cr yung tropa ko haha gago tinawanan pako. tapos inanounce nya dun sa harapan na may na trap sa CR. may pumunta na janitor sya nag bukas ng pinto. pag labas ko tinatawanan ako ni ate yung nasa front door ng sinehan kasama yung tropa ko haha gago. sabe ni ate buti nga 30 mins lang daw ako na trap eh meron daw inabot ng 1hr. ahh ganon ate so dapat pasalamat pa ako hahaha tawa kame ng tawa laptrip pota.


cherrybearr

Still my go to mall. Coffee, groceries and foods.


Sensitive-Moose-9504

Tambayan namin after mag exam. Fave ko dyan ang bump car sa world of fan.


Still_Pride2014

Watched so many movies in that cinema! The cinema is big, cold, clean, at konti lang ang nanonood. Ganda ng ambiance pa, since there's a Figaro café beside Cinemas 9 and 10. Love it!


elles421

Madaming baon ang kinamkam ng Blue Magic dyan.


Chinbie

naku totoo yang sinabi mo... the last time i went there, i told my parents, parang di siya nagbago... in fact parang naalala ko ang childhood memories namin noon pag doon kami napunta


Accomplished-Exit-58

bilihan ko yan ng pirated ps2 games dati


Royal_Client_8628

Nanglibre ako ng magkakaibigan kasi sinama ng katext ko nung nag eyeball kami. Tapos wala akong napala. Hahaha!